Kabanata 1

2321 Words
“AT talagang nagkaroon pa ng lakas ng loob ang pamilya ng lalaki na ‘yon na lumapit sa’yo?!” my best friend exclaimed as I told her I visited my ex-husband last week in the hospital. Pabalang siyang umupo sa aking swivel chair katapat ng office desk ko. “Pagkatapos nilang panoorin lang noon ang kalokohan ni Yosef? Bilib na bilib na ako sa kanila.” “Faye,” banggit ko sa pangalan niya upang sawayin siya. Pagalit niyang sinuklay ang naka-lugay niyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri. “Alam mo, Leal, kung sa akin lang ay hinding hindi ako magpapadala sa mga paawa nila,” sermon niya pa sa akin habang inuumpisahang buksan ang cellophane na may lamang chips. “‘Yong pagpunta-punta mo roon, sigurado ako na may kasunod pa ‘yon. Uutu-utuin ka lang nila.” I am not surprised with the attitude she’s showing to me right now. Nasaksihan kasi niya ang lahat ng pagluha at pinagdaanan ko noon. I folded my arms and sighed. Umupo ako sa sandalan ng couch habang patuloy na sinasalo ang ibinabatong komento at payo niya patungkol sa bagay na napagdesisyunan ko noong nakaraang linggo. Nagawa ko lang naman pumayag nang mismong si Ma’am Helina na ang lumapit sa akin. Naging mabait sa akin ang ginang. Ni isang beses sa limang taon na pagkakatali ko kay Yosef ay hindi kailanman ako nakatanggap ng masasakit na salita mula sa kaniya kahit pa hindi maganda ang relasyon nilang mag-ina. Last week, habang hawak-hawak ni Yosef ang aking kamay, hindi ko alam kung tama bang makaramdam ako ng awa at habag. Maraming tanong ang lumutang sa aking isip ngunit hindi ko nagawang isa-isahin ang mga iyon. Sa bawat segundong lumipas ng sandaling pisil-pisilin niya ang aking kamay, hindi ko naiwasan na makaramdam ng nagbabantang kirot at bigat sa aking dibdib. Traumatic amnesia. Sa rami ng ibinigay na paliwanag sa akin ng mga doktor maging ng pamilya ni Yosef ay iyon lamang ang naging malinaw at tumatak sa aking isip. He lost his other memories. He doesn’t remember the darkest part of our marriage. Ang tanging natatandaan niya lamang ay ‘yong masasayang pagsasama namin na hindi ko kayang alalahanin pa sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko noong wala siya. At ang bagay na ikina-iinis ko at hindi ko nagustuhan ay ang pag-alok ng pamilya niya sa akin ng malaking halaga ng pera kapalit ng pagpapanggap at pag-aalaga ko sa kaniya. “He thought you’re still his wife and forgot the annulment thing?” Tumango ako. I rubbed my left eyebrows. I get the point he’s suffering some head trauma and lost his other memories but it’s hard to put in mind that he failed to remember what he did. Bakit sa lahat ng bagay na puwede niyang malimutan ay iyon pa? Bumuntonghininga ako. “And he thought that he’s still in love with me.” Pagkasabi ko noon ay ngumiwi si Faye na para bang hindi niya magagawang sang-ayunan ang aking sinambit. Hindi ko ikakaila na nakita ko kung paano lumiwanag at huminahon ang mga mata ni Yosef nang makita niya akong nakatayo sa pintuan. Malinaw pa ngayon sa aking isipan kung paano kumurba ang kaniyang mga labi upang bigyan ako ng matamis na ngiti at higit sa lahat, ramdam ko pa rin ang banayad niyang paghalik sa aking kamay. “So, what now, Leal?” Marahang sumandal si Faye at nagawa niyang magtaas ng isang kilay sa akin. “Kahit buong alaala niya pa ang mawala sa kaniya, he’s still the man who cheated on you.” She’s right. Kaagad kong pagtugon sa aking isip. I stayed silent for a moment, locking my eyes to the tiled floor of my small office. It’s not really small, nagiging masikip lang tignan dahil sa mga kagamitan kong nakakalimutan kong imisin araw-araw. Hindi naman masyadong mabigat ang aking trabaho bilang assistant manager sa production department sa kumpaniya ng nakatatandang kapatid ng papa ko na si Uncle Simoun ngunit gumagawa ako ng paraan upang ibuhos ang lahat ng effort ko nang sa gayon ay makapagbigay ako ng ambag sa lumulubog na percent ng business. Since the day I moved out from Yosef’s house, itong office na ito ang nagsilbing tuluyan ko. I turned my eyes to my best friend again, napansin kong sinusuri niya na ngayon ang anumang naka-guhit na ekspresyon sa aking mukha kaya naman tumayo na ako nang tuwid at pekeng ngumiti sa kaniya. “If you’re thinking that I got swayed by him, you are apparently wrong,” paglilinaw ko. She pouted and rolled her eyes before she grabbed something down on her side; her green big bag containing her home made chocolate and vanilla biscuits. “Oo na, Leal,” sarkastikong pagtugon niya. Inilapag niya sa table ko ang apat na balot ng biscuits. “Tanda mo? Ten years na tayong magkaibigan?” Sinimangutan ko ang makahulugan niyang pagkakasabi niyon. Sampung taon na at gusto niyang iparating sa akin na kilalang kilala na niya ako at sauladong saulado na niya ang nagsasabit-sabit na likaw ng intestine ko. Tumayo ako at nang makalapit ako sa aking table ay pinalitan ko siya sa swivel chair ko. “I-kumusta mo na lang ako kay baby Kisses mo,” bilin ko habang inuumpisahan kong buksan muli ang aking laptop. Dahil sa biglaan niyang pagsugod sa opisina ko ay halos naka-limutan ko na ang ginagawa ko. Tinignan niya ako bago siya nagbigay ng maingat na pagngiti sa akin. “I will tell her na miss na miss na siya ng Super Mommy Isabella Leal niya.” I chuckled silently and tilted down my head. “I will leave these to you, okay?” tukoy niya sa kaniyang inalok na paninda sa akin. “Kahit sa end of this month mo na bayaran. Ninety-nine pesos ang isa niyan.” Hindi na ako nagreklamo pa sa panghuli niyang sinabi. I am lucky to have a friend like her. Kahit na madalas hindi ko siya natutulungan sa mga problema niya sa buhay ay hindi siya nagsasawang suportahan o pagsabihan ako sa mga bagay na puwede kong ikapahamak. Higit sa lahat, pinapayagan niya akong maging pangalawang ina ng kaniyang three-year old daughter. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Inilapat ko ang aking likod sa sandalan at sandaling pumikit. Pansamantalang nagkaroon ng katahimikan sa aking isip nang makaalis si Faye. Ngunit, hindi ko napigilan ang aking sarili na hindi makaramdam ng lungkot. Bumaba ang aking mga mata sa naka-kandadong seradura ng aking mesa. Dala ng araw-araw kong pangungulila, lakas loob ko ‘yong binuksan at doon ay bumungad sa akin ang kapirasong matigas na papel, an ultrasound picture of a six weeks old fetus. Bahagyang sumilay ang mapait na ngiti mula sa aking mga labi. Masuyo ko iyong hinawakan at hinaplos. I had the picture years ago, and I will not forget the moment I saw it flashed on the screen. Madilim man at halos wala akong makita, sa gitna no’n ay nagagawa ko pa ring aninagin ang mala-hugis tuldok na pigura na siyang palaging nakatatawag ng aking pansin. That tiny dot was my baby. Maagap akong napatunghay nang marinig ko ang dalawang sunod na katok mula sa nakaradong pinto ng aking opisina. Sumunod doon ang magalang na pagpasok ng aking sekretarya na si Eira, suot ng mapupula niyang labi ang maaliwalas niyang mga ngiti. “Ma’am Leal, may naghahanap sa inyo sa labas, kausap po ngayon ni Sir Simoun,” aniya. Bago ko inangat ang aking paningin ay maingat kong isinilid ang larawang hawak ko at tumingin sa suot kong wristwatch. “Sino raw sila?” mahinahon kong tanong. “Kung hindi ako nagkakamali, Ma’am Leal, ‘yong bumisitang ginang dito noong mga nakaraang linggo.” Kaagad akong natigilan sa isinagot niya. Hindi ko mahulaan o maisaisip kung ano pa ang pakay ng pamilya ng ex-husband ko mula sa akin. Hindi ba nila maintindihan hanggang ngayon na tapos at wala na ang lahat sa amin? Kung ganoon, handa kong ibalandra sa kanila ang mga legal na papeles na nagpapatunay na wala na kaming kinalaman pa sa isa’t isa. We are not married anymore. At kung ang problema nila ngayon ay ang nawalang memorya ni Yosef, bakit hindi na lang nila siya diretsuhin at ipaalala ang bagay na labis na sumira sa amin. O kaya naman, bakit hindi na lang sila humanap ng ibang babaeng puwede nilang iharap sa kaniya? Tutal, alam naman naming lahat kung sino talaga ang babaeng minahal ni Yosef bago nila kami ikulong sa kasal na wala namang kasiguraduhan kung magtatagal. Hindi ako nakalabas pa mula sa aking opisina nang muling bumukas ang pinto na sinaraduhan ng aking sekretarya. Iniluwa no’n ang sinasabi niyang ginang na si Ma’am Helina na kaagad nagbitaw ng magandang ngiti para sa akin. “Maiwan ko po muna kayo, Ma’am,” pa-simpleng usal ni Eira. Tinanguan ko lang siya at hindi ko na pinanood pa ang paglabas niya dahil sa presensiya ng ina ni Yosef. I stood up from my seat. I had no other choice but to offer her the sofa. “Noong mga nakaraang linggo pa ako nanggugulo sa schedule mo, Leal, pero hindi pa kita naku-kumusta,” aniya. Iniligid niyang saglit ang kaniyang paningin sa kabuuan ng aking office bago siya umupo at ilapag ang kaniyang mamahaling hand bag sa lamesita. “Ang sabi ng uncle mo, medyo nagfe-fail ang negosyong hawak n’yo.” I wet my lips and didn’t respond to what she have said. The truth is, our new proposed project got cancelled and rejected. Dahil doon ay pakapa-kapa ulit kami kung saan kukuha ng mas malaking fund at budget para sa nasirang imahe ng negosyo ni uncle. “We are willing to help, Leal.” “Hindi na po kailangan,” maagap kong sabi. Ngumiti ako at umupo katapat niya. “We are currently working for the new project of MounWrist. Gladly, umaayon naman sa plano ang lahat, Mrs. De Cordoval.” She faked her laughter. “Ang totoo niyan, Leal, nandito ako upang tanungin ka kung nakapag-decide ka na sa inalok namin sa’yo,” panimula ng ginang. “Kung may iba ka pang maaaring i-kondisyon bukod sa malaking investment na kailangan ng kumpaniyang ito, puwedeng puwede mong sabihin.” “I need a huge amount of money, there’s no lie on it.” I wet my lips. “Pero hindi ko po kayang tumanggap ng ganoon mula sa inyo.” Napatungong saglit ang ginang at saka niya muling ibinalik sa akin ang kaniyang paningin na ngayon ay may bahid na ng hilam na luha. Lumumbay ang magkabilang balikat niya. “A-are you going to believe me, Leal, if I tell you na isang taon siyang hindi nagparamdam sa amin?” “Probably, he’s sleeping with someone else. O kung sino man pong kinakasama niya ngayon,” I concluded. “Leal.” “Don’t,” I cut her off and then I exhaled. “Don’t and never mention his love for me. Hindi po iyon totoo.” “Pagkatapos na pagkatapos ng last hearing tungkol sa annulment n’yo noon, hindi na umuwi sa amin si Yosef. Hindi nagpakita, wala ring paramdam. Nabalitaan na lang namin ang aksidente, at sinabing bumangga ang kotseng minamaneho niya. Ayon sa mga pulis na nag-imbestiga, lasing siya,” mahinang kuwento ng ginang. “Hindi ko na siguro kailangan pang malaman ‘yan, ma’am.” Tumayo na ako at wala nang balak pang pakinggan ang kung anumang sasabihin pa ng ginang. Aminado ako na naging mabuti siya noon sa akin, silang lahat, ngunit, hindi ko yata makakaya ang bagay na gusto nilang mangyari. Hindi ko kayang magpanggap. Hindi ko kayang tangahin muli ang aking sarili. Natuto na ako. Sa pagtalikod ko, muling nagsalita si Ma’am Helina. “We’re offering you a big investment from the DC Group of Companies.” I sighed. “Makaka-alis na po kayo.” “We will give your mother a proper medication and treatment. Ang DC Pychiatric Hospital na ang bahalang mag-asikaso ng lahat.” Naikuyom ko ang aking mga kamay. “Leal, hindi ba’t bumibisita ka sa Children’s Home?” Narinig ko ang pagtayo ng ginang at iyon ang naging dahilan upang mawalan ako ng pagpipilian kung hindi ang muling humarap sa kaniya. “Plano ng DC Orphanage na mamahagi ng malaking donasyon sa mapipili nilang bahay ampunan. Magbibigay rin ng scholarships at iba pang mga program para sa mga bata. Puwede kong kausapin ang pinsan ni Yosef na si Drav para . . .” “This is enough, Ma’am Helina.” Umiling lang sa akin ang ginang at ngumiti bago siya muling lumapit sa akin upang kunin ang aking mga kamay. Doon ay muling nanagana ang kaniyang mga luha. “Anak, ano pa? A-ano pang gusto mo? P-puwede kitang matulungan. Kahit ano. Sabihin mo. Kahit ano, ibibigay namin, Leal.” “Hindi ninyo kailangang magpakababa nang ganito. Alam ninyo ang dahilan kung bakit naging matigas ako noon kay Yosef. Hanggang ngayon,” matigas at may riin kong sambit. “H-hindi ko nakakalimutan, Leal. Walang nakakalimot sa amin. Alam namin lahat. Si Yosef, ang anak ko ang may kasalanan. Siya ang gumawa ng kalokohan. Patawarin mo na siya, Leal.” Muli ay parang may dumagan na malaking bato sa aking dibdib na halos kapirasong paghinga ay nahihirapan na akong gawin. Hindi ko na rin magawang tignan ngayon nang matagal ang mga mata ng ginang na punong puno ng luha. Hindi dapat ganito, hindi dapat siya lumuluha sa akin nang ganito. Para ko na rin siyang ina, at ang hirap-hirap para sa akin ang tiisin at panoorin ang pagbagsak ng mga luha niya! “U-umalis na kayo, ma’am,” pigil-luha kong usal. “Leal . . . Leal, si Yosef, marami akong naging pagkukulang sa kaniya at alam mo ‘yon.” Paulit-ulit niyang tinuyo ang kaniyang pisngi. “Anak, tulungan mo ako. Ayaw kong gulatin siya sa katotohanang wala na siyang uuwiang asawa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD