Kabanata 2

2609 Words
TAHIMIK kong pinagmamasdan ang mas lalong pagbaba ng porsyento sa marketing department, maging sa production. Ipinakita sa amin ng presenter na nagsasalita sa unahan ang isang chart kung saan naka-record ang performance ng kumpaniya. Ayon kay Uncle Simoun, may katulad na design ang bagong wristwatch na inilabas namin sa merkado noong nakaraang buwan. At dahil mas malaking kumpaniya ang nakabangga ng disenyong iyon ay kami ngayon ang umiisip ng paraan upang malinis ang naging kalat. The presenter flashed the two pictures of wristwatch to the white screen, allowing the fifteen people in the conference room including me to see it. Panlalaki ang wristwatch, kung tititigang maigi ay magka-pareho nga. From the shades of its color, to the metal bands, to the housing or to the thin case and most especially, to the design of its hands. “One of our designers filed a resignation letter a day after the design has approved,” Mr. Hansen, the assigned presenter said. “We tried to contact her but sad to say, the team can’t reach her now.” Napa-iling ang karamihan, ang iba naman ay lumukot ang mukha upang ilabas ang pagka-dismaya. “Malaki ang posibilidad na magsampa ng kaso itong kabilang kumpaniya,” sabad ni Uncle Simoun. Seryoso siyang nakatingin sa malaking screen bago niya inilipat sa amin ang kaniyang paningin. “Sa sinabi ni Mr. Hansen, lumalabas na tayo ang nangopya.” Patago akong napatungo. Ilang buwan na ring bagsak sa market ang negosyo dahil sa medyo palpak nitong mga produkto kaya naman palagi kaming napipilitan na maglabas ng pondo upang agapan iyon ngunit palagi kaming nauuwi sa isang mabigat na pulong. At ito yata ang pinakamabigat ngayong buwan. “Any suggestions, or plans?” “Paano kaya, Sir, kung pa-imbestigahan muna natin ang mga designer ng kabilang kumpaniya,” pagbibigay suhestiyon ni Miss Carzon. Umiling doon si Uncle. “They are big companies, Rhodalou. Pumunta tayo sa mas malapit na reyalidad na ang maliliit na kumpaniyang katulad ng sa atin ay inaapak-apakan lamang ng mga dambuhalang katulad ng kanila. Kapag nangyari, ano sa tingin ninyo ang kalalabasan?” Natahimik ang lahat at wala ni-isang nagtangkang sumagot. “Madudurog tayo, matutunaw at mawawala sa industriya.” Uncle stood up after he took his cane as his support and wear off his thin eye glasses. “What I’m trying to say, for the developing business like ours, we should always move forward and take an action for the next plan. Dahil ano?” “Maaaring masayang lang ang natitira nating pera kung maghahabol tayo, chairman,” sagot naman ni Mr. Ty na nasa kabilang bahagi ng pabilog na mesa. Uncle nodded, ganoon din ang iba. “And speaking of money, we spent a lot of it for the past few months and that includes the half of our funds.” “We need a help of other companies.” Hinanap ni uncle ang aking mga mata. “It is better if the investments we will gather are from the big companies. Kung susumahin ay sosobra pa sa pangangailangan natin.” “Tama si Chairman Navarez. The first thing we need to do now is to move forward . . . ” Isinarado ko ang aking mga palad sa ibabaw ng aking mga hita habang unti-unti akong dinalaw ng pagka-balisa. Alam kong nakausap na ni Ma’am Helina si uncle tungkol sa inaalok nilang pera upang tulungan kami at solusyunan ang suliraning kinahaharap namin. It’s possible that my uncle got shaken by their promises and words. Hindi ko siya masisisi. Pero ang hirap ng hinihingi nilang kapalit sa akin. Hindi ko kakayanin. Ang magpanggap na masaya sa likod ng kalungkutang matagal ko nang iniinda ay kinakaya-kaya ko, ngunit, ang magpanggap bilang asawa pa rin ng lalaking dumurog noon sa akin ay baka ika-wala na ng katinuan ko. I closed my eyes calmly. Hindi ko na napakinggan pa ang sumunod na diskusyon ni Mr. Hansen dahil matagal na na-blangko ang aking isip nang maalala ko ang pagmamakaawa sa akin kahapon ni Ma’am Helina. Hindi niya dapat ginawa iyon. Tama siya, alam kong malaki ang naging pagkukulang niya noon hindi lang kay Yosef, ngunit maging sa dalawang kapatid din nitong si Krid at si Klay. At para sa akin, mali ang ginugusto niyang paraan upang bumawi sa mga ito. “Ms. Navarez, maiwan ka saglit.” Napatigil ako sa pag-aayos ng aking mga gamit nang marinig ko ang nagpapaalalang boses ni uncle. Nakita ko pang tinanguan niya si Mr. Hansen, pati na rin ang ibang dumalo ng meeting bago lumabas ang mga ito mula sa conference room. Ako naman ay nginitian sila habang pinupuno ko ang aking sarili ng sasabihing dahilan kay uncle kung bakit hindi ko kayang tanggapin ang inaalok ng pamilyang minsang nagparamdam sa akin ng purong pagmamahal. Kinalma ko ang aking sarili nang maiwan kami ni uncle sa loob, huling lumabas ang kaniyang sekretarya kaya naman ang malamig na tunog ng takong nito ang nagpaulit-ulit sa aking pandinig bago magsarado ang pinto. “Can you lead our incoming project, Leal?” Napakurap-kurap ako sa itinanong niya sa akin habang pinupunasan niya ang kaniyang salamin gamit ang kapirasong tela. Isinuot niya iyon, tinignan niyang saglit ang unang pahina ng papel sa clip board bago niya inabot sa akin. “Bagsak na naman tayo. Sa totoo lang, nag-aalangan na rin akong magpatuloy pa,” pag-amin niya. I looked at the one-page plan for our new project. Sa itaas ay kasama ang aking pangalan sa magli-lead kasama ang apat pang mga matataas na employee. Unang tinunton ng mga mata ko ang budget. “It’s too expensive, Uncle Sim. Wala na tayong ganitong kalaking pera.” “Mayroon pa naman tayong apat na buwan. We can still make proposals with the other companies. All we need right now is a powerful name in industry like La Cuevas, or Castello-Moretti. What do you think?” Hindi ako sumagot at hindi rin ako sumang-ayon sa una niyang itinanong na maging isang lead sa panibagong binubuong project dahil hindi ko sigurado kung mayroon ba akong maitutulong. Kung sa design ay walang problema sa akin, pero sa kabuuan ng proyekto, nag-aalangan ako sa aking sarili. At itong sinasabi niya ngayon na kailangan namin ng mabangong pangalan ng iba, kinukutuban ako. I pinched my left index finger. “Uncle, I want to inform you that the De Cordoval Group of Companies . . . o-offered a big investment. But the negotiation is . . .” “Nabanggit na sa akin ng ina ng dati mong asawa ang tungkol diyan, Leal,” aniya. “Napaka-laki ng mundo ng De Cordoval. Their offer is very much good, sobra-sobra ang inaalok nilang pera pero ayaw kong mapilitan ka sa bagay na gusto nilang gawin mo.” “Ano raw ba ang lagay ni Yosef?” pahabol niyang tanong. Dalawang beses akong umiling upang sabihing hindi ko alam. Walang sinabi kahapon sa akin si Ma’am Helina kaya’t wala akong ideya ngayon kung maayos na ba ang lagay ni Yosef o kung kailan siya makalalabas ng ospital. “Nai-kwento ba sa’yo ni Conrad kung gaano siya rati kalapit sa pamilyang ‘yon?” I wet my lips when he mentioned my father’s name. I have no idea kung nasaan si papa, lagi siyang wala rito. Hindi ko man gustong makita siya dahil sa ginawa niyang pag-abandona sa amin noon ni mama ay hindi ko pa rin maiwasang magtanong kung nasaan na siya. Nasaan siya, bakit wala siya sa tabi namin ni mama noong kailangang kailangan namin siya? Kinagat ko ang aking labi at tipid na huminga. “He told me once that the De Cordoval needs a bride, so in exchange of money . . .” “My brother didn’t sell you, Leal. And that big family didn’t purchase you. It’s all about making friends in business world. Your father gave you to them because he knew that they will cherish you. Iyon nga lang, nagkamali siya ng lalaking pinagkatiwalaan. But look, saan ba napunta ang pinaghirapan ng ama mo? Hindi ba’t sa atin? Hindi ba’t ito pa rin iyon?” Napatungo ako. Kahit gaano pa kabulaklak ang paliwanag na iyon ni uncle, hinding hindi no’n mababago ang katotohanang pinaniniwalaan ko. Ang may-ari ng pangalang binanggit niya kanina ay hindi kailanman naging ama sa akin. Hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin ni uncle dahil may dumating na mahalagang tawag mula sa kaniya. Kaya kahit gusto pang maglabas ng hinanakit at sama ng loob laban sa aking ama ay hindi ko na nagawa pa. Uncle Simoun is like a father to me. He may look so strict because of his big voice, but he’s really a loving husband to Auntie Mayette and a very good father to my cousins. Minsan, naiinggit ako sa mga pinsan ko. Mayroon na nga silang mabuting ama at ina, kaya pa nilang suportahan ang isa’t isa. I’m a single child, kaya hindi man lang ako nagkaroon kailanman ng kakampi sa buhay. But I’m still lucky enough, dahil kahit papaano ay naaambunan ako ng malasakit ni uncle at nararanasan kong magkaroon ng isang ama. Pabalik na ako sa aking office upang ibilin sa aking secretary ang idadagdag kong appointment for tomorrow nang may kung sinong humablot sa aking baraso kasunod ng paghalik niya sa tuktok ng aking ulo. “Caleb!” mahina ngunit mahigpit kong saway sa kaniya. Kaagad akong napatingin sa paligid upang siguruhing walang nakakita sa ginawa niya. Narinig ko ang nang-aasar niyang tawa kaya naman sinimangutan ko siya at pabirong hinampas ang baraso niya. “Hindi mo siguro ako na-miss.” Nginiwian ko siya. “Wala ka ng work? Maaga ka yata ngayon.” “Tinapos ko talaga nang maaga para maabutan kita.” “Alam mong wala akong ibang inuuwian kung hindi ang opisina ko.” Tinawanan ko siya matapos kong yakapin ang dala kong folder. “Ang sabihin mo, first time mong hindi nakarinig ng sermon mula sa dad mo,” biro ko pa. Bilang ganti niya, pinisil niyang saglit ang aking ilong. Caleb and I became friends since my uncle and his father became partners, siguro ay magwa-walong buwan na ngayon. Mabuti ang trato niya sa akin, he’s a sweet type of man and has a sense of humor. Siya ‘yong lalaking marunong pa rin ngumiti kapag may problema. Hindi katulad ng ex-husband ko na halos magbuga na ng apoy sa tuwing may darating sa kaniyang hindi magandang balita. Siya rin ‘yong taong hindi yata marunong magtampo. Hindi katulad ni Yosef na halos isang dekada na ay hindi pa rin binubunot ang itinanim niyang galit. Si Caleb, siya ‘yong kauna-unahang nagpangiti sa akin noong mga panahong pinaiiyak ako ng mga alaala ng masasayang pagsasama namin ni Yosef. Nanliligaw siya sa akin, nagpaparamdam ng motibo ngunit dati ko pa nilinaw sa kaniya na hanggang kaibigan lang muna ang kaya kong ibigay, at totoo iyon. After the heartbreak that I had experienced from my previous marriage, hindi ko pa kayang ipagkatiwala muli sa iba ang puso ko. Muli kong naramdaman ang kamay ni Caleb sa aking baraso, habang ang isa naman ay abalang inaayos ang nakawalang hibla ng aking buhok na kumalat sa aking mukha. “Let’s have a dinner,” aniya. Hindi ko na siya tiningala pa dahil halos magka-pareho lamang ang height namin. Unlike Yosef who towers over me. Ang isa pang pinagkaiba nila, ang mga mata ni Caleb ay normal na itim. Ang kay Yosef, hindi ko masabi kung itim ba, kapag natatapatan kasi ng liwanag ang kaniyang mga mata ay napapansin ko lagi na nagiging kulay maitim na abo ang mga iyon. “Hey, tinatanong kita kung puwede ka ngayon.” Napaatras ako at bahagyang lumayo sa kaniya nang muli niyang agawin ang atensiyon ko. Hindi ko alam kung bakit patuloy ko siyang kinukumpara sa lalaking matagal ng patay para sa akin. I took a deep sigh and smiled at him. “Puwede naman. Basta, ihahatid mo lang akong pabalik dito.” “Yes!” The smile on his face widened in success. Hindi niya rin napigilan ang kaniyang sarili na kagatin ang ibabang labi niya. “Wait me here, okay? Kukunin ko lang ang mga gamit ko.” “Bilisan mo,” pahabol kong sabi nang mabilis siyang lumayo sa akin. “Sure, babe!” Inirapan ko siya. Hindi ko na pinansin pa ang mga taong tumingin sa akin dahil wala naman kaming tinatagong relasyon ni Caleb. We are just friends. Bukod kay Faye na matalik kong kaibigan, isa rin siya sa iilang tao na maaasahan kong masasandalan ko. Kaya lang, nahihiya ako minsan sa mga iniisip ng nakakakita sa amin lalo na kung sa oras pa ng trabaho mangungulit ang lalaking ‘yon. Nagpatuloy na ako sa aking office at doon ko naabutan si Eira na nag-aayos na ng mga gamit niya pauwi. I asked her to note my appointment tomorrow and remind me of it. Kadalasan kasi ay nakaliligtaan ko kaya naman palagi akong nahuhuli sa mga meeting. “Ma’am Leal, ipina-cancel mo po ‘yong meeting niyo tomorrow afternoon, tama po ba?” “Yes. Yes, hindi kasi kakayanin ng schedule ni Ms. Frantes,” kaagad kong paglilinaw sa kaniya. “So, I advise you na i-move mo ang appointment natin the next day.” “I’ll note it po,” tugon niya. “Una na po ako, Ma’am.” “Sige lang. Ako na ang bahala rito. Thank you, Eira.” Nang makalabas ang aking secretary ay humanap ako ng chance upang makapag-ayos saglit at maglagay ng kaunting pulbos. I’m not into thick make ups, ang kulay naman ng lipstick na madalas na ginagamit ko ay mga light colors noon pa man. Siguro, dahil madaling ma-irritate ang skin ko kahit na mamahaling brand ang gamitin ko. Ipinusod kong muli ang aking hanggang balikat na buhok. Umalis ako sa harapan ng stand mirror nang matapos kong ayusin ang aking puting blouse at fitted skirt, pinalitan ko rin ng flat shoes ang suot kong ankle-strap sandals upang tanggalin ang naipong ngalay sa mga binti. Habang naghihintay sa pagdating ni Caleb ay inabala ko muna ang aking sarili na imisin ang naka-tambak na papeles sa ibabaw ng aking desk. Ang iba roon ay pirma na lang ang kulang, habang ang karamihan ay kailangan ko pang basahin at aralin. I let out a calm breath. Ilang sandali lang ay may kumatok sa pinto ng aking opisina. Natawa ako sa likod ng aking isip dahil mukhang excited na excited si Caleb. Dahil siguro ay minsan ko lang tanggapin ang alok niyang lunch or dinner. “Bukas ‘yan,” pa-boses na sabi ko. The door opened and because I was busy in filing the bunch of documents, hindi ko na nilingon pa si Caleb. “Tatapusin ko lang ‘to, ha. Maaga pa naman for dinner,” sabi ko pa. “Upo ka muna.” Hindi siya umimik. Ang tanging narinig ko lamang ay ang muling pagsarado ng pinto. At hindi ko alam kung bakit biglaang nanikip ang aking dibdib nang maalala kong bigla ang mabango at natural na amoy ni Yosef. Nanibago rin ako dahil parang bumigat ang presensiya ni Caleb kaya naman tuluyan na akong napalingon. At doon ay nanlamig ang aking mga kamay, nagmistulang tuod ang aking mga paa at malakas na kumabog aking dibdib na halos ika-bingi ng aking pandinig. Hindi si Caleb ang pumasok sa aking opisina, kundi si Yosef. Magiliw siyang nakangiti ngayon sa akin, pormal na naka-bihis at hawak ng isa niyang kamay ang bouquet ng pulang mga rosas. “W-what . . . are you doing here?” I asked, my voice almost begging. He chuckled sexily. “Hi, wife.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD