Kabanata 3

2312 Words
“YOU did not miss me?” Bumuka ang bibig ko ngunit walang lumabas na salita mula rito. Pinoproseso pa ng aking isip kung sino ngayon ang nasa harapan ko at kung paano siya nakapasok sa aking opisina. “My cousins told me that you’re staying here. Bakit hindi ka umuuwi sa bahay natin?” Iniligid niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng aking office matapos niyang ilapag sa mesa ang dala niyang bukete ng bulaklak para sa akin. Habang nakatingin ako sa kaniya, para na akong naging tuod dahil hindi ko man lang magawang gumalaw. Naging mahirap din sa akin ang huminga na para bang anytime ay kakapusin ako ng hangin. Sa mga sandaling pinanonood ko siya ay pilit kong ginigising ang sarili ko sa pag-aakalang nananaginip lang ako. Imposibleng nandito siya. Hindi siya maaaring makapunta rito. But this is real. He’s here! Patago kong ikinuyom ang aking mga kamay nang magtama ang aming mga mata. Nanuot ang poot sa akin nang makita ko kung gaano kainosente ang mga iyon at nagagawa niya pa akong tignan nang diretso sa likod ng ginawa niya sa akin noon. “A-anong ginagawa mo rito, Yosef?” kalmado ngunit nauutal kong untag. Kumakalampag ang aking dibdib sa kaba habang tinatantya ko ang emosyong patuloy na lumulukob sa akin. Bakit siya nandito? Anong pakay niya at bakit siya hinayaan ng pamilya niya na puntahan ako? Kumurba ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. “Sinusundo kita? Magaling na ako. Can you see? Wala na akong mga sugat. Guwapo na ulit ako,” malambing na biro niya. Ipinagmalaki niya pa sa akin ang gumagaling na niyang mga maliliit na bangas sa mukha na sa katunayan ay hindi naging kabawasan sa tinatangi niyang kakisigan. Inayos niya ang sleeves ng suot niyang asul na polo, pati na rin ang kuwelyo no’n na hindi niya nilagyan ng neck tie. I remember how he hates neck tie. Kahit na palagi kong sinasabi sa kaniya na bagay sa kaniya ang may suot na gano’n ay hindi pa rin siya kailanman gumamit no’n. He always told me na hindi siya komportable at nasasakal siya roon. Bumalik ako sa sarili. Huminga ako ng malalim at matatag na sinalubong ang tingin niya. “Alam ba ng mother mo na pupunta ka rito?” “Why would I tell her? She’s out of our lives.” He pursed his lips. Siguro ay nagtataka siya kung bakit binanggit ko sa kaniya ang tanong na iyon dahil hindi lingid sa isip niya na alam kong may tanim na galit siya kay Ma’am Helina. At kung iniisip ng mother niya na ang pagpapanggap ko bilang asawa pa rin niya ang solusyon upang magka-ayos sila ay nagkakamali siya. Lalo lamang lalaki ang galit at gulo sa pagitan nila. “H-hindi ka dapat pumunta rito. I will call your mother,” I said. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko mula sa aking bag upang tawagan at ipaalam kay Ma’am Helina na nandito si Yosef ngunit napatigil ako nang muli siyang nagsalita. “I don’t remember the four years of my life, Leal. Everything seems new to me. Everyone changed. Nagkaayos na ba kami ng mom ko? Did I already forgive her?” My lips parted. Wala ako sa aking sarili nang muli ko siyang hinarap. Ang emosyong nakaguhit ngayon sa mukha niya ay nagtatanong, umaasa na bibigyan ko siya ng malinaw na kasagutan. I will not speak. I will not tell him. Hindi ako ang magsasabi sa kaniya. Hindi na ako parte ng kanilang pamilya para makialam pa. Matagal ko nang pinutol ang kung anumang ugnayan ko sa kanila. I sighed. I shut my eyes and did not answer him. “Sana ipinaalam mo sa kanila na nandito ka.” “I asked permission from Krid, pinayagan niya ako,” he answered. Lalo akong namroblema sa narinig. Sa kapatid niya pa talagang iyon siya na nagpaalam. Sa bunsong kapatid niya na walang ginawa kundi enjoy-in ang buhay kasama ng bisyo nito sa mga babae. “Na-discharge na ako sa hospital. The doctors said that I can go home. Nagpaalam ako na pupuntahan kita.” Napahilot ako sa aking sentido. “Yosef . . . h-hindi mo naiintindihan. You are not allowed here.” He chuckled playfully. Namulsa siya. Kinagat niya ang kaniyang mamula-mulang bottom lip kasabay ng pabiro niyang pagtitig sa akin. “I wonder kung bakit bawal ako rito.” Iniligid niyang muli ang paningin niya sa apat na sulok ng opisina. Nakaramdam pa ako ng hiya dahil hindi ko pa totally naiimis ang mga kalat ko. “Where did we possibly do it?” Kumunot ang noo ko at hindi nasundan ang sinasabi niya. “On your desk?” he asked. Sa totoo lang ay wala akong idea sa kung ano man ang itinatanong niya. “Or dito sa sofa?” I shook my head. Pinagkrus ko ang aking mga baraso upang dagdagan pa ang natitira kong pasensiya. “What are you saying?” Ngumisi siya. Dinalaw ako ng kaba nang humakbang siya palapit sa akin. Binalak kong takasan siya pero ang mga tuhod ko ay tila nahirati na sa panginginig hanggang sa namalayan ko na lang na kakapiraso na lang ang pagitan namin sa isa’t isa. I looked away as he stood in front of me. Mas lalo kong naamoy ang mabango niyang cologne na alam kong palagi niyang ginagamit noon. Iyon ang amoy na minsan ko nang nakasanayan. Paborito ko iyon, gustong gusto iyon ng ilong ko lalo na kung humahalo roon ang kaniyang natural na amoy. Pumiglas ako nang hawakan niya ang magkabila kong siko. Sa simpleng pagdaplis ng kamay niya sa akin ay nagawa niyang pakabugin nang malakas ang puso ko. Nilalamig ako, but I’m sweating. At halos gusto ko nang ilubog ang sarili ko sa sahig sa sunod na itinanong niya sa akin. “Have we already made love here?” Mahina at malalim ang boses niya. Kumurap-kurap ako. Kinailangan ko pang ulitin sa isip ko ang sinabi niya dahil baka nagkamali lang ako ng dinig. Itinatanong niya kung nagsiping na kami rito? Sa opisina ko? Sa silid kung saan ko itinago ang lahat ng kalungkutan at galit ko? Nababaliw na siya. Hindi lang nawala ang alaala niya, mas lalong dumumi at nasiraan na rin siya ng utak! “Get out of here,” mariin kong utos. “I’m just kidding. You’re too serious, Leal.” Tumawa lang siya at nagawa niya pang pisilin ang chin ko. “But, I’m really curious. Did we do it here?” “Yosef Miguel!” He laughed loudly. Tumatawa rin ang kaniyang mga matang nasa akin lang ang pokus. Humawak pa siya sa kaniyang tiyan upang pigilin ang kasiyahang nararamdaman matapos niyang marinig sa akin ang buo niyang pangalan na binabanggit ko lamang sa tuwing napipikon na ako sa kaniya. How dare he throw a joke on me? Kung sa tingin ay nakakatuwa ito, sa akin ay hindi! I clenched my hands into fists as my chest filled with pain again. Gustong gusto kong sabihin sa kaniya ang lahat. Ang katotohanang hiwalay na kami. Tapos na kami. Hindi na kami kasal. Wala na ang lahat sa amin. Hindi na niya ako asawa at sigurado ako na may ibang babae na siyang kinakasama na baka naghihintay sa kaniya! Tumigil lang siya sa pagtawa nang mapansin niya akong masamang nakatitig sa kaniya. He rubbed his eyebrows and sighed. “Sa bahay na lang ako magpapahinga at magpapagaling. Puwede na tayong umuwi. I don’t want doctors, or nurses. Gusto ko ay ikaw ang nakikita ko.” “W-what?” “They told me that you’re very busy with your out of town business, kaya hindi mo ako masyadong nabibisita,” aniya. Inisa-isa niyang tignan ang mga nagpatong-patong na documents sa likuran ko. “I understand. But, can you spare me a dinner? Can I date my wife tonight?” Out of town business? Seriously? Iyon ang palusot nila kay Yosef? Hindi ko natagalan ang titig niya kaya wala akong ibang ginawa kundi ang ibaling sa iba ang aking paningin. Umatras ako pero mahinang bumangga ang likod ko sa aking desk na ang ibig sabihin ay wala na akong maaatrasan pa. “I-ikaw na rin ang nagsabi, busy ako. U-umuwi ka na,” sambit ko. “Marami pa akong tatapusin.” Bahagya kong itinulak ang matigas niyang dibdib ngunit hinuli niya ang nanlalamig na mga daliri ko. Hindi ako naka-angal nang pisil-pisilin niya iyon at ikulong gamit ang kamay niya. Sinubukan kong bawiin ngunit hindi siya pumayag, bagkus ay idinikit niya pa ang likod ng palad ko sa kaniyang pisngi. He stared at me. Ang tingin na iyon ay sincere at totoo. Hinawi niya ang hibla ng mga nakawala kong buhok at magiliw na ngumiti. “You’ve changed too. Lalo kang naging masungit. Lalo kang gumanda.” “Stop this,” I whispered. I can’t deal with him anymore. “I will wait you. Hihintayin ko na matapos ang trabaho mo, pagkatapos ay kakain tayo sa labas.” “I said, no.” “I miss you so much, Leal,” he murmured. Sasabog ang dibdib ko! Sasabog ang puso ko! Pilit kong binawi sa kaniya ang kamay ko. Umiwas ako ng tingin at umiling sa kaniya. Para akong nawalan bigla ng sigla. Nanghihina na para bang hindi ko na kakayanin pa ang mga susunod niyang sasabihin. Galit na galit ako. Gusto ko siyang sumbatan, pagsasampalin at sigawan, pero ang lahat ng iyon ay hindi ko magawa dahil wala siyang maalala! Marahan ko muli siyang itinulak upang maglaan ng sapat na space sa gitna namin. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Magmula sa mapupungay niyang mga mata, matangos na ilong hanggang sa medyo namumula niyang mga labi. For the first time in a year, ngayon ko na lang muli siya nakita. Hindi ako makapaniwala na mapagmamasdan kong muli siya nang ganito kalapit. I hate this man. I loathe him. I can’t forgive him. Bumukas ang pinto ng opisina ko kaya pareho kaming napalingon. Iniluwa no’n ang nag-aalala at nagmamadaling si Ma’am Helina. Una niyang hinanap ang aking mga mata pagkatapos ay binalingan niya ng tingin ang anak niyang si Yosef na nasa gilid ko. Doon ay nakita ko kung paano siya nakahinga nang payapa. Sunod na pumasok si Uncle Simoun, kasama ang nakatatandang pinsan ni Yosef na si Kuya Justus. “Uncle,” pagbati ni Yosef. Maluwag akong nakahinga nang lumayo siya sa akin upang salubungin ang pagdating nina uncle. Kinamayan niya ito at nginitian. May sinabi siya, itinuro niya pa ako ngunit hindi ko nabalingan pa ng atensiyon nang lumapit naman sa akin si Ma’am Helina. “Hindi kaagad nabanggit sa amin ni Krid na pupuntahan ka pala ni Yosef,” malumanay na usal niya. “Pasensiya ka na, Leal. Sigurado ako na nabigla ka. Tumawag kaagad ako kay Justus para sundan namin siya. Are you okay, anak?” Hindi kaagad ako nakasagot. Napako ang paningin ko kay Yosef na ngayon ay papalabas na ng opisina kasunod ni uncle. Lumingon pa muna siya sa akin upang sumenyas at sabihing babalikan niya ako. Sumunod din sa kanila si Kuya Justus na tinanguan lang ako. Pagkasarado ng pinto ay nanlambot ako, para bang bigla akong nangalay. Isinandal ko ang pang-upo ko sa edge ng aking desk at malayang huminga. “Kailan ninyo po balak sabihin sa kaniya?” malamig kong tanong. Hinarap niya ako. Nakikiusap ang kaniyang mga mata at nagsusumamong tanggapin ko ang inaalok nila sa akin. “Hindi ko po kayang magpanggap. Opo, galit po ako sa kaniya pero hindi ko po siya kayang lokohin.” Pinili kong maging kalmado. “Ayaw ko pong ilagay ang sarili ko sa alanganing sitwasyon.” “Leal, anak.” Sinubukan ng ginang na kunin ang kamay ko ngunit iniwas ko ito. Tumayo ako ng ayos at umikot sa aking desk upang likumin ang mga gamit ko. “Kayo na rin ang nagbanggit sa akin na simula noong maging legal ang annulment namin ay hindi na siya nagpakita sa inyo,” panimula ko. “Hindi ninyo ba naisip na baka may nakilala na siyang ibang babae? Naghihintay sa kaniya? Nag-iisip at nag-aaalala dahil hindi pa siya bumabalik o umuuwi sa kanila?” Umiling ang ginang. “He still have your picture. Naka-ipit iyon sa wallet niya,” aniya. “Pati nga ang love letter ninyo sa isa’t isa ay naroon din.” Saglit akong natigilan ngunit hindi ko na pinatagal pa sa isip ko iyon. Matagal na panahon ang ginugol ko upang buuiin muli ang aking sarili. Mag-isa kong nilabanan ang sakit, lungkot, pati na rin ang tahimik kong mga pagluha. Kinaya ko iyon. I will not waste those times. Ayaw ko nang balikan pa iyon. Nag-vibrate ang cell phone ko. Sinulyapan ko kaagad iyon at napapikit na lang ako nang maalala ang dinner na napag-usapan namin ni Caleb kani-kanina. Halos nawala na iyon sa isip ko. Sure ako na pabalik na siya rito upang sunduin ako. I breathed. Ibinaba ko ang phone ko at muling binalingan ng atensiyon si Ma’am Helina. I need an air. I need to breathe. Hindi ko iyon magagawa rito. “I still have a meeting,” pagdadahilan ko. “Mauna na po ako. Pakisabi na lang po sa kaniya na umalis na po ako. I can’t have a dinner with him.” Inayos kong muli ang sarili ko. Dire-diretso akong naglakad patungong pintuan at hindi ko na nilingon pa ang ginang. Aktong pipihitin ko na ang knob ng pinto upang tuluyang lumabas nang muli siyang nagsalita. “Hindi ko kayang sabihin sa kaniya, Leal. My eldest never listened to me and you know it. Hindi kailanman siya naniwala sa akin,” aniya. “Tell him he cheated on you. Tell him how he hurt you. Tell him that after you lost your child, he slept with another woman.” Tumigil ang mundo ko. Biglang nagbadya ang aking mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD