Kabanata 4

2380 Words
I HAVE no idea how or what time I got back to my office last night. Nang sumama ako kay Caleb upang sabayan siyang mag-dinner sa labas ay hindi ko na halos nasakyan siya sa biruan. Wala ako sa aking sarili. Lutang ang aking isip, at balisa. Para akong binugbog ng mga salitang binigkas sa akin ni Ma’am Helina. Parang nanumbalik ‘yong sakit. Ang mga sugat na pinaghirapan kong gamutin sa loob ng maraming araw ay nanariwa sa isang iglap. All these times, I thought that I had forgotten it all. Inakala ko na ayos na ako. Pinaniwala ko ang sarili ko na wala ng masakit sa akin, but I’m wrong. Nandito pa rin ang tinik sa puso ko na patuloy na nagpapahirap sa akin. Nang makabalik ako kagabi sa opisina ko ay hindi ko na sila nadatnan pa. Wala na si Yosef, si Ma’am Helina at si Kuya Justus, maging si Uncle Simoun ay nakauwi na rin. Malaya akong nakahinga noong hindi ko sila naabutan, ngunit hanggang ngayon ay napapa-isip ako kung ano ang sinabi nila kay Yosef. Nabasag ang bagabag sa akin nang mahinang kumatok ang sekretarya kong si Eira. Naabutan niya akong nakaupo sa aking swivel chair. She smiled at me. Tahimik siyang pumasok at magalang niyang isinarado ang pinto. “Ma’am Leal, nasa lobby po si Ma’am Mayette,” aniya. “Pinapatanong niya po kung free po kayo ngayon.” I drummed my fingers on my desk and gave her a nod. “Ikaw na muna ang bahala rito, okay? Aalis ka ba?” “Magla-lunch po sana, Ma’am Leal,” aniya. Sumulyap ako sa suot kong wristwatch at nalaman ko na lunch break na pala. Nakaramdam ako ng inis sa sarili after kong ma-realize na ni isa sa mga trabahong dapat kong gawin ay hindi ko pa nasisimulan. Pagod akong tumayo. Ibinilin ko na lang kay Eira ang office ko kung sakaling magtagal ako sa labas. Ipinasuyo ko na rin na huwag siyang basta-basta magpapasok ng kung sino. Friday ngayon, at may usapan kami ng asawa ni uncle na si Auntie Mayette na magkikita ngayon. She told me na matagal na kaming hindi nagkikita o nagkakausap. Bihira lang din kasi akong bumisita sa bahay nila dahil masyado akong naging abala nitong mga nakaraang araw. Gustong gusto ko si Auntie Mayette, itinuturing ko na siyang para kong totoong ina pero ewan ko ba, nahihirapan akong lumapit sa kaniya. Wala naman siyang maling ginawa sa akin. Ni minsan ay hindi niya ako nasungitan. Mukha lang siyang suplada dahil hindi siya mahilig ngumiti pero hindi ibig sabihin no’n ay matapobre siya. Gayunpaman, hindi ko pa rin siya masyadong maka-palagayan ng loob, unlike uncle. But still, I’m trying my best to get close to her. Agad na namataan ko siya sa center lobby ng building. Chubby si Auntie Mayette ngunit magaling siyang magdala ng damit. Tulad ngayon, suot niya ay white fitted formal dress na may malaking ribbon sa harapan. Ayos na ayos din ang kaniyang buhok at tila palamuti naman ang kaniyang suot na mga alahas. “Auntie,” bati ko sa kaniya. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kaniya ay ngumiti na kaagad ako. Siya naman ay inalis ang paningin sa cellphone at kusang lumingon. Hindi siya ngumiti sa akin, bagkus ay in-offer niya lang ang kaniyang kamay upang bigyan ako ng permiso na magmano sa kaniya. “Muntik ko nang makalimutan na may date po tayo ngayon. Masyado po kasing mabigat ang problema ng company,” sabi ko. “Kumusta kayo?” “Ayos naman,” sagot niya. Inayos niya pa ang nagulong laylayan ng blouse ko kaya naman kusang napangiti ang mga labi ko. “Nabanggit nga sa akin ni Simoun ang problema ninyo. Wala raw kayong makitang paraan kundi ang humingi ng tulong sa malalaking kumpaniya. Totoo ba ‘yon?” I keep my mouth closed because it’s true. Wala kaming maisip na paraan upang ibsan ang problemang kinahaharap namin ngayon. Kahit maglabas pa kami nang maglabas ng panibagong project, babagsak lamang kami nang babagsak sapagkat wala na kaming sapat na funds. Hindi na rin kami puwede pang umutang sa iba dahil kung sakaling malubog kami sa utang ay lalong walang tutulong sa amin. Bumuntonghininga si auntie sa pananahimik ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. “Mamaya na natin pag-usapan ‘yan. Mag-lunch na muna tayo. Look at you, mukhang pinababayaan mo ang sarili mo.” Muli ay ako hindi ako naka-imik dahil ang tono ng kaniyang boses ay may halong pag-aalala. Naalala ko ang mother ko. I suddenly miss her. Hindi ko na matandaan pa kung kailan ang huli naming maayos na pag-uusap. Sa tuwing bibisita ako sa kaniya, bukambibig niya lang ay si papa. Kung umuwi na ba ito o kung may balita na ba sa kaniya. Si papa, iniwan niya kami, hindi siya nagdalawang isip na itapon kami at sumama sa iba. I understand my mother. Hindi ko siya masisisi kung bakit nawala siya sa kaniyang sarili. Dahil ako, naranasan ko rin iyon. Halos mabaliw ako nang pagtaksilan ako ng lalaking mahal na mahal ko. Ang kaibahan nga lang namin ni mom, masyado niyang inubos ang kaniyang sarili sa lalaking hindi naman kayang pantayan ang kaniyang pagmamahal. Nang aminin sa akin noon ni Yosef ang kasalanan niya, para akong naging yelo. Pagsisisi ang unang naramdaman ko. Sinisi ko ang sarili ko dahil nagmahal ako ng lalaking walang kaibahan sa ama ko. Noong sandaling iyon, naalala ko ang lahat ng pagkukulang sa amin papa. “Alam mo, Leal, puwede ka namang mag-stay sa bahay. Hindi naman umuuwi ang mga pinsan mo. Nakahanap lang ng kani-kanilang girlfriend ay nakalimutan nang bumalik sa akin,” kuwento sa akin ni auntie habang sine-serve ng waitress ang in-order namin. “O kaya naman kung ayaw mo talaga sa bahay, dalaw-dalawin mo naman ako minsan para naman magkaroon ako ng mapagkukuwentuhan.” Alanganin akong ngumiti. “Susubukan ko pong bumisita nang mas madalas. Pero, Auntie Mayette, ayos na po talaga sa akin ang mag-stay sa opisina. May condo unit naman po ako na puwede ko rin pong matuluyan.” “Hindi ka nakakaabala sa amin, Leal, kung iyon ang inaalala mo. Baka sabihin sa amin ni Sandra na pinababayaan ka namin,” biro niya. Nagpasalamat siya sa waitress bago ito umalis. “Kumusta na pala ang mother mo? May improvement ba? Hindi pa kasi ako nakakasilip pa ulit sa ospital.” “Ganoon pa rin po ang lagay niya. Wala pong masyadong pagbabago, but I’m hoping po,” sagot ko. Inumpisahan ko nang kumain dahil hindi ko gustong pag-usapan namin si mama dahil sa tuwing naaalala ko ang kalagayang mayroon siya ay napupuno ako ng kalungkutan. “Hindi rin kasi maganda ang serbisyo ng ospital na umaasikaso sa kaniya,” giit pa ni auntie. “Hindi ba’t may sakop na ospital ‘yong doktor na pinsan ng dati mong asawa? Bakit hindi natin i-transfer doon si Sandra? Makakasigurado pa tayo na makakatanggap siya ng VIP treatment dahil hindi ka naiiba sa kanila.” “Wala na po akong koneksyon sa kanila.” “But your ex-husband still wants you, hija.” Natigil ako sa pag-kain at kusa kong naibaba ang spoon at fork na gamit ko. Nasalubong ko ang seryosong mga mata niya, hindi ko iyon nakakitaan ng pagbibiro kaya naman nagkaroon ng pangamba sa akin. Umiling ako sa kaniya. “Leal,” malumanay na banggit niya sa pangalan ko. Hinuli niya ang kamay ko at masuyong minasahe iyon. “Hindi masama ang tatrabahuhin mo. Hindi ba’t namomroblema ang kumpaniya natin? Nasabi sa akin ni Simoun na nag-offer ng malaking pera ang mga De Cordoval. Why don’t you try it?” “Sinasabi ninyo po ba na magpanggap ako? Tratuhin at tignan ko ulit si Yosef bilang asawa?” Umiling siya. “Hindi naman ibig sabihin no’n ay babalik kayo sa dati. Isipin mo lang na para iyon sa kumpaniya natin, sa pamilyang pinaghirapan ninyo ng uncle at ng papa mo. Ang sa akin lang, choose the best way to solve our financial problem. Malaki ang maitutulong nila sa atin.” “Pero hindi ko po yata kaya ang kapalit na hinihingi nila.” “Gagamitin ka nila, hija. So, bakit hindi rin natin sila gamitin?” Umiling-iling ako kaya naman agad niya akong pinakalma. “Ikaw, ayaw mo bang maalala niya ang ginawa niya noon? Leal, your ex-husband needs to know what he have done. Sa ganoong paraan ay makakabawi ka.” “I don’t plan to get even with him. Sapat na po sa akin ‘yong may kaniya-kaniya kaming buhay.” “Pamilya tayo, Leal. We know your pain, lalo na ako na itinuturing kang tunay na anak. Kung nararamdaman mo nang hindi na maganda para sa’yo ang ginagawa mo, tumakbo ka kaagad sa amin.” Nag-init ang paligid ng aking mga mata, hudyat na may papabagsak ng mga luha. Wala akong masabi. Biglang nablangko ang aking isip. Hindi ko makontra si auntie dahil kahit papaano ay may punto siya. Yosef needs to remember all. When it happens, titigilan niya na ako. Pero sa kabilang banda, mali na lokohin ko siya. Hindi tama na ilapit ko muli ang sarili ko sa kaniya. Iba si Yosef. I know his capabilities. Muntik na niya akong mapalambot noon, at hindi malabong mapagtagumpayan niya ‘yon ngayon. Hindi ko na kayang makita ang sarili ko na nahihirapan nang dahil lang sa kaniya. Hindi ko na-enjoy ang lunch namin ni Auntie Mayette. Nakaka-ilang subo pa lang ako ay parang nabusog na kaagad ako. Halos hindi ko na nga nalasahan pa ‘yong mga in-order namin sapagkat naging mapait na ang panlasa ko dahil sa naging sentro ng aming usapan. Sa paglalakad ko pabalik sa aking office ay sinalubong na kaagad ako ni Eira. Nahalata ko kaagad sa singkit niyang mga mata ang pagka-taranta na para bang hindi na niya kaya pang pigilan ang bibig niya na magsalita. “May problema ba? Mag naghanap ba sa akin?” dalawang magka-sunod na tanong ako. Huminga pa muna siya nang malalim pagkatapos ay nilingon ang nakasaradong pinto ng opisina ko. “Ma’am Leal, kanina pa po kasi naghihintay ‘yong husband mo po.” Dinaga ang dibdib ko. “Sinabi ko na lumabas kayo para mag-lunch, pero hindi pa rin po siya umalis.” I closed my eyes firmly and wet my lips. Tinanguan ko siya at sinabi na ako na ang bahala kahit na hindi ko alam kung kakayanin kong muling humarap sa kaniya. Hindi pa ako nakakabawi ng lakas magmula kahapon at sa kaninang pag-uusap namin ng aunt ko, heto naman siya, handang guluhin ang araw ko. Iniwan ko na si Eira at hindi na inintindi pa ang paghingi niya ng pasensiya. Sa lakas ng pagtatambol sa dibdib ko ay para na akong mabibingi. Ang paghinga ko naman ay parang nagpuputol-putol dahil sa napupuno na ako ng nerbiyos. I dialed his mom’s number pero out of reach ito. Sinubukan ko ring tawagan ang phone number ni Kuya Justus pero ang sekretarya niya ang sumagot at sinabing kasalukuyan itong nasa meeting. I mumbled a curse. Padabog kong isinilid ang cellphone ko bago ko inis na binuksan ang pinto. My heart skipped a beat when a pair of dark gray eyes caught mine. For a few seconds, everything went completely still. Ang tingin niya sa akin ngayon ay hindi katulad ng kahapon. Balot iyon ng lungkot. Malamlam iyon na para bang nakalimutan niyang lagyan ng sigla. He gave me a weak smile when he stood up from the long sofa. Hindi niya pa rin tinatanggal sa akin ang tingin niya kaya nagtanong na ako. “A-ano ang kailangan mo, Yosef?” I closed the door behind me and took a long breath. Pinanood niya ang ginawa kong iyon kaya naman nadagdagan ang iniindang kaba ng puso ko. “Hindi ka umuwi sa bahay natin,” aniya. May halong pagtatanong ang tono ng malalim niyang boses. “Hindi ka umuwi sa akin.” Napa-iling ako. Hindi ko alam kung saan o ano bang bahay ang tinutukoy niya. And what? Hindi ako umuwi sa kaniya? Bastard! Napatingala ako. Gusto ko sanang tumawa nang malakas sa sinabi niya kaya lang ay bigla kong naalala na hindi niya nga pala maiintindihan, kasi nakalimutan niya. Sa rami ng bagay na puwede niyang kalimutan ay iyon pa talagang ginawang pagtataksil niya. “Kailangan mo ba ng paliwanag? Yosef? Gusto mong marinig ang dahilan ko kung bakit hindi ako umuuwi sa’yo?” Dumilim ang titig niya sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko na irapan siya. Nang hindi siya nagsalita ay tinangka ko siyang lagpasan ngunit masyado siyang mabilis dahilan para mahuli niya ang baraso ko. Hindi mariin ang hawak niya, hindi rin maluwag, sapat lang upang hindi ko magawang pumiglas sa kaniya. He pulled me so close to him until we are only breaths apart. “Tell me, Leal, what happened to us? Are we not okay?” Tila nanlamig ang buo kong katawan dahil ang tanong niyang iyon ay katumbas ng isang malaking bato na kayang-kayang durugin ako. Para akong sinusuntok, para akong ginagapos. Napakasimple ng tanong niya ngunit hindi masagot ng dila ko. Mahirap. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya dahil ang bigat-bigat at ang sakit-sakit. “You are too cold and distant to me. You are not like this. May nagawa ba akong mali para maging ganito ka sa akin?” Pumiglas ako sa hawak niya. I opened my mouth to answer his questions but I went speechless. Tumalikod ako sa kaniya. Hinilamos ko ang palad ko sa aking mukha upang agad na alisin ang kumawalang luha mula sa aking mga mata. At this moment, I want to ask myself. Bakit ang sakit pa rin? Kinagat ko ang labi ko. Ilang sandali lang ay napaigtad ako nang bigla siyang yumakap mula sa likuran ko. Hindi kaagad ako naka-react. I shivered. The warmth of his body paralyzed me. Pero bumalik ang pakiramdam ko nang isiksik niya sa leeg ko ang kaniyang mukha. “I’m asking my family about this, but they are not giving me a clear answer,” he murmured against my skin. Sinubukan kong kumawala sa yakap niya ngunit lalo niya lamang akong ikinulong. “Let’s fix this, baby. What’s our problem? Let me hear it. Aayusin natin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD