Kabanata 5

2371 Words
“GET your hands off me, Yosef!” Pumalag ako. Hindi ko na mabilang kung ilang minuto na ba niya akong yakap. “Tell me first what our problem is. Aayusin natin ngayon,” seryosong sambit niya. Nasa likuran ko siya. His strong arms are still holding me tightly, as if he’s telling me that he has no plans to let go of me. Ilang beses akong pumiglas ngunit masyado siyang pursigido, habang ako ay pinanlalambutan na ng tuhod dahil sa nag-uumapaw na emosyon sa dibdib ko. Kahit yata ibuhos ko ang buong lakas ko para lamang itulak siya palayo ay hindi sasapat dahil mas malaki at mas malakas ang katawan niya kumpara sa akin. Bukod dito, masyado nang lupaypay ang sistema ko dahil sa nangyayari. Kung wala nga lang akong puso, at kung wala lang sana akong natitirang awa sa kaniya ay nasabi ko na noon pa ang dapat niyang malaman tungkol sa amin. Mali na kaawaan ko siya. Mali na kampihan ko ang kalagayan niya. “P-pakawalan mo ako, Yosef, ano ba?” Humawak ako sa mga kamay at baraso niya upang subukang kalasin iyon. Huminga siya at mahinang tumawa. Pinagalitan ko kaagad ang aking sarili nang makiliti ako sa dumastong hangin sa balat ko. “Hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano ang problema natin. Nag-away ba tayo? May tampuhan ba tayo?” Umiling ako. Lumuwag ang yakap niya. Umasa ako na pakakawalan niya na ako pero pinihit niya akong paharap sa kaniya. Doon ay muli kong nasalubong ang nangangamba niyang mga mata. Kalmado ang mga kilay niya pero tila may namumuong bagyo sa kaniyang kulay abong mga mata, punong puno iyon ng katanungan. He wet his lips. Naging makintab iyon. Gamit ang libre niyang kamay ay inayos niya ang nakalugay kong buhok. Saglit na naglaro ang kaniyang daliri at saka muling pinagmasdan ang kabuuan ng aking mukha. “I love your face.” He smiled. Natunaw ako. “Yosef,” banta ko. Ngumuso siya sa akin at nangulit pa. “Come on, wife. Let me hear your I love you. Grant your husband a kiss.” Kinilabutan ako sa narinig at muling nasakop ng matinding kaba. Hindi ko maalis sa kaniya ang paningin ko dahil masyado na akong nahipnotismo ng kaniyang mapupungay na mga mata. Sumasabay sa malakas na pagkabog ng puso ko ang pakiramdam na para bang nakatungtong ako sa ulap. Hindi ko maramdaman ang sahig na inaapakan ko. Ito ‘yong pakiramdam na siya lang ang nakapagdu-dulot sa akin. Kaya niya pa rin akong tunawin, kaya niya pa rin akong gulatin gamit lang ang mga salita niya, at higit sa lahat ay kayang kaya niya pa ring guluhin ang buo kong sistema. Napaigtad ako nang bumukas ang pinto ng office. Naitulak ko si Yosef. Tahimik akong nagpasalamat nang bahagya siyang lumayo sa akin upang lingunin ang bumukas na pintuan. Nabawi ko ang sarili ko nang pumasok si Eira. Nagulat siya, tila ba hindi niya inaasahan na nandito pa rin si Yosef hanggang ngayon. Alangan siyang ngumiti sa akin. “It’s okay, come in,” I said to her. Inayos ko pa ang nagulo kong blouse at pakunwaring pinagpag ang suot kong fitted skirt. “Ito po ‘yong initial plan po ng team natin for the upcoming project po,” aniya. “Nandito na rin ang mga comments and suggestions po ng ilan.” Lumiit ang kilos niya nang iabot niya sa akin ang isang brown folder. Pasimple pa niyang sinulyapan si Yosef na hindi nalalayo sa akin. Napansin ko ang mabilis na pamumula ng pisngi niya, that’s why I turned my eyes to my ex-husband. Diniinan ko ang titig ko sa kaniya nang makita ko ang nagloloko niyang mga ngisi habang tinititigan ako. Ganitong ganito siya noon. Sweet and clingy. Bigla ko tuloy naalala na halos lahat noon ay inaakalang masungit siya. Ganoon din ang first impression ko sa kaniya dahil sa madilim at seryoso niyang presensiya, ni hindi nga marunong bumati o ngumiti man lang. Ngunit noong pormal kaming ipinakilala sa isa’t isa ng pamilya namin, unti-unti kong na-appreciate ang pagkatao niya. May pagka-mahigpit ang ugaling mayroon siya kaya hindi ko inaasahan noon na makakakitaan ko siya ng pagiging pasaway niya. He’s like a little kid, a kid who seeks for a tender love and comfort. Nagkataon na ganoon din ang hanap ko. At sa kaniya, nakita ko ‘yon. Ipinilig ko ang isip ko at ibinulong sa sarili na hindi ko na kailangan pang balik-balikan iyon. Dahil ang totoo niyan, binawi niya sa isang iglap ang mga bagay na natagpuan ko sa kaniya. In-open ko ang folder na ibinigay sa akin ni Eira. Nakasunod siya sa akin patungong desk ko habang binabanggit ang mga karagdagang detalye ukol sa proyekto, ngunit hindi iyon masyadong pumapasok sa isip ko dahil kay Yosef na pinanonood ang bawat kilos ko. Umupo siya sa mahabang sofa. Malayo man ngunit nakaharap siya amin. Pinagkrus niya ang kaniyang mga hita. Humalukipkip at prenteng inilapat ang likod. “Katulad po ng suggestion ni Mr. Alcaraz na i-upgrade ‘yong mga nakaraang design, iyon din ang napagkakasunduan po ngayon,” pahayag ni Eira. Wala sa sariling tumango ako. May sunod pa siyang sinabi ngunit parang hindi ko iyon narinig. I hate myself for being distracted by him, like this. Hindi ako makakuha ng matibay na pokus sa paraan ng pagtitig niya! Sa yamot ko ay nag-decide akong yakagin ang secretary ko sa labas ng opisina upang pag-usapan ang patungkol sa aming tatrabahuhing project. Ayaw kong paniwalaan ang sarili ko na nagagawa pa rin niyang iparamdam sa akin ni Yosef ang tingin niya. I feel conscious and nervous. It’s uncomfortable. I am very ashamed to the fact na kayang kaya niya pa ring asarin ako gamit lang ang simpleng mga gesture niya. Pagkasarado ko ng pinto ay nakahinga ako nang maluwag. Nakasunod pa rin sa akin si Eira na mukhang hindi naman nahahalata ang pagkabalisa ko . I cleared my throat. “Ano ulit ang sinasabi mo, Eira?” “In-indicate na rin po natin diyan ang magiging cost nitong gagawin natin,” paglilinaw niya. “Ang problem lang po, wala pa pong Plan B para rito.” “I will tell it to Uncle Simoun,” sabi ko. Inilipat-lipat ko ang mga pahina ang hanggang sa marating ko ang part kung saan naka-ulat ang perang kakailanganin. “For now, we need our old designs para mapag-isipan na rin kung paano natin gagawing bago sa market. Have you checked the background details and other information?” Umiling siya. Idinahilan niya sa akin na hindi pa naibababa sa office namin ang hinihingi naming documents. I am not sure if our plan will be successful after the issue we had encountered these past few weeks. Alam ko na mahirap na muling itaguyod ito, dahil wala halos kaming naipasok na pera sa kumpaniya matapos naming maglabas ng panibagong produkto na akala namin ay magiging matagumpay. I need to talk with uncle first. Kailangan ko munang linawin sa kaniya na malaki ang chance na mabigo na naman kami this time. After naming makapag-usap ni Eira ay nag-decide ako na bumisita sa aming department. Hindi ko na muna binalikan ang opisina ko dahil alam kong hinihintay ako roon ni Yosef. Kung ang pag-iwas ang tanging paraan para makalayo sa kaniya ay iyon ang paulit-ulit kong gagawin. Ayaw kong lumapit sa kaniya. I want to keep our distance. Gusto kong magsawa siya sa kung anong ginagawa niya ngayon. He love me? That’s just his illusion. Dumaan din ako sa production management at doon ko inaliw ang aking sarili. Hindi kalakihan ang kumpaniyang mina-manage namin ni uncle, ngunit kahit papaano ay may maibubugang pangalan. But in our situation right now, nalulugmok ito. “Hija.” Napalingon ako sa bandang likuran ko kung saan nanggaling ang malaking boses ni uncle. Nginitian ko siya, at tahimik na binati. Sa tulong ng cane niya ay nakalapit siya. Tumabi siya sa akin. Katulad ko ay ipinatong niya ang isa niyang siko sa railings upang panoorin sa ibaba ang mga employee ng kumpaniya na nagpupursigi sa trabaho. “Nagpadala ng malaking halaga ang DC Group of Companies sa atin,” aniya. “Pero hindi ko ginalaw ang pera, Leal, kahit pa si Don Miguelito ang kumausap sa akin.” Bumagal ang paghinga ko. Hindi ko kaagad naisip na posibleng kampihan ng grandfather ni Yosef si Ma’am Helina. Knowing the old man’s love for his grandsons, hindi malabong gawin nito ang lahat para sa ikasasaya ng mga ito. Hindi ko inimik si uncle hanggang sa magsalita muli siya. “Ang balita ko ay nagkausap daw kayo ng auntie mo,” aniya. Napayuko ako. “Pabor din ba kayo sa inaalok na trabaho sa akin ng pamilya ng ex-husband ko, uncle?” prangka kong tanong. Narinig ko ang pagpapakawala niya ng malalim na hininga. “Kung ako lang ang tatanungin, Leal, hindi kita papayagan. Sinabihan ko nga ang auntie mo na huwag nang banggitin sa’yo, pero nagpumilit pa rin pala.” “Naiintindihan ko naman po,” sabi ko. Napatingin ako sa malayo at lumumbay ang pakiramdam. “She knows that Yosef’s family could help us. Pangalan pa lang nila, sigurado po ako na babalik ang bango natin sa negosyo.” “Hindi mo kailangang mapilitan, hija.” Tinignan ko si uncle. Nakaguhit sa kaniyang mga mata ang pag-aalala niya sa akin, nagpapahiwatig na kung ano man ang maging desisyon ko, susuportahan niya ako. Tama si Auntie Mayette, pamilya kami. Kung ano man ang mangyari, sa akin sila kakampi. “Paano po kung tanggapin ko na lang ang inaalok nila? I will be a wife to Yosef in exhanged of their influence. I will take care of him. Ang kailangan ko lang naman pong gawin ay bantayan siya hanggang sa makaalala ulit siya.” Nagbaba ng tingin si uncle. “Kung nag-aalala ka sa mga trabahador natin, huwag mo nang isipin pa. I will recommend them to the other companies kung tuluyan tayong malugi at magsara.” “Paano ko naman po magagawang hindi mag-aalala sa kanila?” mahina kong usal. “Sila po ang lakas natin. Parang hindi ko po sila kayang panoorin na lang na umalis ng company, dala-dala ang huling suweldo nila.” I still remember the smiles written on their face on the day we announced to them our first success. Walang katumbas ang saya na pumuno noon sa akin dahil ang mga pinaghirapan namin ay mayroong narating. Malaki ang utang na loob namin sa kanila. Kung wala sila ay wala rin itong MounWrist. Gusto kong suklian ang pagod at pagpupursigi nila, but I don’t have an idea how. Losing them is the last thing I wanted to happen. Iniwan ako ni uncle kung saan niya ako naabutan kanina. Sinabi niya na huwag ko na raw munang masyadong pag-isipin ang aking sarili dahil may mahahanap at mahahanap pa rin kaming solusyon upang maisalba ang kumpaniya. Ngunit imbes na gumaan ang loob ko, lalo lamang akong nabigatan dahil parang napakalayo sa reyalidad na mangyari iyon. Yosef is our last chance, my mind wants to grab him, but my heart want to run away from him. Kapag nakikita ko siya, dumadaplis sa akin ang pait ng nakaraan namin. Matagal bago ako nakabalik sa aking opisina dahil nakalimutan kong bantayan ang oras. It’s 6 pm already, nakasisiguro ako na medyo madilim na sa labas. At siguro naman ay nakaalis na si Yosef. Hindi ko nakita si Eira sa kaniyang desk na halos katapat lang ng office ko kaya naman dumiretso na ako papasok. Bumilis ang daloy ng dugo ko nang madatnan ko pa rin sa loob ang lalaking iniiwasan ko. He is sleeping on the couch, hugging himself. Nakilala ko kaagad ang itim kong blazer na ikinumot niya sa ibabaw ng kaniyang katawan. From the distance, I can hear his grunts. Kumukunot din ang kaniyang noo hanggang sa mapansin kong nanginginig ang mga baraso niyang nakahalukipkip. My brows drew together. Nilapitan ko siya. I bent my body and looked at his face closely. Maputla siya. Nakapikit ang kaniyang mga mata ngunit panay ang daing niya. Nang tapikin ko ang matipunong baraso ay napaigtad ako dahil sobrang init niya! Mabilis akong napuno ng kaba at naalarma. I laid the back of my palm on his forehead. Nilalagnat nga siya! “Yosef,” sambit ko sa pangalan niya. Muli kong tinapik ang kaniyang baraso upang gisingin siya. “Yosef, wake up. Ang taas ng lagnat mo.” Kinabahan pa lalo ako nang hindi siya sumagot. Panay lamang ang pagdaing niya na para bang may iniinda siyang sakit bukod sa panginginit ng katawan niya. Lumuhod na ako sa sahig upang isaayos sa kaniya ang ikinumot niya. Giniginaw siya. “Yosef, gising. Yosef . . .” “Leal,” hirap niyang usal. “M-masakit.” “A-anong masakit?” Hinawakan ko ang mainit niyang kamay ngunit binawi niya iyon sa akin. He touched his forehead, dumiin ang mga daliri niya roon at ilang ulit na inuntog ang sarili sa arm rest ng couch. Agad kong sinalo ang batok niya upang pigilan ang ginagawa niya. He opened his eyes, nasalubong ko iyon. Malumbay ang tingin niya at halatang nahihirapan. “M-masakit, Leal. Ang sakit-sakit,” usal niya. “My head hurts so bad.” Natigilan ako at tinakasan ng ulirat. Wala sa sarili kong tinungo ang aking desk upang kunin ang cellphone ko. May mga iniwang message doon ang kaniyang ina ngunit hindi ko na naisa-isang basahin dahil sa pagkataranta ko. Agad ko nang tinawagan si Ma’am Helina. Nang sumagot siya ay nakalapit na muli ako kay Yosef na hanggang ngayon ay iniinda ang nararamdaman niyang matinding sakit sa ulo. “Leal, anak? Napatawag ka. Pasensiya ka na dahil hindi ko nasagot ang tawag mo kanina. Itatanong ko na rin sa’yo kung dumaan ba diyan si Yosef. Kanina pa siya wala sa bahay. Hindi niya yata nainom ang mga gamot niya.” Nakagat ko ang aking labi. Tinignan kong muli si Yosef. Hindi siya uminom ng gamot? Napapikit ako. “Ma’am Helina, k-kailangan po nating dalhin siya sa hospital. Mataas po ang lagnat niya,” sabi ko. Hindi ko na naintindihan pa ang sunod na sinabi ng ginang, masyado nang nabalot ng nerbiyos ang nilalaman ng isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD