Kabanata 6

2212 Words
SA tulong ng mga kasamang body guard ni Ma’am Helina ay maayos naming nadala si Yosef sa ospital. Habang inaapoy siya ng lagnat at habang dinadaing niya ang pananakit ng kaniyang ulo ay para na akong sasabog sa kaba. Kanina, paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko. He want me to stay with him. Ayaw niya akong mawala sa kaniyang paningin kaya naman hindi ko naiwasang hindi makonsensiya. I already know his condition. Alam ko nang hindi siya okay pero hinayaan ko lang siyang hintayin ako nang matagal. He didn’t eat lunch. Hindi niya rin nainom ang mga gamot niya, at higit sa lahat, ayon kay Ma’am Helina ay hindi siya halos natulog kagabi dahil hinihintay niya ang pag-uwi ko. I want to blame myself. Hindi ko kasalanan pero gusto kong akuin ang responsibilidad kung bakit siya nagkaganito! Napahilamos ako. Tumayo ako nang bumukas ang pinto ng hospital room ni Yosef at inilabas no’n ang kaniyang ina na ako agad ang hinanap. “Mabuti na ang lagay ni Yosef,” kalmado niyang balita. Nang makalapit siya ay kinuha niya ang kamay ko. “Thank you, anak. Hindi ko siya nabisita sa bahay dahil nga nagkaroon kami ng pagtatalo kagabi.” Nagsalubong ang mga kilay ko. “Ano pong ibig sabihin no’n?” Nang itanong ko iyon ay nilingon niyang muli ang room ni Yosef. “I want to laugh at myself, Leal. Umasa ako na madali na kaming magkakaayos ng panganay ko pero hindi rin pala.” Umiling siya at bumuntonghininga. “Nakalimot man ang isip niya, alam pa rin ng puso niya na hindi niya pa ako napapatawad.” Napipi ang aking dila. Bigla akong naubusan ng sasabihin dahil noon pa man ay hindi na maayos ang relasyon ni Yosef kay Ma’am Helina. May nalalaman ako about sa problema nila. I heard Yosef’s side, may dahilan ang galit niya pero ni minsan ay hindi ko siya kinampihan dahil nararamdaman kong may malalim na rason ang kaniyang ina kung bakit sila nito iniwan noon. “Gusto kong bumawi sa mga anak ko, lalo na kay Yosef,” aniya. Iniwas ko ang paningin ko nang maaninag ko na pinanliligiran siya ng luha. “I want to be a mother to him. Gusto ko silang alagaan, gusto kong ibigay at iparamdam sa kanila ang pagmamahal ko. Kaya lang, sobrang tigas na ng puso sa akin ni Yosef.” “Ma’am Helina,” awat ko sa kaniya. Pinunasan niya kaagad ang pisngi niya nang mahulog ang pinipigil niyang luha. “Hindi ko na alam, Leal. Hindi ko na alam kung paano ko isisiksik ang sarili ko sa buhay ng mga anak ko. Si Yosef, si Klay, at si Krid, tatlo silang may sama ng loob sa akin.” Masuyo kong pinisil ang mga kamay nang ginang nang payagan niya akong hawakan siya. “Kung sa kanila man po ay nagkulang kayo, sa akin po ay hindi. Ipinaranas ninyo sa akin ang pagmamahal ng isang magulang na hindi ko naramdaman kina mama at papa.” “Leal, anak.” “You are the very first mother who treated me like her own child, and I will not forget it. Hindi po totoo na makasarili kayo, Ma’am Helina.” Humikbi sa akin ang ginang. Ayaw ko mang panoorin ang bigat na dinadala niya ay hindi ko pa rin natakasan. Noong mga panahong nangungulila ako sa atensiyon ng mga magulang ko, siya ang kauna-unahang tao na nagpakalma sa akin. She never failed to show and make me feel that I have her in my life. Kaya naman nang maghiwalay kami ng landas ni Yosef, dobleng sakit ang dumagok sa akin. Akala ko ay mawawala ang suporta ni Ma’am Helina sa akin pero mali ako. Hindi ko man maamin sa sarili ko, hindi kailanman siya nawalan ng pakialam sa akin. Hinaplos ng ginang ang pisngi ko at ngumiti sa akin. Nabuhayan ako ng loob nang pansamantalang napawi ang nararamdaman niyang lungkot. “I told you, hindi ko kayang bantayan si kuya.” Nalipat ang atensiyon namin nang dumating ang bunsong kapatid ni Yosef na si Krid. Iyon ang ibinungad niya kay Ma’am Helina. The tone of his rich voice is bored. Nahalata ko rin ang pagiging yamot ng kaniyang mga kilay. Sa porma at tindig pa lang niya ay hindi na ako nagduda pa kung bakit nililingon siya ng mga kababaihan. Umupo siya sa bench kung saan ako naroroon kanina. Sa pagsandal niya, nagsalubong ang mga paningin namin. He didn’t give me a smile, bagkus ay isang ngising puno ng kalokohan ang natanggap ko. “Why are you here?” amok niya sa akin. Hindi ko nagawang sumagot nang agad na pumagitna sa amin si Ma’am Helina. “She helped me, anak. Nagpapahinga pa ang kuya mo sa loob pero okay na siya, mabuti na lang ay naitawag agad sa akin ni Leal. Mailalabas din natin bukas ang Kuya Yosef mom” Napanood ko kung paano nilapitan at tinabihan ng ginang ang bunsong anak niya. “Nag-dinner ka na ba? Saan ka ba nanggaling? You are not answering my calls.” “I just finished f*****g the woman I met at the club. Do you need more details, mother?” Nalaglag ang aking panga sa isinagot ni Krid sa kaniyang ina. Sasabat sana ako sa usapan nila ngunit inilingan ako ng ginang na para bang ipinakikiusap niya sa akin na balewalain na lang iyon. Marahas akong huminga. Tanggap ko ang dahilan nila para magalit kay Ma’am Helina pero hindi dapat ganito. Baligtarin man nila ang mundo, ina pa rin nila ang ginang na halos bastusin na nila at ituring na para bang ibang tao! Sinikap kong pigilan ang bumubulusok na inis sa aking dibdib. Alam kong wala ako sa posisyon upang makialam sa kanila, pero ang hirap at ang sakit na panoorin ang ganito. “Magpapahangin lang ako sa labas,” paalam nito. I almost rolled my eyes to him. He’s not like this before. Ang kilala kong Krid ay palabiro at masayahin, hindi ganito na walang respeto. Binalingan kong muli ng atensiyon si Ma’am Helina. Mapait siyang ngumiti sa akin. She’s telling me that she’s alright, pero kabaligtaran no’n ang nakikita ko. “Gabi na, Leal,” aniya. Sinilip niya ang kaniyang wristwatch. “Hindi ka pa ba uuwi? Ang sabi ng mga doktor, ayos na naman daw si Yosef.” “Paano po kayo?” “Huwag mo akong intindihin, anak,” aniya. “Masyado na kitang naabala. May susundo ba sa’yo? Ipapahatid kita, gusto mo?” Tumutol ako. Hindi ko kayang iwan siya rito. “Sasamahan ko po kayo rito. Hihintayin ko pong gumising si Yosef.” Bahala na. Bulong ko sa sarili ko. Knowing na nagka-sagutan sila kagabi ni Yosef, hindi ko sila maaaring iwan. Nag-stay ako sa loob ng hospital room ni Yosef. After kong ayusin ang kumot niya ay ipinirmi ko ang sarili ko sa chair sa gilid ng kama niya kaya naman napagmasdan kong mabuti ang kahimbingan ng kaniyang pagtulog. I can’t believe na magdamag siyang naghintay sa akin kagabi. Bigla ko na naman tuloy naramdaman ang guilt na kanina pa nanggugulo sa akin. I want to apologize to him pero hindi ko alam kung para saan o kung paano ko sisimulan. Hindi ko rin kaya pang sabihin sa kaniya na kaya hindi ako umuuwi sa kaniya ay dahil hindi na kami kasal. He doesn’t love me anymore, at ganoon din ako. And I want to help him to remember it. Ilang minuto ko pa siyang pinanood matulog. I scanned his handsome face. Maaliwalas na ngayon ang emosyong nakaguhit doon, and I will admit that he is still gorgeous in my eyes. Halos lahat naman yata ay mga kababaihan ay ganoon ang tingin sa kaniya. He has a strong jaw and full lips. He has my most favorite pair of eyes. They are deep and bright, and dark lashes surround them. Humikab ako at bahagyang ini-stretch ang katawan. Nilingon ko ang pintuan dahil hindi pa bumabalik si Ma’am Helina matapos niyang ipaalam sa akin na susundan niya si Krid sa labas. Inis akong huminga at binalingan muli ng atensiyon si Yosef. “Pagsabihan mo nga ‘yang kapatid mo. Hindi ko nagustuhan ang ugali niya kanina,” sabi ko. “Nagiging katulad mo na siya. Malaki ang kinikimkim na galit,” dagdag ko pa. I shook my head. As if naman na sasagot siya. Habang naghihintay ako sa pagbalik ng ginang ay isinubsob ko muna ang aking mukha sa gilid ng hospital bed na kinahihigaan ni Yosef upang ipahinga ang sarili. Hinila ako ng antok kaya naman hindi ko na namalayan kung paano ako nakakuha ng tulog at kung ilang oras na ba akong naka-ubob. Naalimpungatan na lang ako nang maramdaman kong may kung anong humahaplos sa buhok ko. Banayad man iyon ngunit naabala pa rin no’n ang pagtulog ko. I moaned and I reached for it. Wala pa sa hulog ang isip ko nang makapa ko ang isang magaspang kamay na patuloy na sumusuklay sa aking buhok. “Baby, are you awake?” Tila nagulantang ang natutulog ko pang sistema nang mabosesan ko si Yosef. Tumunghay ako. Bumungad sa akin ang matamis niyang ngiti. Bahagya pa akong natigilan. “Yosef,” usal ko. “Good morning, wife.” Bumuka ang bibig ko. Nang iligid ko ang paningin ko sa loob ng kuwarto ay napagtanto kong umaga na! “K-kanina ka pa gising?” utal kong tanong. Bigla akong na-concious sa sarili ko nang ngitian niya muli ako at inilapit pa ang mukha sa akin. “You should have woken me up para nabigyan kita ng pwesto, para magkatabi tayo,” aniya. Umisod pa siya at tinapik ang inilaan niyang space. Minasahe ko ang aking sentido. Ginamit ko na rin ‘yong pagkakataon upang pasimpleng ayusin ang buhok kong hindi ko na alam kung maayos pa ba. I stood up and heaved a sigh. Umupo siya upang payagan akong i-check ang temperature niya. Gamit ang likod ng aking palad ay sinalat ko ang kaniyang forehead. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi na siya nilalagnat ngayon. “May masakit pa ba sa’yo?” He chuckled. Inagaw niya ang kamay ko at masuyong nagtanim ng munting halik doon. He looked up to me. Lalong tumamis ang mga ngiti. “I’m sorry. Pinag-alala ba kita?” “Sino ba ang hindi mag-aalala, Yosef?” Binawi ko kaagad ang kamay ko. “Alam mo bang alalang-alala rin sa’yo ang mother mo? Hindi mo ininom kahapon ang gamot mo, at sinabi pa niyang hindi ka halos natulog dahil . . .” “Hinihintay kita, Leal,” patuloy niya. Iyon din naman ang sasabihin ko ngunit tila napudpod ang dila ko. “I can’t sleep. Iniisip kita. I’m having a hard time to take even a nap because I’m worried about us. May nagbago ba sa pagsasama natin?” “Hindi ko alam ‘yang sinasabi mo.” I looked away. Kinuha ko ang aking hand bag upang i-ready ang sarili sa pag-alis. Ayaw ko na munang pag-usapan namin ang tungkol doon kaya naman inilihis ko na ang usapan namin. “Tatawagin ko sa labas ang mother mo, at para rin alam ng mga doktor na gising ka na. Stay here, okay?” “Babalik ka?” aniya. Nang masalubong kong muli ang nangungusap niyang mga mata ay hindi kaagad ako nakasagot. Ito sana ang naiisip kong way upang takasan siya, pero paano ko ba naman gagawin iyon kung ganitong parang nagmamakaawa na siya sa akin? Sumasakit ang puso ko. Nanghihina ang loob ko. “M-may trabaho pa ako sa opisina. Hindi ako puwedeng magtagal dito,” sabi ko na lang. This time ay siya naman itong hindi umimik sa amin kaya naman napilitan akong lapitan muli siya. “You need to rest, Yosef. Pahinga ang kailangan mo. Don’t stress yourself too much.” “Hindi ka galit?” Humigpit ang kapit ko sa handle ng bag ko at saka muling nagpakawala ng malalim na hininga. “Walang ibang nangyari. Walang nagbago sa kung anong mayroon tayo noon. So please, alagaan mo ang sarili mo.” Kinagat ko ang aking dila. Alam kong hindi tama ang sinabi ko. May parte rin sa akin na ayaw ko siyang mabigla. After happened to him yesterday, pagkatapos kong panoorin na lang ang pananakit ng kaniyang ulo ay hindi ko na maaatim pang makita siyang ganoon. At bakit hindi ko na lang gamitin ang chance na ‘to para isalba ang negosyo ng aking pamilya katulad ng suggestion ni Auntie Mayette? This is a great opportunity! Tama, I will use him. Dahil hindi ko kayang mawala sa amin ni uncle ang kumpaniyang pinaghirapan naming buuin muli matapos itong iwan na lang nang basta ni papa. Gagamitin ko si Yosef. Kung malaman niya man ang totoo o kung bigla man siyang makaalala, pamilya na niya ang magpapaliwanag sa kaniya! I looked at him. Umayos siya ng upo sa kama. He extended his arms towards me just to reach my waist. Nagpatianod ako at hinayaan siyang hilahin ako. Ipinulupot niya ang kaniyang baraso sa beywang ko, sumandal siya sa akin at mahigpit na yumakap. “I need you, Leal,” he murmured. “Hindi kita aabalahin sa trabaho, just come home to me.” Isinarado ko ang mga kamay ko. I will, Yosef.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD