Kabanata 7

2000 Words
“SANDALI nga, hindi ko maintindihan. Mali yata ako ng dinig. Ano ulit ‘yang sinasabi mo, Isabella Leal?” Huminga ako nang malalim nang usisain pang muli ng kaibigan kong si Faye ang bagay na napagdesisyonan ko nang gawin. “Uuwi ka sa ex-husband mo?” Nakapamaywang siya. Nagsusungit ang kaniyang mga kilay at naniningkit ang kaniyang mga mata. Bumisita ako sa Children’s Home at kababalik ko pa lamang sa aking opisina nang dumating siya. Habang inilalapag niya sa ibabaw ng lamesita ang inaalok niyang paninda sa akin ay nabanggit ko sa kaniya na kakausapin ko ang mother ng ex-husband ko upang tanggapin ang inaalok nitong trabaho. Itinali ko ang natuyo ko nang buhok bago ako lumapit sa kaniya at kumuyabit sa kaniyang maputing baraso. Alam kong hindi niya gugustuhin kung babanggitin kong muli sa kaniya iyon. “Hindi naman gano’n kahirap ang magiging trabaho ko. Tutulungan naman ako ng pamilya niya.” I looked at her sincerely. “At isa pa, hindi naman ibig sabihin nito ay talagang titignan ko siya as a husband ko. Pagpapanggap lang ang gagawin ko.” Mas lalong lumukot ang mukha niya. Padabog na inalis ang kamay ko sa kaniyang baraso. “Alam mo, Leal, nalalabuan ako sa’yo. Galit na galit ka ex-husband mo, halos kamuhian at isumpa mo na noon tapos tutulungan mo siya ngayon?” “Gusto ko lang na maalala niya ang lahat-lahat ng nangyari sa amin, para tigilan na niya ako,” depensa ko. “Gagawin ko ‘to para sa negosyong hawak namin ni uncle.” Umikot ang mga mata niya at napailing. “Hindi ko alam. Hindi pa rin ako pabor sa plano mong ‘yan. Si Yosef ‘yon, Leal. I know how much he loved you, at alam ko rin kung gaano mo siya minahal noon kaya hindi malabong ma-fall ka ulit sa kaniya.” “I’m done with him. I moved on. Wala na akong nararamdaman sa kaniya kundi sama ng loob,” protesta ko sa kaniya. “Hindi natin hawak ang puso natin. Kapag ‘yan ay lumambot at tumibok-t***k na naman, wala tayong magagawa.” “Imposible ‘yan.” Bahagya akong lumayo sa kaniya at naupo sa mahabang couch ng opisina. Pakunwari kong binisita ang mga inaalok niyang home-made product sa akin upang kumuha ng karagdagang kumpiyansa. “Natuto na ako, Faye. Ayaw ko nang umulit pa, kaya wala kang dapat na ipag-alala. Hindi ko malilimutan ang ginawa niya noon.” Marahas siyang bumuntonghininga at ibinagsak ang sarili sa single sofa. “Kapag may ginawa siyang hindi maganda sa’yo, sa akin mo kaagad sabihin nang makatikim naman siya ng suntok sa akin.” Natawa ako. Kahit seryoso siya ay nagawa ko pa ring tawanan ang sinabi niya. Ten years na kaming magkaibigan ni Faye kaya naman hindi ko siya masisisi kung ganito siya kung mag-alala sa akin. Bukod sa palagi siyang palaban, matalak din siya at prangka. Kaya naman kapag nagkakaroon sila ng pagtatalo ng asawa niyang si Jeoff, si Jeoff pa ang nagsusumbong sa akin. At minsan, natatawa na lang ako at napapailing sa kanilang dalawa. Si Faye, siya ang nakakaalam ng lahat ng mga naging sakripisyo ko. She’s the first person who knows my cries and pain. Sa lahat ng taong nakapaligid sa akin, bukod kay Yosef ay siya lang ‘yong taong nakakapansin na hindi ako okay. “O, basta, huwag kang mawawala sa opening ng store namin next week, ah?” aniya. Itinuro niya pa ang mga paninda niya. “Pumili ka na diyan, idagdag mo na sa in-order mo sa akin noong nakaraan. Sa katapusan ng buwan mo na bayaran.” Tumango ako sa kaniya. Kumuha ako ng ilan upang sa gayon ay palitan ng magandang mood ang nararamdaman niyang inis kanina. Kakausapin ko ngayon si Ma’am Helina. Nasabi ko na rin ito kay Uncle Simoun. Gusto niya nga akong pigilan ngunit nakumbinsi ko rin sa huli na gagawin ko lang ito para sa susunod na project namin. I also assured him na hindi ako napipilitan lang. Sariling desisyon ko ito. Besides, ang pamilya naman ni Yosef ang kusang nag-alok nito sa akin. I am just grabbing this good opportunity. Iniwan ko na muna sa Faye sa office ko. Hindi siya sumabay sa akin dahil iaalok niya pa ang products niya sa kakilala niyang employee na kumpaniya. At bago pa ako nakaalis ay muli akong nakatanggap ng sermon at paalala sa kaniya. Ginamit ko ang sarili kong sasakyan upang tunguhin si Ma’am Helina sa kaniyang opisina sa main building ng DC company. Sa pagkakaalam ko, she works there as one of the directors in managing department. Mas mataas na ngayon kumpara noong nasa kumpaniya pa si Yosef. Before, Yosef is managing their resorts and islands, pati na rin ang ilang projects na inilalatag sa kaniya ni Kuya Justus. But because of what happened to us, binitawan niyang lahat ‘yon. “This way po, Miss,” magalang na pakitungo sa akin ng isang staff matapos kong sadyain sa kanila si Ma’am Helina. Ngumiti ako sa babae at sumunod. Inilinga-linga ko ang aking paningin sa hallway upang hangaan ang karangyaan ng layout ng building. Sa halos isang taon kong nawala sa kanilang buhay, masasabi kong malaki ang nagbago sa kung anong mayroon sila ngayon. Hindi na dapat pa ako nagtataka kung bakit palaging sucessful ang malalaking project nila. They are powerful. Kilalang kilala ang apelyido nila sa anumang larangan, hindi lang sa business. Minsan tuloy ay naghihinala ako kung papaano nila ako napiling maging asawa noon ni Yosef, gayong wala namang masyadong maipagmamalaking yaman si papa. Ang alam ko lang, kailangan nilang makipag-merge sa maliit na company. Then my father offered me to them, and because of their ambitions, I met Yosef. “Miss, katukin ninyo na lamang po ang door ni Madam Helina. Kararating niya lang po. Nasa loob po siya,” pag-inform sa akin ng staff na umalalay sa akin. Nagpasalamat pa muna ako sa kaniya bago niya ako iniwan sa tapat ng pinto ng opisina ni Ma’am Helina. Hindi muna ako kumatok dahil mas inuna kong huminga ng malalim upang siguruhin sa sarili ko na tama itong ginagawa ko. I will be a wife to Yosef. Kung hindi ko man kayanin, isisiwalat ko na sa kaniya ang lahat. I knocked twice. Nang marinig ko ang malumanay na boses ni Ma’am Helina ay nag-decide na akong buksan ang pinto. Nakatalikod siya habang inaayos niya ang mga nagpapatong-patong na mga papeles sa kaniyang table. Napansin ko kaagad na hindi pa ganoong ka-imis ang loob pero hindi na ako nagtaka pa dahil ayon sa staff na kasama ko kanina ay kararating niya lamang. I breathed. “Ma’am Helina.” Agad siyang napalingon sa akin nang makilala niya ang boses ko. Bumakas ang gulat sa maputla niyang mukha nang makita niya akong nakatayo sa may pintuan, ngunit kalaunan ay napalitan din ng sigla at tuwa. “Leal, naparito ka,” masiglang bungad niya. Tuluyan akong pumasok sa loob pagkatapos ay isinarado ang pinto. Naramdaman ko kaagad ang lamig ng office niya ngunit hindi ko na nakuhang intindihin pa. Lumapit sa akin ang ginang. Hinila niya ako sa komportable at maluwang na salas niya upang paupuin ako sa malambot ba L-shaped sofa. “Maupo ka muna. Pasensiya na dahil medyo magulo pa rito,” aniya. Panandalian niyang nilikom ang mga folders sa mesa, at inutos ang iba sa kapapasok niya pa lang na sekretarya. “Kararating ko lang, anak. Bumalik kasi ako kanina sa ospital dahil kinausap pa namin ang doktor ni Yosef about sa nangyari sa kaniya kahapon. We are thankful naman na walang ibang kumplikasyon sa kaniya. Pasensiya na ulit sa nangyari. May maitutulong ba kami sa’yo?” I forced a smile as she sat accross to me. Ang mababang mesita ng sala ang pumagitan sa amin. “G-gusto ko po sana kayong makausap,” utal kong sambit. Kumunot ang noo niya. Inimis niya ang kumawalang hibla ng buhok niya at isiniksik iyon sa likod ng kaniyang tainga. Hindi na siya nakapagsalita pa dahil inunahan ko nang muli siya. “About po sa inaalok ninyo sa amin na tulong. Is it still open?” Lumunok ako at hindi nagpatinag sa panlalamig ng aking katawan. “Handa po akong tulungan si Yosef. I will help him remember the things he forgot including our darkest past. Makakaasa po kayo sa akin.” “Leal, s-sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baka n-nabibigla ka lang, anak.” Umiling ako. “Hindi ko po itatanggi na kailangang kailangan ko po ng pera at impluwensiya, at ito na lang po ang nakikita kong solusyon.” Nagbukas-sara ang bibig ng ginang at inaakalang nagkakamali pa rin siya ng dinig, kaya naman nagpatuloy pa ako. “Ilang beses ko po kayong tinanggihan tungkol sa bagay na ito. But after what happened to him yesterday night, I realized that he needs his family, he needs me for his continuous recovery. Handa po akong tulungan siya.” I saw how she grasp for some air. Saglit pa siyang umiwas ng tingin sa akin ngunit ilang sandali lang ay kumuha siya ng isang maliit na papel at pen. Doon ay may isinulat siya, pagkatapos ay inabot sa akin. “Kung hindi ka nabibigla, Leal, hindi kita tatanggihan,” aniya. Habang tinatanggap ko ang papel ay nagsalita muli siya, “Ito ang bagong number ni Yosef. Baka gusto mo muna siyang tawagan. Hinihintay ka niya sa bahay ninyo. Huwag ka sanang magugulat kung may makikita kang mga damit at gamit na pambabae roon. I bought them for you. Ipinaayos ko na iyon bago pa man makauwi roon si Yosef.” Ako naman ngayon ang hindi naka-kibo. “Aminin ko man o hindi, umaasa pa rin ako na papayag ka. At ngayon, mukhang nakapagdesisyon ka na, at hindi na ako magtatanong pa sa’yo dahil baka magbago pa ang isip mo. Sana lang ay hindi mo ako binibiro, anak,” biro niya. I bit the inside of my bottom lip before I managed to give her a fake smile. Hindi ako nagdadalawang isip pero bigla kong naitatanong ngayon sa aking sarili kung kakayanin ko ba talagang makasama muli si Yosef sa iisang bubong. Nag-uumapaw sa galit ang dibdib ko, hindi imposibleng mapikon ako at magkaroon kami ng pagtatalo. Binura ko iyon sa aking isip. I can deal with him. I will be patient to him. Kakayanin ko. Hindi nagtagal ang pamamalagi ko sa opisina ni Ma’am Helina. Ibinigay niya sa akin ang sirang cellphone ni Yosef, wallet at pati na rin ang lumang wedding ring namin na natagpuan nila sa mismong mga gamit ni Yosef. Nagdalawang isip akong tanggapin iyon dahil parang hindi ko masisikmurang isuot muli iyon. The ring he gave to me reminds me of all the pain he throw on me. But for the amount I badly needed, isasantabi ko muna ang lahat. Pagkatapos naming ayusin at linawin ang deal na napag-usapan namin noong mga nakaraang linggo ay inaya ko na ang sarili ko na magpaalam sa kaniya. Saglit akong bumalik sa MounWrist upang ayusin ang ilang mga gamit ko pero hindi na rin ako nagtagal at agad ding bumyahe. It’s cold and dark outside. Mahigpit ang hawak ko sa manubela ng aking sasakyan habang binabagtas ang patungong address ni Yosef. At this time, I can’t believe that I will see our house again. Ang hirap paniwalaan na muli akong aapak doon. That is where Yosef and I started to make dreams. Doon kami nagsimula, nagpatuloy at lumaban. Pero ang lungkot lang isipin na doon din kami sumuko. Nang i-stop ko ang aking sasakyan sa tapat ng nakabukas na gate ng bahay ay hindi na ako nagsayang pa ng minuto. I climbed out of my car. Sa malawak na terrace, namataan ko kaagad si Yosef. Malungkot siya, tahimik at mukhang hinihintay na naman ako. Our eyes met, and I saw how his lips mouthed the words, “You’re home, Leal.” I breathed calmly. Today is the day Ma’am Helina hired me as her son’s pretend wife.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD