Kabanata 8

2058 Words
SARADO ang aking mga kamay habang sinasanay ko ang aking paningin sa kabuuan ng bahay na dati naming tinirhan noon ni Yosef. Halos ito pa rin iyon. Halos walang nagbago. Tiled ang floor at yari sa bato ang dingding. Sa pagpasok sa pintuan ay sumalubong sa akin ang hallway patungong salas. Naroon ang sofa set, katapat no’n ang flat screen television at sa may bandang itaas naman ay nakadikit sa wall ang aming wedding picture. Sa picture na ‘yon ay magkapareho ang tumbas na ligaya na isinisigaw ng aming mga mata. I was in my beautiful wedding dress, while Yosef was in his white suit. Bagay na bagay sa kaniya. Hawak niya ang kamay ko habang nakangiti at tinitigan ako. Ang atensiyon ko naman ay naka-focus sa camera, bitbit ang wedding bouquet habang hindi mapigilan ang nag-uumalpas na saya. I still remember the moment his eyes filled with tears while he was spilling his vows to me and to our marriage. I laughed at him when he knelt down just to put a ring on my finger. Totoo ang kaniyang emosyon, at ramdam kong hindi siya nagkukunwari. Masyado akong nalunod noon sa kaniya, at hindi man lang sumagi sa isip ko na baka palabas lang ang lahat. I am not his first love, and I will never be the love of his life. May iba siyang mahal. “Leal.” Agad kong inalis ang aking paningin sa naka-display naming wedding picture nang marinig kong binigkas niya ang pangalan ko. Lumingon ako. Nalaman kong kapapasok niya lamang dito sa sala at bitbit niya ang ilang mga gamit ko sa office na dinala ko rito. I smiled bitterly at him. Kinuha ko mula sa kaniya ang itim na bag ng laptop ko at iba pang mga gamit. “Hindi ka na ba nilalagnat? Wala ng masakit sa’yo?” “Why? Nag-aalala ka sa akin?” biro niya. “Magaling na ako. Hindi na ako magkakasakit dahil aalagaan mo na ako.” “P-pasensiya na kung ngayon lang ako nakauwi,” utal kong sambit. “Alam kong hindi mo naaalala pero sa office talaga ako nag-s-stay madalas, at pinapayagan mo naman ako.” Tumango siya sa sinabi ko. “It’s fine, baby. You are here now. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon,” aniya. Lumapit siya sa akin at hindi ko na nagawa pang umangal nang hagkan niya ako sa forehead. “I prepared a dinner. Let’s eat?” He held my hand and intertwined our fingers tightly. Hinila niya ako papuntang kitchen kung saan ang sabi niya ay naghanda siya ng dinner. Naamoy ko kaagad ang niluto niyang adobo na sa pagkakaalam ko ay iyon ang kauna-unahan niyang natutuhang lutuin, pero kalaunan ay napag-aralan niya ring gumawa ng chicken sisig na nagustuhan ng panlasa ko. Sa tapat ng counter ay naroon ang mesa. Naka-prepare na roon ang plates at glasses, naroon na rin ang mga spoon at fork at parang ipinamumukha niya sa akin na wala na akong gagawin pa kundi ang umupo at kumain na lang. Umuna siyang dumulog sa hapag upang i-offer sa akin ang isang wooden chair. Tahimik akong lumapit sa kaniya at tahimik din akong nagpasalamat. Kanina pa ako hindi mapakali at kaninang kanina pa ako nakakaramdam ng lamig. Hinihiling ko na huwag niya sanang gawin ang mga bagay na ginagawa niya noon katulad nitong paghahanda niya ng dinner namin. Hindi na ako sanay. “I can’t remember the last time I cooked. Bukod sa adobo, may ibang natutuhan pa ba akong lutuin?” he asked me. “W-what? I mean, you can cook chicken sisig.” Nanginig ang labi ko. “Bukod doon ay wala na dahil hindi ka na masyadong nakakapagluto dahil abala ka sa trabaho.” Lumawak ang ngiti niya. Hindi niya inintindi ang huling sinabi ko. “Really? Chicken sisig? How’s it?” “Ayos naman,” sagot ko. May sinabi pa siya ngunit hindi ko na naintindihan pa. Kung puwede nga lang aminin ko sa kaniya na iyon ang pinakamasarap na sisig na natikman ko ay kanina ko pa ipinagmayabang sa kaniya. But no, I will not. Bago ko pinasok ang desisyong ito ay itinanim ko sa isip ko na iiwasan kong alalahanin ang lahat sa amin. I don’t want to risk anything. Pagkatapos nito, at sa oras na makaalala siya ay tapos na ang trabaho ko. I faked a smile as he sat down accross from me. Ipinagsandok niya ako ng rice at siya na rin ang nagsalin ng water sa glass ko. Inayos niya ang aking plate. “I will try to cook sisig next time. Susubukan ko kung maaalala ko kung paano.” Inalok niya sa akin ang spoon na mayroong kaunting sabaw ng niluto niya. “Taste this, wife. See if I have improved or not.” I was hesitant by the time he offered me his unused spoon, but because his emotions are determined, tinanggap ko ang inaalok niya. Sa spoon na hawak niya, tinikman ko ang kapirasong sabaw ng adobo. It was good and tasty. Matagal-tagal na rin simula noong huli kong natikman ang ipinagmamalaki niyang recipe sa akin. I cleared my throat. “Okay naman.” “Okay lang?” Ngumuso siya. I knew he was asking for more of my comments. “It’s good. Masarap,” sabi ko na lang. He chuckled. Ramdam ko ang sinseridad sa tawa niyang iyon. Muli ay kumuha siya ng portion ng sabaw upang siya naman ang tumikim. Nabigla ang puso ko nang gamitin niya ang ginamit kong spoon kanina. He licked his lips and stared at me. “Yeah. It’s very good and very tasty, Leal.” Kinabahan ako sa ngisi niya ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang. Habang sabay kaming kumakain ay madalas na siya lamang ang nagsasalita at nagtatanong. Panay ang asikaso niya sa akin at wala akong magawa kundi ang payagan na lang siya. Habang pinanonood ko siya, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Nakikita ko man ngayon ang dating Yosef na minahal ko nang buo, hindi ko pa rin dapat kalimutan na siya rin ‘yong lalaking dumurog sa akin. Sa aming dalawa, ako ngayon ang walang puso. Hindi ko dapat siya tignan o kaawaan. My goal is to earn money through him. I should keep that in my mind. I will take advantage of him. After namin mag-dinner ay nag-volunteer akong maghugas ng pinggan pero kahit anong insist ko ay hindi niya ako pinayagan. Tutal ay kararating at kauuwi pa lamang daw, siya na raw muna ang gagawa ng lahat. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil wala na rin naman akong magagawa dahil naumpisahan na niya. I left him in the kitchen. Nagpatuloy ako sa pagmamasid sa kabuuan ng bahay dahil halos wala talagang nagbago. Ang buong akala ko kasi ay naibenta na ito. Hindi ko inaasahan na makikita ko pa ang mga gamit na napagdesisyunan naming bilhin katulad ng mga paintings, bases at iba pa. Narito pa rin ang ilan sa mga na-receive naming wedding gift. Pagkatapos ko sa living room ay sunod kong binisita ang silid na dating kuwarto namin ni Yosef. Unang apak ko pa lang sa loob ay bumigat na kaagad ang dibdib ko dahil saksi ang apat na sulok nito noong pagsaluhan namin ni Yosef ang una naming gabi bilang mag-asawa. I was so innocent that time. Wala akong naging ibang lalaki sa buhay kundi siya lamang, kaya naman labis-labis ang naramdaman kong hiya sa kaniya dahil wala akong idea kung paano gawin iyon. I shook my mind. Bumalik ako sa aking sarili nang mapansin kong may mga gamit na pambabae sa mesa ng vanity mirror. Nang bisitahin ko ang closet ay naroon ang mga new purchase na undies at iba pa. Mayroon ding iba’t ibang klase ng damit na umaayon sa size ng katawan ko. This is what Ma’am Helina is saying. She planned and prepared for this. I sighed. I came back to the salas after I changed my blouse into a lady sando, and my office skirt into pajamas. Naalala ko na may ise-send pala akong information sa sekretarya kong si Eira kaya naman naupo ako sa pahabang sofa at in-open ang laptop. Habang nakaharap ako sa screen ay naramdaman kong tumabi sa akin si Yosef. Napaigtad ako nang umakbay siya sa akin. Humalik pa siya sa balikat ko kaya naman pabigla ko siyang naitulak. “What?” he innocently asked. Hindi agad ako nakasagot nang maamoy kong bagong ligo na siya. Wala rin siyang suot na pang-itaas kaya naman naging mailap ang aking mga mata. Nakabalandra sa akin ang matigas at matipuno niyang dibdib! “H-huwag ka ngang basta-basta lalapit, o mang-aakbay. At ang lamig-lamig, magdamit ka nga.” I bit my tongue when I heard his sweet laughter. “Gabi na, nagtatrabaho ka pa?” “May kailangan lang akong asikasuhin.” Umayos siya ng upo. Sinubukan kong ipagpatuloy ang ginagawa ko ngunit masyado na niya akong naapektuhan at nakuha ang focus ko lalo na ngayon na pinagmamasdan niya ako. “What about me, wife? Hindi mo ako aasikasuhin?” lambing niya. “Hindi ba puwedeng ako muna ngayon?” Umiling ako. Nang tignan ko siya ay may naglolokong ngisi na sa kaniyang mga labi. “Nainom mo na ba ‘yong mga gamot mo?” pag-iiba ko ng usapan. He didn’t answer that. Nahirapan akong huminga at bumilis ang kabog ng puso ko nang umusog pa siyang palapit sa akin. He kissed my shoulder again. Sa pangalawang ulit niya ay pumiglas na ako. Tumayo ako upang takasan iyon. “Magpahinga ka na. Kung may kailangan ka, sabihin mo kaagad sa akin.” Itinuro ko sa kaniya ang aking laptop. “Alam mo kasi, medyo gabi na rin ako kung magpahinga dahil may tinatrabaho ako kaya mauna ka nang matulog.” “Are you not going to join me in bed?” “What?” I swallowed hugely. Napaatras ako nang tumayo siya. “Yosef, h-hindi mo natatandaan, we are not sleeping on the same bed. Hindi na ako sanay na may katabi. Kahit dito na lang ako sa couch sa ngayon o sa kabilang room.” Nagsalubong ang mga kilay niya. He went speechless na para bang sinusubukan niyang intindihin ang sinabi ko. He put his one hand to his waist. He rubbed his brows. Minasahe niya rin ang kaniyang sentido at ibinaba niya ang kaniyang paningin ngunit ibinalik niyang muli sa akin. “Hindi tayo magkatabi matulog? Is that what you’re saying?” Nanginig ang mga tuhod ko. I looked away but I answered him, “Oo, g-ganoon nga. Hindi tayo nagtatabi.” I can’t sleep with him. Hindi ko kayang matulog katabi siya! “When did I ever allow this, Leal?” hindi makapaniwalang usal niya.” “Hindi mo naaalala. Marami tayong binago.” Humakbang siya palapit sa akin. Hindi ko nagawang umatras pa nang hulihin niya ang magkabilang siko ko. He stared at me, closer this time. Gusto kong lumayo sa kaniya. Gusto kong itulak siya, ngunit hindi ko magawa dahil sa hubad niyang katawan! “When was the last time we made love?” Napanganga ako at dinagsa ng mas matinding nerbiyos. Hindi agad iyon na-process ng isip ko dahil nabingi ako sa lakas ng pagtatambol sa aking dibdib. Nag-init bigla ang mga pisngi ko. Nararamdaman kong namumula ang mga ito! Anong klaseng tanong iyon at bakit pati iyon ay gusto niyang malaman? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kaniya! “N-noon.” Kumalas ako sa hawak niya at umiwas. “Masyado tayong busy, kaya wala na tayong time para roon.” He was stunned. He blinked his eyes at what I have said to him. “We should have a schedule for this,” tahimik niyang usal. Alam kong may naglalaro ngayong ideya sa isip niya. Ilang sandali lang ay ngumisi siya. “Don’t we have plans to have a baby?” “W-what are you saying?” halos walang boses kong usal. “Wala pa tayong anak.” Bumuka ang bibig ko. Nahirapan akong umapuhap ng hangin. Nanlalamig na ang dulo ng aking mga daliri at napapasma na rin ang aking mga palad. Natumbok ko ang ibig niyang sabihin. Ang dila ko ay biglang walang masabi. Bakit hindi ko naisip na puwede niyang banggitin ito at hingin sa akin ang pangangailangan niya sa kama? Hindi puwede!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD