Chapter 4

1423 Words
***Belle POV*** "SENYORA, nasa kabilang linya po si mayora. Gusto raw po kayong makausap." Untag ko kay senyora na abala sa mga papeles na hawak nya. "Akin na ang telepono iha at kakausapin ko." Inabot ko sa senyora ang cellphone. "Hello, mayora. Good afternoon.." Bati ni senyora na nasa kabilang linya. Bumalik naman ako sa center table para ituloy ang pinapagawa nya sa akin. Sinasamsam ko ang mga resibo sa magkakasunod na date para kung sakaling maghanap ang senyora ay di ako mahihirapan. Galing kami kaninang umaga sa pinaka malaking factory ng biscuit at cookies ng senyora dito sa Laguna. Nag inspect doon ang senyora at mineeting ang manager pati ang mga supervisor. Pag aari ng senyora ang kilalang brand ng biscuit at cookies na mahigit 60 years ng namamayagpag dito sa bansa. Kilala na nga rin ito sa ibang bansa partikular sa southeast asia. Bukod sa biscuit at cookies ay may iba pang negosyo ang senyora. May piggery at poultry sya, palaisdaan at factory ng mga frozen food. Nakakainspire nga ang senyora dahil may sarili syang negosyo bukod sa may negosyo rin ang kanyang yumaong asawa. Ang kwento sa akin ng senyora ay dalaga pa lang sya ng itatag nya ang unang negosyo nyang biscuit at cookies. Ang kanyang asawa naman na si Senyor Hernando ay may negosyo ng construction. Pero ngayon ay isa na itong malaking construction company at ang kasalukuyang namamahala ngayon ay si Strike kaya napakabihira na lang daw nitong umuwi ng mansion. Napabuntong hininga ako ng sumagi sa isip ang lalaki. Ang lalaking unang nagpakilig sa akin at nagpatibok ng puso ko. Simula ng magtrabaho ako sa senyora at palagi na akong narito sa mansion ay palagi na ring sumasagi sa isip ko si Strike. Sampung taon na rin nung huli kaming magkita at magkausap. Galit pa rin kaya sya sa akin? "Belle." "Po?" Nag angat ako ng mukha nang marinig ang boses ng senyora. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo, iha. Iniisip mo ba ang nobyo mo?" "N-Naku, hindi po, senyora! Wala po akong nobyo. Single po ako." Tumaas ang kilay ng senyora. "Talaga? Wala kang nobyo?" "Opo, senyora. Single na single po ako." Nakangising sabi ko. "Kuh, parang di kapani-paniwala. Sa ganda mong yan wala kang nobyo?" "Eh.. wala pa pong magustuhan eh." Ngumiti ang senyora. "Pihikan ka rin pala gaya ko noon. Isa lang ang naging nobyo ko at naging asawa ko rin. Yun ang namayapang senyor mo. Sayang nga lang at maaga syang kinuha agad sa akin. Eh kasi naman ang hilig-hilig sa matatamis na pagkain." Napangiti na rin ako sa kwento ni Senyora Consuelo. Hindi ko man naabutan ang senyor pero nakikita ko kung gaano nya ito kamahal. "Naku, muntik ko ng makalimutan. Paki-tawagan nga ang massage therapist ko. Sa byernes ng umaga na kamo sya pumunta rito sa mansion dahil bukas ay may importanteng lakad pa tayo. "Opo, senyora." Binitawan ko muna ang ginagawa at sinunod ang utos ng senyora. Isang beses sa isang linggo ay may schedule sya ng masahe sa kanyang massage therapist. Mag iisang buwan na akong namamasukan kay senyora. Gamay ko na ang gawain ng PA s***h secretary nya. Hindi naman mabigat ang trabaho at simple lang naman ang ginagawa. Tanggap tawag o kaya ay tiga tawag, taga ayos ng mga resibo o kaya mga papeles at alalay nya saan man sya magpunta. Ganun lang ang trabaho ko. Magaan lang at walang pressure. Meron din naman kasi syang mga manager, secretary at supervisor na syang nag aasikaso talaga ng mga negosyo nya. . . PAGBUKAS ng bodyguard ng pinto ng sasakyan ay nauna na akong bumaba at inalalayan ko naman ang senyora. "Salamat, iha." Ngumiti lang ako sa senyora at binuksan ko na ang payong. Humawak sya sa braso ko at naglakad na kami sa restaurant kung saan sila magkikita ng mga amiga nya. Pagdating namin sa mesang naka-reserve ay naabutan namin ang apat na mga senior na babae na sopistikada pa rin ang hitsura. Halatang mayayaman din base na rin sa mga ayos, kilos at pananalita nila. "Ibang klase ka talaga, Consuelo. Magandang maganda ka pa rin kahit 90 years old ka na." "Masyado mo naman akong pinatanda, Adelaida. Baka nakakalimutan mo, magkakasing edad lang tayo." "Biro lang, amiga." Nagtawanan ang mga senior ladies. Ako naman ay napapangiti na lang dahil ang saya nilang panoorin. Magkakaibigan at magkakaklase pala sila mula noong high school pa. Nakakamangha lang dahil kahit mga senior na sila ay meron pa ring time na magkita-kita. "Sino naman yang magandang babae na kasama mo, Consuelo? Akala ko ba ay wala kang apong babae?" Tanong ng matandang babae na halatang alaga sa tinang itim ang maiksing buhok. "Wala nga akong apong babae. PA at secretary ko sya pansamantala dahil nagleave ang PA ko dahil manganganak na." "Oh, I see.. She's so beautiful, ha. Mukha syang artista." Wika pa ng ginang. Ngumiti naman ako. "Of course, kukuha ba ako ng hindi magandang PA? Anyway, her name is Belle." Pagpapakilala sa akin ng senyora sa mga amiga nya. Pinakilala rin nya sa akin ang mga ito isa isa. Gaya ni Senyora Conseulo ay mababait din ang mga ito pero halatang mga istrikta din. "Belle, iha, um-order ka lang ng gusto mong kainin. Akong bahala." Baling sa akin ng senyora. "Salamat po, senyora." Nakangiting sambit ko at tumingin na rin ng pagkain sa menu. At ng makapili ay um-order na ako sa waiter na nakaantabay. "Belle, right?" Untag sa akin ni Senyora Magda. "Yes po, ma'am." Nakangiting tugon ko. "Gandang ganda ako sayo, iha. Parang nakikita ko ang sarili ko sayo noong kadalagahan ko pa at nasa ganyang edad mo ako." "Talaga po?" "Oo, kasing ganda mo ako noong dalaga ako." Anang senyora sabay hagikgik. "Mukhang gutom na yata talaga si Magda dahil kung ano ano na ang sinasabi." Sabat ni Senyora Victorina. "Kuh, wala ka pa ring pinagbago, Victorina. Inggit ka pa rin sa kagandahan ko." "Gutom lang yan, amiga. Ha'mo't paparating na ang pagkain natin. Makakakain na tayo." Natawa na lang kami sa simpleng bangayan ng dalawang senyora. Para silang mga bata. "Ganyan talaga silang dalawa, iha. Kahit noong mga high school pa lang kami ay madalas ng mag asaran yang dalawa. Minsan nga ay nauuwi pa sa sabunutan. Pero naging pundasyon nila yun para tumibay pa ang kanilang pagkakaibigan." Wika ni Senyora Consuelo. "Nakakatuwa naman po sila." Sambit ko at tiningnan ang dalawang senyora na nagkukwentuhan na ngayon at nagbiburuan. Naalala ko sa kanilang dalawa ang sarili ko at ang pinsan kong si Roan. Ganyan na ganyan din kami. Nag aasaran, minsan nagkakapikunan pero in the end ay magbabati din. Best friend pa rin kami hanggang ngayon. "Anyway, iha. How old are you?" Untag naman sa akin ni Senyora Luisa. "26 po, ma'am." "May asawa ka ba o nobyo?" "Wala po." "Oh, interesting! May apo akong binata. Same age mo rin. Gwapo din sya. Tsinito. Baka magustuhan mo sya." Ngumiti ako sa senyora. "Eh baka naman po ako ang hindi nya magustuhan." "Naku, malabong hindi ka nya magustuhan eh ang ganda ganda mo. Isa pa ay walang babaeng tinanggihan yun." Napangiwi ako sa huling sinabi ni Senyora Luisa. "Sa madaling salita, iha, babaero ang apo nyang si Luisa." "Aba'y malay natin, kay Belle tumino ang apo ko." Natigil ang kwentuhan namin ng dumating na ang mga pagkain namin. Puro low calories at low fats ang mga pagkain ng seniors. Halos puro gulay ang mga yun at isda. Ako lang ang um-order ng grilled steak.. "Excuse me, senyora. Pupunta lang po ako sa powder room." Paalam ko sa senyora matapos kong uminom ng tubig. Tapos na rin kaming lahat kumain. "Sige lang, iha." Wika ni Senyora Consuelo. Tumayo na alo at binitbit ang bag. Nag excuse din ako sa mga amigas ng senyora. Nagtanong ako sa waiter kung saan ang powder room nila. Tinuro naman nya sa akin yun. Naglakad na ako patungo roon. Paglabas ko ng cubicle ay humarap muna ako sa sink at salamin. Naghugas muna ako ng kamay bago ako nag retouch ng mukha. Liptint lang naman ang ni-retouch ko at nagsuklay ng buhok. Natigilan ako ng tumunog ang phone ng senyora. Kinuha ko yun sa bag at hindi na tiningnan sa screen kung sino ang tumawag at agad na yung sinagot. "Hello — " "Jea, where's mamita? Tinatawagan ko sya pero hindi sya sumasagot." Napaawang ang labi ko at tila biglang nanlamig ang buo kong katawan, kasabay nun ang malakas na pagkabog ng aking dibdib ng marinig ang malaking boses sa kabilang linya na matagal ko ng hindi naririnig. 'Strike..' *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD