***Belle POV*** PAGPASOK ko sa kwarto ni Strike ay napasimangot ako. Maayos naman ang kwarto nya at malinis maliban na lang sa ilang gamit na nakapatong sa center table. Mukhang marunong na syang maglinis ng kwarto nya hindi gaya dati. Yun nga lang ay naiirita ako sa amoy ng kwarto nya. Hindi naman mabaho pero naaamoy ko ang pabango ng babae nya at malamang ay kumapit din yun sa kobre kama, kumot at unan. Napaingos ako at napaikot ng mata ng maglaro sa isip ko ang ginawa ni Strike at ng babae nya dito sa kwarto nya. "Saan nakalagay ang mga kombre kama, punda at kumot, Vangie?" Tanong ko sa kasambahay. "Doon sa walk in closet." Aniya at tinuro ang isang pinto. Naglakad naman ako patungo roon at sumunod sya. "Teka, balak mo bang palitan ang kobre kama?" Tanong ni Vangie. "Oo. Pa

