***Strike POV***
NAPATIIM bagang ako ng maalala ang anak ng isa sa mga kasambahay namin sa mansion. Ang ubod ng pilyang dalagita ni Manang Luz na si Belle. Ang dalagitang may malaking kasalanan sa akin. Ang dalagitang nagbigay sa akin ng masakit na kasawian.
"So, she's your new PA now, mamita."
"Pansamantala lang naman, iho, dahil nakaleave nga si Jea. Anyway, gaya ng sabi ko kung uuwi ka rito sa mansion ay tumawag ka muna sa kanya para makapaghanda naman kami sa pag uwi mo, okay?"
"Copy, mamita."
"And I'm hoping na umuwi ka soon. I miss you na, apo.."
Napangiti na ako sa malambing na boses ng abuela.
"I miss you, mamita. Don't worry, kapag maluwang ang schedule ko ay uuwi ako."
"Aasahan ko yan."
Ilang minuto pa kaming nag usap ng abuela. Wala na ang kasungitan sa boses nya at puro na yun lambing. Namimiss ko na rin sya. Ilang buwan na rin ang lumipas mula ng huli ko syang makita. Hindi man ako umuuwi sa mansion sa Laguna ay sya naman ang pumupunta rito sa Manila para makasama kami.
Binaba ko na ang cellphone matapos naming mag usap ng abuela. Hinagis ko yun sa gitna ng kama at lumabas ako ng balcony. Dinukot ko ang kaha ng sigarilyo sa bulsa ng trouser at humugot ng isang stick. Inipit ko yun sa labi at sinindihan ng lighter sabay hithit at binuga ang usok sa ere.
Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa malayo sabay tiim bagang ng muling maalala si Belle. Kaya pala parang pamilyar sa akin ang boses ng babaeng kausap kanina. Sya pala ang bagong PA ni mamita. Matapos ang ginawa nya sa akin noon ay may tapang na sya ngayong tumapak muli sa mansion. Damn her! Akala nya siguro ay nakalimot na ako at napatawad ko na sya sa kawalanghiyaang ginawa nya.
.
.
***Belle POV***
"WOW! Ito yung bike na sinabi ko po sayo na gusto ko, tita. Binili mo na?" Nangingislap ang namimilog na mga mata ni Tantan ng makita nya ang bagong bike na binili ko sa mall.
"Ay hindi. Hiniram ko lang yan sa mall. Ipaiinggit ko lang yan sayo tapos ibabalik ko na bukas." Nakangising sabi ko.
Pero tumawa lang sya at nilapitan na ang bike. Una nyang tiningnan ang manibela at ang gulong na kanya pang pinisil pisil. Ito ang bike na gustong gusto nya at pinangako kong bibilhin para sa kanya.
Pangalawang sweldo ko ngayong araw mula sa pamamasukan kay senyora. Dumiretso ako sa mall para bumili ng skincare ko. Naisipan ko na ring daanan ang bike at binili na rin.
"Thank you po, tita. The best tita ka talaga. Ikaw ang favorite kong tita sa lahat." Tuwang sambit ni Tantan sabay yakap sa akin.
Natawa naman ako at niyakap din sya. Masaya ako na makitang masaya sya.
"O, ingatan mo yang bagong bike na bili ng tita mo. Baka pagkatapos mong gamitin kung saan saan mo ilagay yan." Wika ni Ate Nancy.
"Hindi po, mama. Iingatan ko po 'to, no. Syempre, bigay to ni tita. Salamat po ulit, tita."
"You're welcome. Basta mag iingat ka palagi sa pag bi-bike. Baka makipag karerahan ka sa mga kalaro mo, ha. Ikakadena ko yan."
"Opo, alam ko po. Saka di po ako nakikipag karera sa kanila dahil siguradong talo naman sila sa akin."
Ngumisi kami ni Ate Nancy.
"May kayabangan ka talagang taglay na bata ka. Manang mana ka sa tita mo."
Suminghap ako. "O, bakit ako?"
"At bakit hindi? Noong bata ka pa may kayabangan ka talaga. Naalala mo, sinabi mo sa mga kaklase mo noon na mayaman tayo." Pagpapaalala nya sa akin.
Napanguso naman ako sabay kamot sa gilid ng leeg.
"Eh.. bata pa naman ako noon, ate. Niyayabangan ako ng mga classmate ko kaya niyabangan ko rin."
"O kaya nga sayo mana yang si Tantan."
"Sayo pala ako mana tita, eh." Nakangising sabi ni Tantan habang tinatanggal na ang mga nakabalot na plastic.
Pinisil ko na lang ang pisngi nya sa gigil ko.
"Syempre, meron din ang Bebe Ansheng." Baling ko sa isa ko pang pamangkin at inabot sa kanya ang paper bag na may lamang laruan.
Kinuha naman yun ni Ate Nancy at kinuha ang laruan. Natuwa naman si Ansheng na napabungisngis at napapalakpak pa.
"Akala ko kinalimutan mo na si Ansheng, eh."
"Syempre hindi, no. Parang di mo naman ako kilala, ate. Kapag meron si Tantan syempre meron din si Ansheng."
"Salamat."
"Syempre, meron ka rin. Baka kasi mainggit ka." Sabi ko at inabot sa kanya ang plastic bag na may tatak ng isang kilalang pharmacy at beauty store.
Nakataas ang kilay na kinuha yun ni Ate Nancy ay sinilip ang laman. "Aba, mga skincare ko to, ah."
"Skincare mo nga. Para di ka na bumili. Alam ko naman kasing medyo gipit ka ngayon."
"Sinabi mo pa. Pero salamat, sis. Eh si nanay, nabilhan mo rin ba?"
"Syempre naman. Eskinol lang masaya na si nanay. Pero binilhan ko din sya ng tatlong duster at kalahating dosenang panty. Dahil nung huling naglaba ako nakita ko ang mga panty nya may mga butas na ang punja, yung iba naman ay maluluwang na ang garter."
"Eh alam mo naman ang motto ni nanay. Hangga't napapakinabangan pa, okay pa."
"Yun na nga. Kaya binilhan ko na sya."
"O teka, kumain ka na ba? Hindi ka na nakasabay sa hapunan namin."
"Oo ate, kumain na ako sa mall. Inabutan na rin ako ng gutom doon eh. Doon na ako kumain dahil baka maipit ako sa trapik eh di lalo lang akong magutom. Sige ate, akyat na ako sa kwarto. Si nanay pala?"
"Nasa kwarto na nya. Nagpapahinga na."
"Okay."
Umakyat na ako sa hagdan. Narinig ko pa ang kapatid na sinasaway na si Tantan sa pag bi-bike sa loob ng bahay..
Bumuntong hininga ako sa harap ng salamin matapos kong ilagay sa mukha ang facial mask. Sa totoo lang ay buong araw akong lutang. Mabuti nga at hindi ako nagkakamali sa mga inuutos sa akin ng senyora kundi ay matatarayan nya talaga ako ng bongga. Tense na tense ako sa bawat pagdaan ng araw. Halo halo ang nararamdaman ko. Kaba, pananabik at takot. Sinabi kasi sa akin ng senyora na one of these days ay uuwi si Strike pero tatawag muna sya sa akin para ipaalam. Ngayon pa nga lang ay kumakabog na sa kaba ang aking dibdib at the same time ay excited na rin akong makita sya. Ten years na nung huli ko syang makita. Sa social media ko na nga lang sya nakikita kapag ini-stalk ko sya gamit ang dummy account ko. Mas lalo nga syang gumuwapo at mas lalong naging matikas ang pangangatawan. Pero ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nakita nya akong muli?
Humugot ako ng malalim na hininga at dinampi dampi ng daliri ang mask.
Dapat akong maging handa sa muli naming pagkikita ni Strike. Dapat ko ring harapin ang galit nya. Hindi na ako bata na ang kayang gawin lang ay takbuhan ang kamaliang nagawa. Hihingi ako ng tawad sa kanya. Kahit lumuhod pa ako sa harapan nya ay gagawin ko mapatawad lang nya ako.
.
.
"PAMBIHIRA ka naman, Ludeng. Ang sabi ko ay jasmine tea, hindi green tea. Ang layo ng jasmine tea sa green tea." Sermon ng senyora sa kasambahay na si Ludeng dahil nagkamali ito sa paggawa ng tea ng senyora.
"Pasensya na po, senyora. Hindi ko po kasi narinig ng malinaw." Nakayukong hinging paumanhin ni Ludeng.
"Paano mo naman kasi maririnig ng malinaw eh busy ka sa cellphone mo. Nung inutusan kita kanina naabutan kitang nakikipag video call. Hindi ba't sinabi ko na kapag oras ng trabaho ay bawal ang cellphone? Makakagamit lang kayo kung tapos na ang trabaho nyo. Nasaan ba si Luz?" Medyo mataas na ang boses ng senyora.
Kinabahan naman ako para kay nanay dahil baka pati sya ay masabon ng senyora.
"Wala po si manang, senyora. Nasa supermarket po kasama si Ate Tes." Saad naman ni Ludeng.
"Kaya naman nagpapapetiks petiks ka. Ayoko ng maulit ito, Ludeng. Ang ayoko sa lahat ay yung hindi sumusunod sa mga alituntunin ko rito sa mansion. Wa-Warningan kita ngayon. Pero sa susunod na mahuli ulit kitang nag ce-cellphone sa oras ng trabaho ay kukumpiskahin ko na yan at ide-delay ko ang sahod mo. Maliwanag?"
"Opo, senyora. Pasensya na po. Hindi na po mauulit."
"Sige na, palitan mo na itong tea ko. Inuulit ko, jasmine tea." Mariing wika ng senyora.
"Opo, senyora." Dagli ng tumalima si Ludeng at kinuha na ang unang tea na ginawa.
Napailing iling naman ang senyora habang ako ay napabuntong hininga at nangiti. May kasungitan man ang senyora pero makatwiran rin at patas.
"Belle, hindi pa ba tumatawag sayo si Strike?" Untag sa akin ng senyora.
"Hindi pa po, senyora."
Bumuntong hininga sya at kinumpas ang kamay sa ere. "Lintek talaga na batang yun. Parang wala na namang balak na tumupad sa pangako nya. Mamaya ay tatawagan ko sya at sasabunin. Hindi ko sya bibigyan ng mana." Yamot na saad ng senyora.
"Baka po.. busy po sya."
"Kuh, lagi na lang syang busy. Kung gusto nya akong makita, may paraan hindi yung marami pang dahilan.."
Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na lang na maglabas ng tampo ang senyora. Alam ko namang namimiss lang nya si Strike at gusto itong makita at makasama. Ako rin naman ay namimiss sya — oo nga pala, wala pala akong karapatang mamiss sya dahil galit sya sa akin.
"Mamita!"
Sabay kaming napalingon ng senyora sa pinto ng makarinig ng malaking boses.
Nahigit ko ang hininga at ganun na lang ang pagkabog ng dibdib ko ng makita si Strike na kapapasok lang sa library office.
*****