***Belle POV*** PAGPASOK library room ay naabutan ko si Strike na may kausap sa phone. Seryoso ang kanyang mukha at salubong pa ang kilay. Mabibigat ang bawat bitaw nya ng salita sa kausap sa kabilang linya. Sinesermonan nya ito. Napalingon sya at bahagya pang natigilan ng makita ako. Ngumiti naman ako at nilapag sa table ang kape nya sabay lapit sa kanya at yakap sa bewang nya. Tumingin sya sa akin at tumaas ang gilid ng labi habang nakikipag usap pa rin sa kabilang linya. Hinayaan ko lang sya at inabot ko ng malambing na halik ang kanyang leeg. Niyakap naman nya ang isang braso sa bewang ko na aking ikinangiti dahil ang ibig sabihin ay gusto nya ang lambing ko. "I want everything to be settled when I arrive in Manila, engineer. Para hindi na rin tayo magkaroon ng mas malaki pang pro

