***Belle POV*** "KAMUSTA naman ang kumpanya, iho? "The company is performing well, mamita. Wala kayong dapat na ikabahala." "Alam ko namang hindi ako dapat mabahala. May tiwala ako sayo, apo. Pero kung kailangan mo ng kahalili ay pauuwiin ko ang pinsan mo sa London." "Hayaan nyo ho muna si Gabe, mamita. Kaga-graduate lang nya at ngayon pa lang sya makakapag relax. Let's give him some time for himself. Kaya ko pa naman ang responsibilidad sa kumpanya." "Ikaw ang bahala. Just call me kapag nagka-problema ka lalo na sa mga board members." Ngumisi si Strike. "I will, mamita. Pero hindi pa naman ako nagkaka-problema sa kanila. Takot lang nila sayo." "Aba'y dapat lang talaga silang matakot sa akin. Once na may hindi sila magandang ginawa ay agad akong luluwas ng Manila at tatalakan s

