Chapter 20: Threats to Her Love

1561 Words

"Reese?" muling pagtawag ni Yui sa akin. Ilang sandali akong natahimik, pinagdedesisyonan kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo o maghahanap na lang ako ng palusot. Inilipat ko ang tingin kay Chase, at doon, sa mga tingin niyang iyon ay napagtanto kong dapat ko nang ikwento kay Yui ang lahat. Always choose to be honest. Naalala kong sabi niya. Ewan ko dahil hindi ko akalaing magiging malaki ang epekto ng salitang iyon sa akin. Maybe because I have been lying too few times. Kahit sa sarili ko. "Aalis ako kung kailangan niyong mag-usap," paalam ni Chase. Ngunit bago pa man siya makatayo mula sa kaniyang pwesto ay pinigilan na siya ni Yui. "At saan ka naman pupunta aber? Mukhang may alam ka at mukhang may itinatago kayo sa akin so maupo ka," pananakot niya rito. Minasahe ko ang likod

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD