Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mukhang iyon ni Chase. It was the first time I have seen that expression from him.
Hindi ako sigurado kung ano iyon... o baka'y hindi ko lang gustong aminin sa sarili ko kung ano ang ibig sabihin no'n.
Nagsimula na kaming mag-ensayo para sa paparating na fund-raising event ng banda. Sinumulan namin ang event na iyon last year. Ang nalikom naming pera ay ibinigay namin sa orphanage na malapit sa campus. Kung suswertehin ay baka mas malaking charity na ang matulungan namin sa susunod.
Maagang na-kompleto ang banda noon kaya't maaga rin kaming nakapagsimula.
Hindi ako sigurado ngunit ramdam ko na iniiwasan ako ni Chase. Iniiwasan niya ang mga tingin ko at nagpapanggap na hindi naririnig ang mga pagtawag ko.
"Kanina ko pa napapansin, may problema ba iyang si Loris?" bulong ni Mario habang dala-dala ang kanyang electic guitar.
Nagkibit balikat ako bilang sagot. Pinagmasdan ko sina May at Chase sa isang sulok habang pinag-aaralan ang mga kantang nasa final list ng mga i-peperform namin.
Mayamaya ay may kumatok mula sa pinto ng Music Room. Lahat kami ay natigil sa kaniya-kaniyang ginagawa. Pinagbuksan ito ni Dexter at bumungad sa amin ang pigura ni Ross.
"Hi! Sorry sa disturbo. Napadaan kasi ako kanina sa mall kaya't naisipan kong bilhan kayo nito," bati ni Ross at itinaas ang dalawang bucket ng chicken joy at dalawang box ng pizza.
"Yehey! Pasok ka Ross, bilis!" Agad na iniwan ni Mario ang kaniyang gitara sa sahig upang kuhanin ang mga dala ni Ross. Inilapag niya ang mga iyon sa isang bakanteng mesa.
"Sino siya? May boyfriend ka pala, Reese?" tanong ni Raven.
Narinig ko pang bumulong si May, "Sayang, akala ko masi-ship ko sila ni Loris."
Hindi ko na nagawang magpaliwanag kay Raven dahil agad akong nilapitan ni Ross. Ngiting-ngiti ito noong makarating sa posisyon ko.
"Hi," pagbati niya at naupo sa katabi kong silya.
Muli kong pinagmasdan ang mga ka-banda ko at lahat ng ito'y nagbigay ng mga nagtataka at makahulugang tingin.
Maliban sa isa. Maliban sa kaniya na tahimik pa ring nakatingin sa music score sheet mula sa kaniyang kamay.
"Anong ginagawa mo rito? At saka ang dami ng binili mo, hindi naman kailangan, Ross," sagot ko sa bati niya.
Nasulyapan pa ng mga mata ko ang paglapit nina May, Raven at Dexter kay Mario. Hinayan ko na siyang ipaliwanag sa kanilang tatlo kung sino si Ross.
"Ano ka ba, wala lang iyan. What's so wrong about caring for you." Ini-extend niya ang kaniyang kanang kamay upang ayusin ang magulong kong buhok.
Tinitignan ko siya habang ginagawa niya iyon at mukhang aliw na aliw siya sa ginagawa.
"Practice na tayo ulit," biglang ungad ni Chase at pumwesto na sa harap ng kaniyang keyboard.
Natigil ang noo'y paglamon ni Mario sa isang slice ng pizza. Agad din naman ibinaba nina Dexter at Raven ang drum sticks na kakakuha lamang nila sa bucket.
Mukhang natakot ang mga ito sa boses na iyon ni Chase. Oo at isang taon ang tanda namin sa kaniya ngunit parang nakalimutan naming lahat iyon dahil mukhang wala ito sa mood at nakakatakot.
"Can I watch?" pagtatanong ni Ross kay Mario.
Matagal bago nakasagot si Mario na parang pinag-iisipang maigi kung tama ba ang desisyong gagawin niya. "Ano, sige. Tutal dinalhan mo naman kami ng pagkain," aniya at palihim na nag-sign of the cross.
Nagsumula na kaming tumugtog. Una naming pinagpraktisan ang kantang Pagtingin na orihinal na kanta ng Ben and Ben.
Ilang beses kong napansin na paulit-ulit na pagbaling ni May ang kaniyang tingin kay Chase. He messed up with the chords too few times.
Ayos lang kaya siya?
Pinagmasdan ko ito at mukhang hindi talaga ito makapagpukos.
Sa kalagitnaan ng kanta ay huminto siya sa pagtugtog na agad rin naman naming sinundan.
Nakita ko pang bumulong si Dexter kay Raven na baka may sakit ito.
Ang kanina'y nakaupong Ross sa harap namin ay tumayo at inilagay ang kanyang palad sa likod ng kanyang leeg. "Sorry, baka hindi kayo komportable na nanonood ako. I'll go ahead then," he said smiling at nakatingin sa akin.
"O-okay," si Mario na ang sumagot para sa lahat. Alam kong hindi lang ako ang nakaramdam ng weirdong atmosphere na iyon sa loob ng silid. Random naming lahat ang lamig ng paligid kahit pa naka-fan lang naman ang aircon.
When Ross was on the way out of the room, he stopped on his tracks and changed his direction. Naglakad siya patungo sa direksyon namin at nahinto sa harapan ko. Lahat kami ay hinintay ang kasunod niyang gagawin.
Narinig ko pa si May na napasinghap noong maramdaman kong inilapit ni Ross ang kaniyang mukha sa aking noo. Bahagya akong napatulala dahil sa ginawa nito.
"Bye," aniya at saka masayang tinungo ang exit.
Damn that potion. That giddy feeling is killing me.
Noong tignan ko ang mga ka-banda ko ay lahat ito nakatingin sa akin, malibang muli sa isa. Agad din naman nilang binawi ang mga tinging iyon noong mahuli ko.
"Guys, kain na muna tayo," Dexter broke the silence at sumang-ayon din naman lahat.
"Chase, ano nga pa lang ginagawa mo noong nakaraan sa mall," sinubukan ko siyang tawagin para sa isang kaswal na usapan ngunit nilagpasan lang niya ako.
Sigurado na akong galit talaga ito sa akin. Pero bakit?
Kinabukasan, sa klase namin sa Linear Programming ay hinintay ko ito at baka maisipan ulit nitong mag-seat-in.
Ilang beses akong palingon-lingon sa pintuan ng silid habang hindi mapakaling naghihintay.
"Hindi yata absent ang prof nila ngayon," pasimple kong sabi kay Mario. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase. Hindi nito ugali ang ma-late at minsan ay mas maaga pa nga ito saaming mga major ang subject na iyon.
"Naniwala ka naman," biglang tugon ng katabi ko.
"Ano?" Napalingon ako sa kaniya't nakita siyang naglalaro sa kaniyang telepono.
Hindi pa rin niya inialis ang tingin mula sa kaniyang cellphone at sinagot ako, "Wala iyong klase sa oras na ito. Vacant niya, at TTh ang Hist nila, hindi WF."
Pinagmasdan ko si Mario ngunit mukhang nagsasabi siya ng totoo. Nang malaman iyon ay naging tahimik na ako.
He's really avoiding me.
Maagang nag-dissmiss ang klase ko sa hapong iyon kaya't tumambay na lang muna ako sa Music Room. Habang naghihintay sa ibang kasamahan ko ay ibinuklat ko muna ang aking kwaderno at nag-review.
Sabay na dumating sina Mario at Chase.
Akala ko noon ay may kukuhanin lang si Chase sa tabi ko ngunit huminto siya at iniabot sa akin ang bagong drumsticks. Nagdadalawang isip ko itong tinanggap at hinantay siyang magsalita.
"Binalikan ko. Sayang naman, mahal," paliwanang niya.
"Ayieee, 'mahal' daw." Naroroon na naman ang nakakalukong tukso ni Mario. Gusto ko itong sapakin dahil pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko sa sinabi nito.
Tahimik siyang tumabi sa akin sa isang sofa sa Music Room. Patay malisya lang si Mario na parang hindi nito kami nakikita.
Hindi ako sigurado sa inaakto niya noon ngunit batid kong masaya ako.
I was smiling.
And I felt that irregular beating again.
***
Pasado alas otso na noong natapos kami sa praktis. Iniligpit na namin ang mga equipment, pinatay ang ilaw ng silid at sabay-sabay na lumabas ng CHSS building.
Katabi ko si Chase habang naglalakad kaya't kinuha ko ang pagkakataong iyon upang kausapin siya. "Galit ka ba sa akin? May kasalanan ba 'ko? Sorry," tuloy-tuloy kong tugon.
Kalmado na ang mukha niya at hindi na katulad noong nakaraan. Inayos niya ang kaniyang salamin at isinunod ang nakasabit niyang bag sa balikat.
"Wala, na LBM lang ako noon sa mall kaya hindi na kita pinansin," sagot niya.
Tumaas ang kilay ko sa palusot niya, "For one week ka na LBM?"
Hindi niya iyon sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Bumuntonghiniga siya at may kinuha sa kaniyang bulsa. Huminto si Chase sa harap ko kaya't napahinto rin ako. Hindi iyon namalayan ng mga kasama namin dahil nasa unahan namin sila.
Inayos-ayos niya ang buhok ko at saka may ikinabit doon. Nang alisin niya ang kaniyang kamay ay napahawak ako sa hairpin na isinuot niya sa akin.
"Ang kuripot mo. 'Di ka man lang nag-invite sa birthday mo," aniya at nagpatuloy na kami sa pagsunod kina Mario, Raven, May, at Dexter.
"Sorry," tanging naisagot ko.
"Kaya bilang kapalit, turuan mo ako ng Stat bukas." Namulsa ito at diretso lang ang tingin.
Ngumiti ako bago ito sinagot, "Okay. Ayos na tayo?" nakangiti kong tanong. Kahit naman alam ko ang sagot ay gusto ko pa ring marinig iyon mismo mula sa kaniya.
Iniharap niya ang kaniyang palad kaya't sinagot ko iyon ng high-five.
Kagaya ng ipinangako ko sa kaniya ay tinuruan ko siya ng Statistics kinabukasan sa pareho naming vacant. Nakapwesto kami sa isang bakanteng mesa at upuan sa open field ng CSM.
Habang busy siya sa pagsagot sa ibinigay kong tanong ay kinausap ko ito. "Kumusta si Audrey?" tanong ko.
"Tulog na tulog pa rin siya. Pero hopeful naman ang mga doctor na 'di magtatagal ay magigising din siya," sagot niya habang seryoso pa rin sa pag-solve ng ibinigay kong tanong.
I looked at him as he wiped his sweat using the folds of his arm. Seryosong-seryoso siya at mukhang nag-i-istruggle sa pinasagutan ko.
"Ang sipag mo rin sa kaniya," komento ko.
"Hmmm?" sagot niya na hindi pa rin iniaalis ang tingin sa papel.
"You must be so in love with her," I blurted. Napatigil siya sa pagsulat noong marinig iyon.
Nagtataka niyang tinignan ang pareho kong mata. Bakit? May masama ba akong nasabi?
"Ha? Sinong may sabing in love ako sa kaniya?" nagtataka niyang tanong. Binitawan niya ang ballpen na hawak at ipinatong ang kaniyang kaliwang braso sa mesa nang humarap sa akin.
Pati ako ay napakunot na rin ang noo. "Ikaw kaya. Para kang tanga. You love her so much. Even your words and actions say so," I insisted.
Pinagmasdan niya ang nagtataka kong mukha. Mayamaya ay napangiti siya noong may napagtanto. "I never said I'm in love with her," he said smiling.
Ha? Anong pinagsasabi niya? Anong akala niya sa akin, tuluyan nang nabaliw? Kung ano-ano nang naririnig?
"Uy, 'di ako baliw ah! Sabi mo kaya noong una tayong mag-usap tungkol sa kaniya," pag-angal ko.
He let out of a small chuckle. "Baka ikaw lang nag-conclude no'n. Oo mahal na mahal ko iyon. Sobra, pero bilang isang kaibigan lang," paliwanag niya.
"Weh?" At nagbigay ako rito ng hindi makapaniwalang tingin. Pinanliitan ko pa ito ng mata.
"Totoo! And I just care for her so much pero bilang isang kaibigan lang iyon. She gave me my second life," aniya.
Gave you your second life? Hindi ko maintindihan kong metaphor ba ang ibig niyang sabihin sa linyang iyon.
Bago pa man ako makapagtanong ay naunahan niya na akong magpaliwanag, "She literally gave me my second life."
Nanlaki ang mga mata ko, "P-paano?"
"Naaksidente ako noon sa high school. I got hit by a reckless driver," panimula niya ng kwento.
Napatakip ako ng bibig habang pinakinggan iyon. "Totoo? P-pero paanong..."
He smiled bitterly and continued, "She used so much power to save me, and make everyone at the scene forget. Iyon din ang naging dahilan kung bakit nalaman ng mama at ate niya na hindi siya nawalan ng kapangyahiran."
Tahimik lang akong nakinig dito. Kaya pala ganoon na lang siya mag-alala kay Audrey. Kaya pala ayaw na ayaw niya na gamitin ni Audrey ang kapangyarihan niya.
Because he was so indebted to her, at marahil ay malaking factor iyon para mas humina si Audrey. Mas naiintindihan ko na noon ang relasyon nilang dalawa.
Pinutol niya ang topic na iyon at iniba ang usapan. "Kumusta?" He asked broadly ngunit alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya.
Mapait akong napangiti at sinagot iyon, "This whole thing is still weird to me. Minsan nakokonsensya ako, minsan masaya, pero madalas naiinis ako sa sarili ko."
"Hindi ko na minsan alam paano mag-react na nasa ilalim ng gayuma si Ross ngayon," I honestly told him.
"Ano? Anong gayuma, Reese?" Pareho kaming nagulat at napalingon ni Chase sa pinagmulan ng boses na iyon.
And there we found Yui standing about a meter and a half away from us.