I have been avoiding Macey. Hindi ako makatingin dito sa tuwing nakakasalamuha ko ito. Marahil ay dahil naaawa ako sa kanya, nakokonsensya, at nasasaktan. Ilang taon ko siyang kinamuhian sa maling dahilan.
Mas mabuti na sigurong mag-move-on muna kami sa nangyaring iyon bago kami mag-usap ulit. I do owe her an apology.
At si Ross, all along ay may hindi siya masabing dahilan kaya't iniiwasan niya ako. All this time dala-dala niya ang rasong iyon. Sigurado na akong hindi lang ito basta tungkol doon sa nangyari noong thanksgiving niya sa highschool.
Pero bakit? Ano ba talaga ang rason?
"O." Natigil ang pagmumuni kong iyon nang mag-abot si Chase ng isang bar ng tsokolate.
Iyong Reese's na naman, kagaya ng bigay niya noong nakaraan.
Naki-seat-in na naman siya sa klase namin. Minsan nga ay naiisip ko na tumatambay lang talaga siya. Palusot na lang iyong laging absent ang professor nila sa History 1.
Umusog siya nang kaunti palapit sa silyang kinaroroonan ko. "May event buong bloc namin next week sa atrium," panimula niya.
Napalingon ako rito. Wala pa naman ang prof sa subject na iyon kaya't ayos lang na makipagdaldalan muna.
"Part ng isang subject, kailangan daw madaming audience," patuloy niya.
Ang daming liko ng isang ito, mukhang ang patutunguhan lang naman ay mag-aaya ito para sa requirement nila.
"Okay," sagot ko.
"Ha?" Ilang sandali itong nagtatakang nakatitig. Mayamaya ay nakuha na nito ang ibig kong sabihin at napakamot ng ulo.
"Pero uy, hindi libre ang ticket ah," aniya.
"Pst, librehin mo 'ko sa event nitong kaibigan mo," pagtawag ko sa katabi ni Chase na si Mario. Nang tignan ko ang isang iyon ay naroon na naman ang mga makahulugan niyang tingin.
"Walang problema para sa LoReese," saka siya tumawa na parang isang kontrabidang nagtagumpay sa plano. Pagkatapos ay sumayaw-sayaw pa siya na akala mo ay nanalo sa lotto.
"Anong nangyari diyan sa kaibigan mo?" bulong ko kay Chase.
Ngunit hindi siya sumagot at namamanghang nakatingin lamang kay Mario.
"Which gives me the idea. Since may event tayo next month, mag-duet kaya kayo?" pagtukoy ni Mario sa papalapit na yearly fund-raising event ng banda.
"Kumakanta ka?" tanong ni Chase. Bakas sa kaniyang boses ang pagkagulat.
"Dude, mas maganda pa boses niyan kay May, no offense. Sadyang KJ lang talaga iyang isang iyan," pakiwari ni Mario at umakbay sa kaibigan niya.
"Mahirap pagsabayin ang drums at pagkanta. Subukan mo kaya," pagrarason ko kung bakit ko tinanggihang maging vocalist noon.
Totoo naman, ang hirap lang kumanta habang nagda-drums, lalo na kung nangangailangan ng heavy drums ang kanta. Naiisip ko pa lang natatawa na ako sa magiging itsura ko.
"Ah, basta KJ ka pa rin," pagtutol ni Mario.
"Basta, ayaw ko pa rin," sagot ko.
"Kitams, KJ talaga," dagdag niya habang hawak-hawak ang baba ni Chase at iniharap ang mukha nito sa akin.
I thought I heard Chase say something that sounded like cute. Ngunit mukhang guni-guni ko lang ata iyon.
Nanahimik na kaming tatlo noong dumating ang prof at nagsimula na ang klase.
Sa kalagitnaan ng isa't kalahating oras ng klaseng iyon ay napalingon ako sa direksyon ni Chase.
Nabigla ako nang mahuling nakatitig siya sa akin. Seryoso ang mga tingin niya kaya't hindi ko mawari kung para saan ang mga iyon.
"Ano?" awkward kong tanong.
Tanging sagot nito ay isang iling at saka ngumiti.
Nang matapos ang klase ay agad kong iniligpit ang kwarderno at ballpen mula sa armchair ko.
Nagmamadali ako noon na para bang may iniiwasan.
"Why are you avoiding me?"
Tinignan ko siya at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"I already know. Macey told me what happened," kalmado at marahan niya iyong sinabi.
Muli ko siyang pinagmasdan at saka lumingon kay Chase.
Chase gave me an approving look. Alam na rin nito ang totoo dahil sinabi ko sa kanya lahat noong maabutan niya akong naiiyak sa hallway. Yui would get jealous once she knows about the things I have told Chase but not to her.
Dapat na siguro kaming mag-usap ni Ross tungkol doon.
Naghanap kami ng hindi gaanong mataong lugar noong panahong iyon sa campus upang makapag-usap.
"Why did you do it?" pagtatanong ko rito tungkol sa pagpapanggap nila ni Macey. It's still a puzzle for me.
"Macey told you, I wanted to push you away," kalmado niyang sagot.
"Pero bakit?"
He looked me in the eyes and let out of a deep sigh. Ang mga tingin nito, parang may gustong iparating.
He looked at me with sorrowful eyes.
What really happened, Ross?
"I'm sorry, I can't tell you," he said and closed his eyes to hide his pain. "I can't tell you now, Reese," he apologized.
Ngunit kailan pa, Ross?
It would be a martyr and a blind of me, but I chose to trust him. Baka sobrang lalim ng dahilan niya kaya't hindi niya masabi-sabi sa akin.
I was given hope though, with the fact that Ross actually never hated me. Would he have the same feelings kung wala iyong epekto ng gayuma sa kaniya?
But the thought also scared me. Paano kung kahit mawala naman ang epekto ng love potion ay hindi pa rin niya ako gusto kagaya ng pagkakagusto ko sa kaniya?
I mentally cursed inside my mind. Naroon na naman ang mga napaka-selfish kong pag-iisip. I literally want to slap myself.
"Come here," I told Ross and offered a hug. Iyon lang ang alam kong gawin noong mga panahong iyon. He looked like he was in so much pain. And I wanted to help him, I wanted to take those pain away.
Nabigla ako nang humikbi ito nang makarating sa mga braso ko.
"I'm really sorry," he continuously whispered.
Ano ba talaga iyon? It was seriously killing my curious mind.
Tinapik-tapik ko ang likod niya, sinusubukan siyang patahanin.
Inalis nito ang kaniyang nakabaong mukha mula sa aking balikat at saka hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Ross," I whispered his name.
He looked at me intently. There was so much emotions inside his eyes, at sobrang lapit ng mukha niya. Hindi ko naiwasang hindi mapalunok. I was starting to catch my breath.
And then it happened. He leaned closer and it happened. Ross kissed me. Ross freakin' kissed me.
I was unsure of what I was feeling. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. I couldn't hear anything but my heartbeat. It may sound dramatic and cliché ngunit totoo pala talaga ang pakiramdam na iyon. You can't seem to focus on anything but the stuffs you've felt.
And then a tear escaped from my eye. It was with the realization that the kiss, the emotions he was showing, could be somehow fake.
I finally got him. I was glad. Ngunit bakit nasasaktan pa rin ako?
Bakit hindi ko magawang maging masaya na walang inaalalang sakit? It's always so painful.
Pero sinong niloloko ko? Alam na alam ko ang sagot.
Because I knew it wasn't right. No matter how much my irrational thoughts convinces me that Ross might actually have feelings for me, even without the potion, it was still not right.
Ilang beses ko bang hiniling na mahalin niya ako? Gusto ko lang namang sumaya, ngunit bakit ang sakit sakit pa rin?
The next days, I was a bit awkward to him because of the kiss. But Ross was still the same. His treatment didn't change. Pakiramdam ko nga habang patagal nang patagal ay mas lalong lumalakas ang epekto ng potion na iyon.
Hindi man niya sinasabi ngunit sobrang lapit na sa panliligaw ang ginagawa niya noon.
Marahil ay gusto ko munang makawala sa paningin ni Ross noong araw na iyon kaya't hinanap ko si Yui kahit busy ito.
Sinong mag-aakalang isang araw, ako na mismo ang iiwas kay Ross. Samantalang noong mga nakaraang linggo ay para akong tangang habol nang habol dito.
Good thing dahil naalala ko ang event nila Chase. Inaya ko si Yui at agad naman itong pumayag.
"Bakit kasi hindi ka na lang kay Chase magkagusto," biglang singit ni Yui habang patungo kami sa atrium.
"May ibang gusto iyon." Pati ako ay nabigla sa isinagot ko. I would normally dismiss the idea sa tuwing nanunukso si Mario o kaya'y si Yui, but I gave a different answer this time.
"Ay, sayang naman. Mukhang nagkakasunod pa naman kayo," malungkot na komento ni Yui.
Ayaw pa rin talaga nito kay Ross. Kaya rin hindi ko pa nasasabi sa kaniya iyong nangyari last week.
"Reese!" bati ni Chase sa amin ni Yui nang makita kami nitong dumating sa atrium.
"Hi!" salubong ko sa kaniya.
"Nag-reserve na si Mario ng pwesto niyo, hanapin niyo na lang daw siya," aniya.
Tumango ako rito at nagpaalam na dahil mukhang tinatawag na sila sa backstage.
"Mukhang hindi naman siya masyadong excited noong nakita ka," sarkastikong komento ni Yui at itiniklop ang parehong braso.
"Tara na nga," pag-aya ko rito at hinanap na si Mario.
Nagsimula na ang event at mukhang para sa Comm3 ang requirement nilang iyon. Nakita ko kasi sa harap ang isa sa mga professor na nagtuturo ng Communication subjects.
Mabuti na lang talaga at hindi ito ang naging professor namin sa General Subject na iyon last year. Paniguradong may pa-ganoon din siguro.
Halo-halo ang performances sa event nilang iyon. I was guessing their goal was to express and communicate through different forms and medium. Iyon naman talaga ang goal ng Communication 3 na subject.
It was Chase's turn to be on stage. Kasama niya ang kanyang keyboard at naupo siya sa likod nito.
Chase started to play and sing. Nahagip pa ng paningin ko ang proud na proud na mukha ni Mario habang binibidyuhan ang kaibigan.
He was playing Latch by Sam Smith.
"Ang ganda ng boses niya," Yui whispered in between Chase's performance. I can't help but agree. He had so much emotions while singing, and he excellently showed the emotion of the song.
He played a much slower version and it has paved way for him to show more emotions for the song.
Why does he look so admirable while singing?
He glanced at my direction and smiled for a second or two. Pakiramdam ko ay natigil ako sa paghinga.
I felt a familiar but unfamiliar beating.
How could a single smile do that to me?
Ipinatong ko ang kanang kamay sa aking dibdib. It was different. Different than the ones I have felt with Ross. I haven't even noticed I was already comparing what I was feeling then with the ones I have felt with Ross.
My feelings for Ross has always been so intense. That one wasn't as intense, ngunit alam kong hindi normal ang nararamdaman kong iyon. It was not also the comfortable feeling I would always feel with Chase. It was different. What was that feeling then?