Pasado alas syete na noong matapos ang pagtatanghal. Sa kabutihang palad ay mayroong libreng hapunan sa event na iyon. Hindi namin alam na kasama pala iyon sa ticket na binayaran namin. Akalain mo iyon.
Nauna nang nagpaalam si Yui dahil may gagawin daw itong project. Dahil wala rin namang masyadong ganap sa mga klase ko kinabukasan ay napagtanto kong hintayin na lang si Chase habang nag-aayos at nagliligpit pa sila sa backstage.
Hindi naman nito hiniling na hintayin ko ngunit pakiramdam ko ay gusto ko itong kausapin. Ewan, sinunod ko na lang ang gustong gawin ng utak ko.
Agad akong nakita ni Chase noong makalabas siya ng assembly room.
"Hi! Salamat sa pagpunta," masaya niyang bati.
Nagbigay ako sa kaniya ng thumbs-up bilang sagot. Patay na ang main lights sa atrium ngunit natatanaw ko pa rin ang nakangiti niyang mga mata. Marahil ay proud na proud siya sa naging resulta ng event nila.
Napatingin siya sa kaniyang relo at bahagyang nagbago ang kaniyang ekspresyon nang mapagtanto ang oras.
"Ano, bibisitahin ko pa pala si Audrey," paalam niya.
Oo nga pala, si Audrey.
Hindi ko mawari kung ano iyong naramdaman ko nang sabihin niya iyon. Pakiramdam ko ay sumalamin ako sa naging ekspresyon niya.
Ang kaninang pagkasabik ay napalitan ng pagkalumo.
Ngunit para saan? Dahil naalala ko si Audrey? Dahil ayaw kong mawala ang bisa ng gayuma?
O dahil sa ibang dahilan?
"Sige, ingat ka. Didiretso na rin ako sa dorm," paalam ko sa kaniya at sabay na kaming naghiwalay ng direksyon.
Ewan ko at nalilito ako sa nararamdaman ko sa gabing iyon. Baka masaya lang ako para sa kaibigan ko.
Habang binabaktas ang daan patungog dorm, narinig ko ang pangalan kong tinawag ng boses na nahihingal sa pagtakbo.
"Reese!" rinig kong tawag nito.
Lumingon ako sa pamilyar na boses na iyon at nahagip si Chase na patakbong tinungo ang direksyon ko. May nakalimutan ba siya?
Nang mahinto siya sa aking harapan ay habol-habol pa niya ang kaniyang hininga. "Ano, baka gusto mong sumama," pag-aaya niya.
Sandali ko siyang pinagmasdan at saka sumagot, "Sige." Wala sa sarili kong ibinigay ang sagot na iyon. Alam kong may curfew sa dorm at paniguradong hindi na ako makakaabot kapag sumama ako sa kanya. Ngunit hindi ko alam dahil basta na lang agad nagbigay ng sagot ang bibig na iyon.
"Okay! Tara," aniya at sabay na kaming lumabas ng campus.
***
"Galing ko kanina 'no?" proud na proud niyang sabi. Kanina pa ito dada nang dada habang naghihintay kami ng masasakyang bus o dyip.
"Iyong keyboard mo iyong magaling at pinalakpakan ng mga tao. 'Wag kang masyadong mag-assume," pambabara ko naman sa kaniya.
"Gano'n? Sabagay, ako nag-train doon simula bata." Hinimas-himas niya pa ang kanyang baba habang sinasabi iyon. Tila binabalikan iyong panahong nagsasanay-kuno sila ng kaniyang keyboard.
Iba rin ang tama nito sa utak kung minsan. Some first impressions lasts talaga. Patunay itong isang ito. Weird pa rin kung minsan.
"Sira ka talaga," komento ko. Natawa na lang ako sa pag-iisip nito.
Sampung minuto pa ang lumipas bago kami nakasakay. Habang binabyahe ang daan patungong opsital ay nabigla ako nang isandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat.
Nabato ako sa ginawa niya. At tila kinakabahan, baka marinig at maramdaman niya iyon dahil malapit lang ang ulo nito sa dibdib ko.
"Pasandal," bulong niya.
Marahil ay pagod lang ito kaya't hinayaan ko na lang at unti-unting pinakalma ang sarili.
Narating namin ang ospital na kinaroroonan ni Audrey. Ang ate nito ang sumalubong sa amin noong makapasok kami sa kanyang silid.
"Siya ba iyon?" biglang tanong ng kapatid ni Audrey.
Ako ba ang tinutukoy nito? Malamang dahil wala namang ibang kasama si Chase. Pwera na lang kung may nakikita ang ate ni Audrey na hindi namin nakikita.
Tumango si Chase sa kaniya at saka bumulong sa akin, "Nakuwento ko na kay Ate Chloe iyong mga nangyari at ginawa ni Audrey," paalala niya sa akin.
"Ah, hello po," nahihiya kong tugon kay Ate Chloe at bahagya pang yumuko. Ngumiti siya sa akin at muling ibinaling ang tingin kay Chase sa tabi ko.
"Yieeee, ikaw Loris ha," bigla niyang tukso. Bahagyang namumula pa ang mata nito sa antok.
Pero ano raw?
Hindi pinansin ni Chase ang sinabing iyon ni Ate Chloe. Nagpaalam muna itong bibili lang ng kape kaya't naiwan kami ni Chase sa loob.
Pinagmasdan ko si Audrey. Parang natutulog lang ito. Tahimik na natutulog.
Paano kapag nagising na si Audrey. Ano naman kaya ang susunod niyang gagawin. Papayag kaya ito na baliktarin ang ginawang panggagayuma kay Ross?
Bakit parang ayaw ko.
Sa kalagitnaan ng mga naisip kong iyon ay biglang gumalaw ang kaniyang kamay. Ikinabigla ko iyon at napahigpit pa ang kapit sa aking damit dahil dito.
"C-Chase," tawag ko.
"Bakit?" tanong niya at inalis ang mata mula sa bintana ng kwarto.
"Iyong kamay..." nanginginig kong sabi habang turo-turo ang kamay ni Audrey.
"Ha? Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong. Lumapit siya sa aking direksyon at hinarap ang balisa kong mukha. "Reese?" pagtawag niya sa pangalan ko.
"Iyong kamay ni Audrey, gumalaw." Nang marinig niya iyon ay mas mabilis pa sa kidlat itong nakapag-react at agad na tinawag ang doctor.
He was restless at mukhang kinakabahan ito. Sobrang umaasa ito na magigising na ang mahal niya.
Pinagmasdan ko lang si Chase habang ini-examine ng doctor si Audrey. Katabi nito si Ate Chloe.
"She's not awake yet. But she's still with us. Kaya't huwag kayong mawalan ng pag-asa," paliwanag ng doctor at isinauli ang kanyang sign pen sa kanyang bulsa.
Parehong nakahinga ng maluwag sina Chase at Ate Chloe ngunit bahagya ring nalungkot noong malamang hindi pa talaga gising si Audrey.
I somehow felt sad too. Ngunit sigurado akong hindi iyon sa malungkot na balita. Dahil ba sa naging reaksyon ni Chase kay Audrey? Napakaselfish ko na ba? Gulong-g**o na ako sa inaasta ko.
Isinawalang bahala ko na lang ang mga naisip na iyon. Late na noong nagpaalam kami kay Audrey at sa kapatid niya.
"Hala! Sorry, iyong curfew mo." Bahagya akong nagulat sa biglang pagtaas ng boses ni Chase. Noon niya lang ata naalala iyon.
Napakamot ito ng ulo at tila nahihiya, "Sorry, nakalimutan ko."
"Ano ka ba, okay lang," sagot ko.
"'Bat 'di mo pinaalala?" biglang tanong niya. Ilang sandali akong hindi nakasagot dito. Nahihiya ako dahil hindi ko rin alam kung bakit.
"Hayaan mo na," pangungumbinsi ko rito, "hindi naman lagi so okay lang ito. At saka wala namang masyadong ganap bukas." Sa isipan ko ay pinagdarasal kong bilihin niya ang palusot kong iyon.
"Okay! Samahan mo muna akong magkape," mabilis niyang sagot. Hinila niya ang aking malamig na kamay at tuluyan nang nakalabas ng ospital.
Nagtungo kami sa Green Coffee na siyang pinakamalapit na café sa opsital. Umorder ako ng Frappe habang siya naman ay pumili ng hot coffee.
"Wala ka bang plano matulog ngayon? May ibang gagawin ka pa?" nagtataka kong tanong. Late na kasi at pauwi naman na kami ngunit nag-aya pa itong magkape. Ayos lang naman sa akin dahil hindi naman umeepekto sa akin ang kape.
"Wala naman, nauuhaw lang ako." Napakunot ang kilay ko sa kaniyang isinagot. Masaya lang siya habang hinihigop ang kaniyang mainit na kape.
Iba rin talaga ang tama nito. E 'di nagtubig na lang sana siya.
I looked at the side of the window. Medyo tahimik na rin ang kalsada dahil maghahating gabi na rin. I was reminded of Chase's reactions earlier. He must really love Audrey.
Napukaw ang atensyon ko nang may maramdaman akong dumaplis sa aking pisngi.
It was actually a wrong move to face front. Sobrang lapit ng mukha niya.
Inilagay nito ang nakaharang kong buhok sa likod ng aking tenga.
"There," he said satisfied at umayos na ng upo sa kaharap kong silya.
Kaswal niya lang iyong ginawa. Kasunod niyang ipinatong ang magkabilang braso sa mesa at tahimik akong tinignan.
Mukhang wala lang naman iyon sa kaniya, pero bakit hindi ako makapag-react kaagad?
Am I actually liking Chase? Pero mahal ko si Ross, sigurado ako roon.
Ilang segundo niya akong tinitigan at siya na mismo ang bumasag ng katahimikan, "How's things with Ross?"
Naibaba ko ang aking tingin mula sa kaniya.
"Are you happy?" he curiously asked. May hindi ako maintindihan sa kaniyang tono. Hindi naman siya galit o ano. It was concern, I think?
"Maybe a little. Alam ko ang selfish, pero iyon ang pakiramdam ko kahit minsan nasasaktan ako kasi alam kong peke naman ang lahat ng iyon," pag-amin ko. I know I can always be honest with him. I don't know how I always got that feeling.
"Minsan gusto ko nang tumakbo, minsan ay parang panaginip pa rin ang lahat ng ito. Magulo kaya't gusto kong takasan. Kaso it's Ross, and I don't know. I just can't."
Nang tignan ko siya ay tahimik lamang siyang nakatitig sa akin. He was listening and was looking intently. Parang pinag-aaralan ako.
"That's okay. Just don't forget about what is the right thing to do, Reese," paalala niya, kalmado gaya ng lagi pagdating sa ganoong usapan.
Ngunit ano nga ba ang tama? Saan o kanino ba dapat makinig ang isang tao upang malamang tama ang magiging desisyon niya?
"Always be honest, Reese. Always chose to be honest." Tinapos niya ang kaniyang kape at saka inilapag sa mesa pagkatapos sabihin iyon.
Should I? Dapat ba talaga?
Should I be honest na gusto kong binigyan ako ng love potion ni Audrey? Should I be honest na gusto ko ang pakiramdam na minamahal ako pabalik ni Ross?
Should I be honest na ayaw ko nang baguhin iyon?
Should I be honest na pakiramdam ko ay nababaliw na ako?
Should I be honest na pinagugulo mo minsan ang nararamdaman ko, Chase?
Paano, tell me how, Chase.
"Tara na," pag-aaya niya at muling nagbigay ng ngiti.
Chase was staying at their house dahil malapit lang naman ang university sa kanila. Kahit ayaw ko ay nagpumilit pa rin itong ihatid ako sa dorm kaya't wala na akong nagawa.
"Reese," malalim na boses niya kaagad ang bumungad sa amin noong marating namin ang gate ng dorm.
We found Ross waiting outside.
"Tumawag ako, pero 'di ka sumasagot. Sabi rin ng roommate mo wala ka doon kaya't nag-alala ako." Hindi nito binigyang pansin ang kasama ko at nasa akin lang ang atensyon.
Pawis na pawis ito at puno ng pag-aalala ang mukha. His eyes were so down at mukhang pagod na pagod ito.
"Alis na ako," paalam ni Chase. Binigyan niyang tingin sandali si Ross at saka muling nagpaalam sa akin.
"Salamat." Tumango ito at saka tumalikod na.
Papalayo na siya ngunit natatanaw ko pa ang likod niya. Pinagmasdan ko siya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Nakalimutan kong nasa harapan ko nga pala si Ross noon at hindi ko pa ito nasasagot.
Inalis ko ang tingin mula sa pinagmulan ni Chase at saka umiling.