Capri's POV Makalipas ang isang linggo mula nang simulan ni Eira ang pagkukuwento tungkol sa kapatid niyang si Erole, naging mas mahigpit ang seguridad ko. Dinagdagan ni Maxwell ang mga bodyguard ko, at naging maingat din kami sa mga bisita sa opisina. Hindi muna kami nagbi-business trip overseas dahil si Daddy muna ang uma-attend noon para sa amin. Isang araw matapos ang board meeting namin, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang unknown number. Hindi ko ito sinagot dahil protocol ko: kapag hindi naka-register sa akin ang tumatawag, hindi ko sinasagot. Pumasok ako sa loob ng opisina habang si Maxwell ay bumaba para bumili ng pagkain sa cafeteria. Habang nakaupo ako sa swivel chair at pinapanood ang video ng mga anak ni Aries, may pumasok na mensahe. Sa notification: “Unknown number

