Chapter-1
Capri's POV
Nagising ako sa katok ni Mommy sa pinto ng aking kwarto.
“Capri, gising na! Naghihintay na si Aqua sa’yo,” sigaw niya mula sa labas.
Napapikit ako sandali at napabuntong-hininga. Right... may morning class nga pala ako ngayon.
Kailangan ko na talagang bumangon. Napuyat ako kagabi — birthday kasi ng kaibigan kong si Bianca, at inabot kami ng madaling araw sa tawanan at kwentuhan. Binuksan ko ang pinto para matigil na si Mommy sa kakasigaw.
“Okay, Mom. Maliligo na ako. Bababa na rin ako pagkatapos.”
Tumango siya at umalis, habang ako naman ay dumiretso sa banyo, dala pa rin ang antok na aking naramdaman.
This is my last year in college. I’m taking up a Bachelor of Science in Business Management at one of the universities owned by our family — Zeus International University, named after none other than my dad, Zeus Sullivan.
My grandfather actually founded the university, and the original name was Sullivan International University. The main campus is in America, but we also have branches in parts of Europe. Our school is well-known because it trains the children of politicians and business heiresses like me.
This isn’t a typical university with a wide range of courses. ZIU focuses only on Business Management, Political Science, Corporate Law, and Economics. It’s where the children of Asia’s most influential families are trained — even members of royal families in Asia study here. From Primary School to High School, they are prepared and molded here.
It’s a prestigious school, sure. But for me, it’s more than that — it’s my training ground. Lahat ng galaw ko, pinapanood. Every paper, every report, every group project... It’s all part of the grooming process.
Because I'm not just any student. I'm the heiress.
When you're the child of the CEO of the Sull-Dubio Group, there's no room for failure — especially if you’re the one chosen to be the heir.
Actually, this path was my choice. Ever since I was a kid, I’ve wanted to be my dad’s successor. My two older siblings have their own passions. My sister, Gemini, has built her own empire, and Aries is a well-known model. As for me, this is what I chose.
Ilang sandali pa, bumaba na ako sa dining area kung saan naghihintay si Aqua — ang bunso naming kapatid, at ang certified morning person ng pamilya. Nakaayos na agad siya, kumakain ng toast, parang hindi nauubusan ng energy kahit alas-siyete pa lang ng umaga.
“Late ka na naman,” puna niya, sabay inom ng orange juice.
“Good morning din sa’yo,” sagot ko habang umupo at nagsimulang maglagay ng itlog sa plato ko.
Si Aqua ay isang high school student. Sa totoo lang, ayaw talaga niyang mag-aral dito sa Pilipinas—gusto niyang sundan ang yapak ng ate naming si Gemini. Lahat kami ay kilala hindi lang sa talino kundi pati na rin sa ganda. Sinasabi nga ng iba na kami ang definition of perfection, dahil sa kombinasyon ng katalinuhan at kagandahan na taglay namin. Laking pasalamat talaga namin sa aming mga magulang dahil dito.
"Dalian mo na, Ate! Ayokong ma-late!" reklamo ni Aqua habang bitbit ang bag niya.
"Ito na nga, binibilisan ko na ang subo," sagot ko habang pilit nilulunok ang huling kutsara ng almusal.
Nakatayo na si Aqua sa tabi ng pintuan ng dining area, naka-uniform na at mukhang sabik na sabik nang umalis.
"Sana kasi doon na lang ako sa New York nag-aaral." bulong niya sa sarili, pero sapat para marinig ko.
"Narinig ko 'yan," sabi ko, tumayo at kinuha ang bag ko sa couch.
"Alam mo namang may rason si Daddy kung bakit gusto niyang dito ka muna mag-aral."
"Oo na, para raw matutunan ko ang ‘Filipino values,’" sabay roll ng mata niya.
"Pero Ate, aminado ka naman… hindi ba mas okay kung sa ibang bansa tayo nag-aaral? Mas advanced, mas discreet."
Napahinto ako sandali at tiningnan siya. Totoo naman ang sinasabi niya. Pero alam ko rin na may ibang dahilan si Mommy at Daddy kung bakit pinili nilang dito muna siya mag-aaral.
"Aqua," seryoso kong sabi, "Hindi lahat ng bagay kailangang madaliin. Si Ate Gemini kaya doon lumaki sa Ibang bansa dahil she is special not just us, normal tayong lumaki."
Umirap siya pero alam kong napangiti ko siya kahit papaano.
Paglabas namin ng bahay, naghihintay na ang driver sa labas ng gate. Sumakay kami sa black SUV, at habang nasa biyahe, hindi pa rin mapakali si Aqua. Panay ang silip niya sa phone niya—parang may hinihintay.
"May message ba si Darius?" tanong ko, kunwari walang ibig sabihin pero halatang pilya ang ngiti ko.
"Ew, Ate. Never!" mabilis niyang depensa, pero halatang natawa siya.
"He’s annoying. As in, capital A. Araw-araw, iba-ibang babae ang kasama niya. Ewan ko ba kay Daddy kung bakit pa kami pinagkasundo," naismid niyang pahayag.
"Bata pa kayo noon. Malamang, nagbago na rin ang pananaw ni Daddy ngayon — lalo na ngayong nakikita niya kung gaano ka-Casanova si Darius," paliwanag ko pa.
Pagkalipas ng ilang minuto, nakarating na kami sa ZIU. Pagbaba namin ng kotse, agad kong nakita ang mga kaibigan ko kaya lumapit na ako sa kanila. Si Aqua naman ay dumiretso na rin sa grupo ng mga kaibigan niya.
Konti lang talaga ang estudyante dito sa ZIU—lahat ng nag-aaral dito ay mga VIP o galing sa prominenteng pamilya. Naalala ko pa noong high school kami, dalawampu lang kami sa buong batch. Pero kahit konti kami, sobrang dami naming activities, at bawat isa sa amin ay may nakatalagang personal trainer o mentor.
Mahal talaga ang tuition dito sa school namin, pero sulit naman ayon sa mga magulang. Halos lahat ng graduate ng ZIU ay nagiging matagumpay sa napiling larangan. Kaya mataas ang tiwala ng mga magulang sa institusyon, at proud silang makita ang mga anak nila na makapagtapos dito.
Habang papalapit kami sa classroom, nagsalita si Bianca.
"Capri, do you know Evan Villarica?" tanong niya sa akin.
"No, not at all," sagot ko.
"He's the son of Senator Amador Villarica," dagdag niya, parang may ibig ipahiwatig.
"And what about him?" tanong ko, walang emosyon sa boses.
"He's asking for your number. He’s also studying here at ZIU. Eh kasi naman, puro ka lang aral. Hindi ka kasi nakikihalubilo sa ibang tao," pahayag pa niya, sabay irap na may pilyang ngiti.
Magsasalita pa sana ako para sagutin siya, pero sakto namang pumasok na ang homeroom teacher namin kaya natahimik kaming lahat at naupo sa kani-kanilang upuan.
Pag-upo ko sa aking seat, nakaramdaman ako ng sulyap ni Bianca mula sa likod. Hindi pa rin siya tapos—alam kong may gusto pa siyang sabihin tungkol kay Evan. Pero hindi na ako tumingin sa kanya. Ayoko talagang mapunta ang attention ko sa kahit anong may kinalaman sa romance—lalo na ngayon patapos na ako.
Pumasok ang homeroom teacher naming si Ms. Velasquez, nakasuot ng dark blazer at may hawak na tablet. Isa siya sa pinaka-strict sa buong ZIU, pero lahat kami may respeto sa kanya—hindi lang dahil sa galing niya magturo, kundi dahil parang CIA agent kung umasta.
"Good morning, ZIU elites," bati niya habang sinusuri ang attendance.
Tahimik ang buong room, lahat attentive. Pero maya-maya, may kumatok sa pinto.
Pagbukas ni Ms. Velasquez, isang lalaki ang pumasok—matangkad, may suot na branded blazer na may ZIU patch, maayos ang tindig. Ang lakas ng dating niya.
"Sorry, I’m late, ma’am. I’m a new transfer."
"Name?" tanong ni Ms. Velasquez.
"Evan Villarica."
Biglang napatingin sa akin si Bianca, nakangiti nang parang sinasabing, ‘O, ayan na siya.’ Ako naman, nanatiling poker face—walang reaksyon.
Umikot ang tingin ni Evan sa classroom. Nang makita niya ako, bahagya siyang ngumiti.
Umupo siya sa bakanteng upuan — sa harap mismo ng aking row.
Hindi ako nagsalita. Pero hindi rin ako makatanggi. He looked sharp… and I smelled trouble.
Maya-maya, naramdaman kong may nag-vibrate sa phone ko.
Unknown Number:
"Nice to finally see you in person, Capri. Let’s talk soon. – E"
Napalingon ako kay Bianca, na ngayon ay pinipigil ang kilig at tawa. Ako naman, napailing na lang.