Chapter-2

1437 Words
Capri's POV Naging magkaklase kami ni Evan sa Business and Political Strategy Subject. Araw-araw siyang may dalang pasalubong—bulaklak, chocolate, minsan keychain na may pangalan ko pa. Para bang araw-araw Valentine’s Day. Sa una, awkward. Hindi ko naman siya sinabihan na gawin ‘yon, at ‘di ko rin hiniling ang mga iyon. Tinangap ko ito dahil never naman siya naging bastos sa akin. Patimga kaibigan ko gustong gusto nila si Evan para sa akin. Nang pumasok sila sa Classroom namin nakita pa nila si Evan na inabot sa akin ang paper na may Ferrero. “Uy, sana all may Evan,” biro pa ng tropa ko na si Carla habang sinusulyapan ang paper bag na may Ferrero. Ako? Tahimik lang. Hindi ako nagreact, napangiti lang ako sa kanila. "Tigilan niyo ako, kung gusto niya sa inyo na." Sabi ko pa sa kanila. Kinuha naman ito ng mga kaibigan ko, nakita ito ni Evan kaya sinabihan ko silang tirhan ako para hindi siya ma offend. Isang araw, after ng klase, lumapit siya sa akin. May hawak na naman siyang bulaklak, pero this time. “Pwede ba kitang ayain mag-dinner this weekend?” tanong niya, parang kinakabahan pa siya habang kausap ako. "Ok, pero kailangan mo munang magpaalam sa aking magulang." Sabi ko pa sa kanya. Sinabihan ko si Evan na hindi basta-basta makakapasok sa King's Community kung walang approval mula kay Daddy. Kaya sabi ko sa kanya, “Magpapaalam muna ako kay Daddy para mabigyan ka ng entry.” During dinner, saka ako nagpaalam. Buti na lang, hindi naman mahigpit ang mga magulang ko pagdating sa mga manliligaw namin. Basta maayos ang pakikitungo at may respeto sa amin, wala silang issue. Kaya in-approve agad ni Daddy ang aking request. Pagkatapos ng dinner, binigyan niya ako ng entry invitation pass para kay Evan. Gano’n talaga dito sa King’s Community—sobrang higpit ng security. Walang nakakapasok na walang pahintulot. Tatlong pamilya lang kasi ang nakatira sa community namin: ang pamilya namin, sina Uncle Gino, at sina Uncle Geller. Pag-aari nila ang buong lugar, at lahat ng galaw dito—lalo na kung outsider—kailangan ng approval. Kahit ‘yung mga anak nila, kailangan pa ring magpaalam kung may bisita silang gustong papasukin. Ganoon ka-strikto. Hindi lang basta subdivision—para itong mini-kingdom na may sariling rules. Pagsapit ng weekend, dumating si Evan sa bahay namin. Hindi siya nag-atubiling humarap sa mga magulang ko—matapang, maayos, at magalang. Kaya siguro lalo siyang nagustuhan ni Daddy. Hindi siya ‘yung tipong pa-cool lang o nagmamagaling. Habang nagkukuwentuhan sila ni Daddy, nalaman niyang anak siya ng isang senador. Pero kahit impressive ‘yon, hindi naman ‘yon ang dahilan kung bakit siya na-approve ni Daddy. “Status doesn’t matter to me,” sabi ni Daddy. “Ang Importante para aking ay, may respeto at totoo sa intensyon sa anak ko.” Bago umalis si Evan nung gabing ‘yon, tinawag siya ni Daddy. Seryoso ang mukha niya, pero kalmado ang boses. “Alagaan mo anak ko, ha,” sabi niya. Ngumiti lang si Evan at tumango. Simula noon, naging parte na si Evan ng weekends ko. Binigyan na rin siya ni Daddy ng permanent pass para sa King’s Community—isang bagay na bihira lang mangyari sa mga bisita. Minsan siya na rin ang naghahatid sa akin pauwi galing sa school. Kahit pagod siya mula sa klase o sa ibang activities nila, hindi niya ako ito pinalampas. Ramdam ko ang effort ni Evan para sa akin. Kaya hindi rin ko rin pinatagal ang aking desisyon. Sinago ko siya, hindi dahil sa gwapo siya—kahit oo, matangkad siya, may aura, at honestly kahit sinong babae ay pwedeng mahulog sa kanya—pero ang sobrang nagustohan ko sa kanya ay kanyang respeto at very sweet sa akin. Naalala ko pa ‘yung araw na dinala niya ako sa beach na pag-aari ng pamilya nila. Doon sa isang private spot na may gazebo at sea view, humarap siya sa akin habang hawak ang kamay ko. “Pwede ba kitang maging girlfriend?” tanong niya, direkta, walang pasikot-sikot. Tumango ako at sinabi, “Oo.” Niyakap ako ni Evan, mahigpit pero banayad. Tapos, tinanong pa niya ako kung puwede niya akong halikan. Pumayag ako dahil mahal ko rin naman siya. Ramdam ko talga ang respeto niya sa akin kaya maswerte ako. Si Evan ang first kiss ko, at hindi ko iyon pinagsisihan dahil mahal ko siya. Halos araw-araw kaming magkasama ni Evan. Minsan, inaabot pa siya ng madaling araw sa mansion namin. Kaya madalas, hindi na siya pinapauwi ni Daddy dahil baka mapaano siya sa daan. Minsan naman, ako ang dumadalaw sa kanila. Kilala ko na rin ang pamilya niya—mabait ang Mommy at Daddy niya, at kapag naroon ako.. Ang Mommy niya, ay lagi akong pinaghahanda ng snacks, tinatanong pa niya kung okay ba ako sa school, kung kumakain ba ako nang maayos. Ramdam ko ang pagmamahal ng pamilya ni Evan sa akin. May dalawa siyang kapatid—isang babae at isang lalaki. Pangalawa si Evan sa magkakapatid, at lahat sila kasundo ko. Ngayon, nandito ako sa bahay nila Evan para sa monthsary namin. Five months na pala kaming magkasintahan—ang bilis ng panahon, pero bawat araw ay na magkasama kami ay naging masaya ako, at mas lalo siyang naging maingat sa akin. Inimbitahan ako ng Mommy niya para doon na kumain, sa request na rin ni Evan. Wala namang okasyon sa tingin ng iba, pero sa amin, mahalaga ang bawat buwang lumilipas na magkasama kami. Pagkatapos naming kumain ng dinner na inihanda ng Mommy niya—may pasta, steak, at paborito kong mango float—sinabi ni Evan na may ipapakita raw siya sa akin. “Akyat tayo saglit,” sabi niya. “May surprise ako.” Pagpasok namin sa kwarto niya, tinakpan niya ang aking mga mata gamit ang kanyang dalawang palad. “Wait lang ha,” natatawa niyang sabi. “Evan, ano ba ‘to?” tanong ko, kinakabahan ako pero excited ako. Nang buksan niya ang ilaw at tinanggal ang kamay niya sa mga mata ko, napatulala ako sa aking nakita—puno ng balloons ang kwarto niya, may mga bulaklak sa kama, at isang maliit na table sa gilid, may cake at may nakasulat na “Happy 5th Monthsary, Baby.” “Wow... ang ganda, Evan,” bulong ko, parang hindi pa rin makapaniwala. “Happy monthsary, baby,” bati niya, sabay yakap sa akin. Pagkatapos, may inilabas si Evan mula sa bulsa ng jacket niya—isang maliit na kahon na kulay navy blue. Nang buksan niya ito, isang napakagandang kwintas ang lumantad, may pendant na hugis puso na kumikislap sa ilaw ng kwarto. “Para sa’yo,” mahina niyang sabi, habang tinititigan ako. Hindi ako agad nakapagsalita. Ang ganda. Simple pero elegante—parang sinasalamin ng kwintas ang pagmamahal ni Evan sa akin. Marahan niyang isinabit ang pendant sa leeg ko, at pagkatapos ay hinalikan niya ang heart-shaped charm, na para bang may panata sa bawat dampi ng kanyang mga labi. Pagkatapos, tumingin siya sa akin. Ako naman ang hinalikan niya—banayad sa simula, hanggang sa unti-unting naging mas mainit at mas malalim ang aming halikan. Nalulunod na ako sa sensasyon ng mga halik ni Evan. Gusto ko sanang pigilan, pero mas nanaig ang damdamin ko. Lunod na lunod ako sa init ng kanyang mga halik. Hindi ko na namalayan na bumaba na ang mga labi niya sa aking leeg, at kasabay ng mga halik, marahan niyang hinaplos ang aking dibdib. Hindi ko rin napansin na naalis na niya ang suot kong pang-itaas at bra. Gusto ko mang tumutol, pero nadadala na rin ako ng init ng aming damdamin. Iba ang halik ni Evan ngayon—punong-puno ng pagnanasa, alam kung may respeto sa akin. Bawat hagod ng kanyang labi sa balat ko ay tila nagsusulat ng pangakong kami lang ang para sa isa’t isa. Hinayaan ko siya. Hindi naman kami lalagpas sa aming limitation. Alam ni Evan na marami pa kaming mga pangarap. At parte ng pagmamahal namin ang pagpapahalaga sa tamang panahon. Gusto naming i-preserve ang sarili namin para sa isa’t isa—hanggang sa araw na kami ay ikasal. Nang magsawa siya sa paghalik sa aking katawan, bumalik siya sa aking labi at muling humalik—ng marahan, puno ng pagmamahal. "I love you, baby," mahina niyang bulong. "I love you too, Evan," sagot ko, habang nakatitig sa kanyang mga mata. Masaya ako—dahil si Evan ang una kong minahal. At hindi ko kailanman pinagsisihan na minahal ko siya, kinilala siya, at piniling siya ang makasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD