Capri's POV
Dumating na ang araw ng aming graduation. Excited kaming dalawa ni Evan — matagal na naming pinaplano ang bakasyon naming sa Europe bago kami parehong tumalon sa mundo ng trabaho. Gusto muna naming mag-relax, mag-explore, at mag-enjoy ng konting freedom bago harapin ang seryosong buhay.
Habang inaayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok si Mommy, may ngiti sa kanyang mukha.
“Hello, my lovely daughter,” bati niya, sabay yakap.
“Hi, Mommy,” sagot ko, sabay halik sa pisngi niya.
Suot ko na noon ang eleganteng dress na regalo sa akin ni Aries. Hindi siya makakauwi dahil sobrang busy niya sa kanyang modeling career. As for our eldest sister, mas lalo siyang abala — hands-on siya sa pagpapatakbo ng sarili niyang negosyo, kaya expected ko na rin na wala siya ngayon.
Pero tumawag siya sa akin kagabi. Sabi niya, ipinadala na raw niya ang graduation gift ko. At knowing her, hindi na ako magugulat kung isang sports car na naman ang regalo niya. Hindi na bago sa kanya ang magbigay ng mga mamahaling bagay.
Noong birthday ko nga, isang buong set ng ruby diamond jewelry ang natanggap ko — galing pa sa isa sa pinakamahal na luxury brands. Hindi ko man kasama ngayon ang mga kapatid ko, ramdam ko pa rin ang pagmamahal nila. And somehow, that made this day even more special.
“If you’re ready, let’s go. Naghihintay na si Daddy mo at si Aqua,” sabi pa ni Mommy habang tinutulungan akong ayusin ang laylayan ng aking damit.
Tumango ako at kinuha ang clutch bag ko. Ramdam ko na ang excitement — ito na ang araw ng graduation ko, at makikita ko na rin si Evan.
Pagbaba ko ng hagdan, nandoon na si Daddy, kasama si Aqua at isang lalaking ngayon ko lang nakita. Napatingin ako sa kanya saglit, medyo nagulat. Hindi ko siya kilala, at mas lalong nagtaka ako nang mapansin kong wala si Tito Mossimo — ang matagal nang assistant ni Daddy.
“Where’s Tito Mossimo, Daddy?” tanong ko habang papalapit.
“Oh! I forgot to tell you — he already retired,” sagot ni Daddy, casual lang ang tono.
"This is his son, Maxwell. He just started working last week."
Napatingin ako kay Maxwell. Gwapo naman siya — disente ang aura, tahimik ang dating, at halatang mahilig sa gym dahil ang ganda ng katawan. Pero bakit ko ba siya tinititigan? Napailing ako sa sarili ko at agad kong binaling ang atensyon sa iba. Wala naman akong interes sa kanya.
Ang gusto ko lang ay makarating na kami sa venue. Excited na akong makita si Evan — ang boyfriend ko. Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito..
Nag-promise ako sa sarili ko na kapag nakapagtapos na kami, ibibigay ko ang sarili ko sa kanya — bilang regalo, at bilang simbolo ng buong tiwala at pagmamahal ko.
Pagdating namin sa venue, marami nang estudyanteng naroon. Ramdam ko na ang excitement at kaunting kaba — ilang sandali na lang, magsisimula na ang graduation.
Tinawagan ko agad si Evan, pero hindi siya sumasagot. Wala rin ang pamilya niya. Doon na ako kinabahan. Baka may nangyaring hindi ko alam kung anong nangyari pero kinakabahan ako.
Hanggang sa matapos ang seremonya ng aming graduation, wala pa ring Evan na dumating. Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko habang tinatanggap ko ang aking diploma — parang may kulang dahil wala si Evan.
At nang tawagin na ang pangalan ko bilang Summa c*m Laude, narinig ko ang masigabong palakpakan, ngunit hindi ko iyon lubos na maramdaman. Para akong lumulutang habang umaakyat sa entablado.
Nang humarap ako sa mikropono upang magsalita, wala rin ako sa sarili ko. Ang bawat salitang lumalabas sa aking bibig ay tila naging awtomatiko, hindi ko alam kung anong mga pinagsasabi ko kanina dahil ang kabilang utak ko ay hinanap si Evan.
Pagkatapos ng ceremony, ilang kaklase pa ang lumapit, nagtatanong kung nasaan si Evan, pero wala rin akong maisagot.
Biglang lumapit si Daddy, halatang bothered at parang may dinadala sa dibdib.
“Baby, we need to go,” sabi niya, may halong pag-aalala sa boses.
“What happened, Daddy?” tanong ko, unti-unti nang sumisikip ang dibdib ko.
“Something happened to Evan,” sagot niya nang mahinahon pero seryoso.
Parang biglang nawala ang lahat ng saya sa aking paligid. Nanginginig ang kamay ko habang inalalayan ako ni Aqua papunta sa sasakyan. Habang tinitingnan ko sina Mommy at Daddy, lalo kong napansin ang pag-aalala sa mga mukha nila. Walang gustong magsalita.
Tahimik lang ang biyahe namin. Wala akong ideya kung saan kami pupunta — hindi rin ako makapagtanong. Parang natuyo ang lalamunan ko sa kaba.
Huminto ang sasakyan sa harapan ng ospital. Hindi ko maintindihan kung bakit kami naroon. Unti-unting lumalamig ang pakiramdam ko, habang unti-unting bumibigat ang dibdib ko. Mas lalo akong kinabahan.
"Wait… what is this? Why are we here?" I screamed in my head, confused and overwhelmed with anxiety.
“Capri, please… I want you to be strong, baby,” sabi ni Mommy, halos pabulong, habang hinahawakan ang kamay ko.
Hindi ako agad nakapagsalita. Parang may mabigat na bumagsak sa dibdib ko, kahit wala pa akong alam.
“Mommy… ano ba talaga ang nangyari?”
Pagdating namin doon, nakita kong nasa labas ng kwarto ang pamilya ni Evan. Tahimik silang lahat — mga mukha na puno ng luha at pagod. Agad lumapit si Tita Daria sa akin at niyakap ako nang mahigpit, humahagulgol habang hawak-hawak ako na parang ayaw akong bitawan.
Lumapit din ang Daddy ni Evan at ang kapatid niyang si Eira, sabay yakap sa akin. Halos sabay-sabay silang umiiyak.
“Be strong, Capri… please,” sabi ni Tita Daria sa pagitan ng hikbi.
Unti-unti akong dinala ni Mommy papasok sa kwarto. Pagkapasok ko, napahinto ako. Sa gitna ng silid, naroon ang kama — at sa ibabaw nito, may isang katawang nakabalot ng puting tela.
Nanginginig ang buo kong katawan. Ayokong isipin. Ayokong paniwalaan.
Hindi si Evan ‘yan… hindi puwedeng siya ‘yan.
Pero nang mapansin ko ang bahid ng dugo sa parte ng ulo ng tela, parang may kumurot sa puso ko. Hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng luha ko, kahit wala pa man nagsasabi ng totoo.
Nilapitan ko siya. Hinawakan ko ang gilid ng kama, at akmang iaangat ang tela — pero bago ko pa man magawa, may bumagsak na kamay mula sa ilalim nito.
At doon ko nakita — ang singsing. Ang promise ring na pareho naming suot ni Evan.
Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid. Lahat ng tao sa silid, nawala sa paningin ko. Tanging kamay niya lang ang nakikita ko.
Napaluhod ako sa sahig, nanginginig, halos mawalan ng lakas.
“No…” mahina kong bulong, bago ito tuluyang naging sigaw.
“No! This isn’t real!”
Agad lumapit si Mommy at si Tita Daria, sabay yakap sa akin.
“This is not true, right, Tita? Mommy? This is a prank, right?” humahagulgol ako habang paulit-ulit na inuuga ang ulo ko. “Please tell me this isn’t true…”
Pero walang sumagot. Luha lang ang kasagutan nila.
“Why, Evan?!” sigaw ko, halos mapatid ang boses ko. “Bakit, kung kailan tapos na tayo sa lahat ng hirap… kung kailan magsisimula pa lang tayo… bakit mo ako iniwan?”
Humagulgol ako, hawak pa rin ang kamay niyang malamig at wala nang buhay.
“How can I move on, Evan? How can I live without you?”
At sa mga sandaling ‘yon, pakiramdam ko ay kasabay kong nawala ang kalahati ng sarili ko. Hindi ko matanggap na wala na si Evan — na lahat ng pangarap naming dalawa ay biglang naglaho.
Sobrang sakit. Masakit sa paraang hindi kayang ilarawan ng kahit anong salita. Parang binubura ako ng buhay habang gising pa ako.
At dahil sa tindi ng emosyon, unti-unti nang dumilim ang paningin ko. Nahihilo ako. Nawawala na sa ulirat.
Pero bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay, naramdaman ko ang isang pares ng kamay na sumalo sa akin.