Chapter-04

1212 Words
Capri's POV Simula nang mawala sa akin si Evan, parang nawala na rin ang gana ko sa buhay. Para bang kasabay niyang namatay ang isang bahagi ko. Lumipas ang limang buwan mula nang siya’y pumanaw at mailibing, pero hindi pa rin ako tuluyang nakakaahon. Naging moody ako, tahimik, at madalas malayo ang iniisip. Kung dati, palagi akong lumalabas kasama ng mga kaibigan ko o ni Aqua, ngayon, halos hindi na. Mas pinili kong manatili sa kwarto — dito na ako kumakain, dito ako umiiyak, dito ako nagkukulong. Minsan nga, ang mga staff na namin ang nagdadala ng pagkain sa taas dahil alam nilang ayokong bumaba. Si Mommy, labis na nag-aalala. Sinabihan niya ako na lumipad muna papuntang New York, para doon pansamantalang tumira sa kapatid ko. Sabi niya, baka sakaling makatulong ‘yon para makapagpahinga ako at hindi masyadong mag-isip. Magandang idea naman talaga — baka nga kailangan ko talagang lumayo para tuluyang makalimot. Pero bago ang flight ko, dumaan muna ako sa puntod ni Evan. Tahimik akong tumayo sa harap ng kanyang lapida, habang hawak ang bulaklak na dala ko. “Evan…” mahinahon kong sabi. “Kailangan ko nang umusad. Hindi dahil nakalimutan kita, kundi dahil gusto kong tuparin lahat ng pangarap na pinlano natin. Sana gabayan mo ako… sana tulungan mo akong mag-move on.” Hindi ko napigilan ang luha ko. Humagulgol ako habang nakatingin sa kanyang pangalan. “Hindi ko pa rin kayang kalimutan ka,” bulong ko. “Pero susubukan ko. Para sa’yo… at para sa sarili ko.” Kasabay ng pag-alis ko sa puntod ni Evan, biglang bumagsak ang malakas na ulan — parang umayon ang langit sa bigat ng nararamdaman ko. Habang naglalakad ako papunta sa sasakyan, tumigil ako sandali. Lumingon ako pabalik, tinignan ko muli ang kanyang puntod sa huling pagkakataon. “Paalam, my beloved Evan,” bulong ko, habang tinatanggap sa puso kong ito na ang simula ng bagong yugto ng buhay ko — mag-isa na. Lumipas ang isang taon bago ako muling bumalik sa Pilipinas. Sa pagkakataong ito, tuluyan ko nang natanggap ang pagkawala ni Evan. Mas matatag na ako ngayon — mas handang harapin ang buhay. Pinauwi ako ni Daddy para simulan ang matagal ko nang pinapangarap: ang training ko bilang Vice-Chairman ng kumpanya. Ako ang napiling magmana ng posisyon niya, dahil ang dalawa kong nakakatandang kapated ay may sariling buhay na pinili. Kaya bago siya tuluyang magretiro bilang Chairman, gusto niya munang ihanda ako — hasain ang kakayahan ko, at tiyaking kaya kong hawakan ang aming negosyo. Sinalubong ako ni Maxwell sa airport. “How are you, Miss Capri?” bati niya, sabay ngiti habang inaabot ang maliit kong suitcase. Agad kong napansin ang dalawang dimples niya — at ang mapuputi niyang ngipin na mas lalong nagpalinaw sa kanyang ngiti. Noon, hindi ko siya masyadong pinapansin, siguro dahil sa bigat ng pinagdadaanan ko. Pero ngayon, napansin ko na ang ka kisigan niya at kagwapohan niya. “I’m fine and well, Max. Thank you for picking me up,” sagot ko, sabay ngiti rin. “My pleasure,” tugon niya. Noong nasa poder ako ni Ate Gemini sa New York, sinasama niya ako sa halos lahat ng business transactions niya. Sa totoo lang, naging on-the-job training ko na rin ‘yon. Tinuruan niya ako kung paano makipag-deal, magbasa ng contracts, at tumingin sa long-term impact ng bawat decision. Marami rin akong nakilalang matitinding tao sa mundo ng negosyo—mga CEO, investors, at pati mga kilalang personalidad sa politika. Kaya laking pasasalamat ko kina Mommy at Daddy na doon ako tumira sa New York habang nag heal. Dahil sa panahon kong ‘yon sa US, unti-unti kong nakalimutan ang sakit ng pagkawala ni Evan. Hindi ko man siya tuluyang nakalimutan, pero natuto akong mabuhay muli. Habang nasa biyahe kami ni Maxwell papuntang mansion, nag-usap kami nang bahagya tungkol sa naging buhay ko sa America. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, naging komportable agad ako sa presensya niya. Magaan ang aura niya, ‘yun lang ang alam ko. Hindi siya trying hard, hindi rin siya overly charming. Parang… natural lang. Pagdating namin sa mansion, nandoon na sina Mommy, Daddy, at Aqua sa driveway, parang matagal na talaga nilang inantay ang pagbabalik ko. “Welcome back, Capri!” sabay na bati ng aking mga magulang, sabik ang mga ngiti. Tumakbo si Aqua papunta sa akin at agad akong niyakap nang mahigpit. “I missed you, sis!” sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. Napangiti ako. Ito ang tahanan.  At sa sandaling iyon, alam kong handa na ulit akong harapin ang panibagong yugto ng buhay ko — kasama ang pamilya, ang responsibilidad, at… siguro, ang mga bagong taong darating pa. Pagkapasok ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto. Inakyat na rin ng mga house staff ang mga suitcase ko at sinimulan na nila itong ayusin. Gabi na kasi ako nakarating sa Pilipinas, kaya pagdating namin ni Maxwell sa mansion, halos madilim na ang buong paligid. Ramdam ko na rin ang bigat ng katawan ko — dala ng jetlag at pagod sa biyahe. Kaya ang plano ko ngayon ay magpahinga agad at bumawi ng tulog. Bukas ko na lang sisimulan ang mga dapat kong harapin. Isa sa unang nasa isip ko ay ang pagdalaw sa puntod ni Evan. Gusto ko siyang makumusta… kahit pa alam kong katahimikan na lang ang sagot ko’y maririnig. Narinig ko rin ang balita — na diumano’y naghiwalay na sina Tita Daria at Tito Amador. Hindi ko alam ang buong detalye, pero ‘yon ang sinabi sa akin ni Bianca. Nagkita kami ni Bianca sa New York, mga two months ago. Hindi ko inaasahan, pero masaya akong makita siyang muli. Pareho naming hindi in-expect ang reunion namin sa isang charity event. Medyo nagbago na rin siya — mas kalmado, at naging mature narin siya. Ang daming nangyari sa akin sa loob ng isang taon. Marami akong natutunan — hindi lang sa buhay, kundi pati na rin sa sarili ko. Natutunan kong tumayo mag-isa, humarap sa sakit, at magpakatatag kahit walang kasiguraduhan ang bukas. Naging mas mature ako sa pagharap sa mga problema. Hindi na ako ‘yung dating Capri na laging takot at umaasa sa iba. Pagkatapos kong maligo, humarap ako sa salamin. Tahimik. Walang makeup, walang filter — ako lang. Pero may kakaiba. Mas buo ako ngayon. Naglagay ako ng mga skin care essentials — toner, serum, moisturizer — mga simpleng bagay, pero para sa akin, simbolo ng pag-aalaga sa aking sarili. Humiga ako sa kama at huminga nang malalim. Nagpasalamat ako sa Panginoon — dahil nakauwi ako ng ligtas dito sa Pilipinas, at dahil kahit marami akong pinagdaanan, narito pa rin ako. Buo. Sabi ni Daddy, kung handa na raw akung pumasok sa aming kompanya ay saka na ako papasok. Pero humiling ako ng isang linggo pa — para makapag-adjust sa oras dito sa Pilipinas, at makapag adjust ang katawan ko. Pagkatapos ng linggong ito, handa na akong sasabak. Kaya ngayon, ihahanda ko muna ang isip, puso, at katawan ko— para sa panibagong yugto ng buhay ko. Isang yugto kung saan ako na mismo ang susulong — hindi na para sa nakaraan, kundi para sa kinabukasan. Sa gitna ng mga iniisip ko, unti-unti na rin akong dinalaw ng antok… hanggang sa tuluyan akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD