Capri's POV Pagkauwi ko sa aming mansion, dumiretso ako sa aking kwarto. Wala na ang aking mga magulang dahil nasa Dubai sila ngayon. Naligo muna ako bago nagsuot ng aking pajama. Sa totoo lang, hindi pa rin maalis sa aking katawan ang alaala ng ginawa ni Maxwell. Ang bawat hagod ng kanyang mga dila at kamay ay nanatili pa rin sa aking isipan. Hanggang sa ako'y makatulog, iniisip ko pa rin si Maxwell. Kinaumagahan, nagising ako sa katok sa aking silid. Tiningnan ko ang aking orasan — alas-siete treinta y singko na pala ng umaga — kaya bumangon ako upang tingnan kung sino ang nasa pinto. Pagbukas ko, nagulat ako dahil si Maxwell iyon. Akala ko panaginip lang. Bakit ang aga naman niyang pumunta rito sa bahay? sa isip-isip ko. "Good morning, sleepyhead. Kanina pa ako katok nang katok s

