"Writing contest?" gulat na tanong ni Katherine sa kanyang pinsan.
"Yeah at sasali ka dito. It's time para maipakita mo sa mga tao at sa kanila na hindi mo ninakaw ang akda na 'yon," pagpapaliwanag at pagbibigay nito ng motibasyon ni Arianne sa kanya."Tamang-tama kasama si Avril sa nasabing contest. Hamunin mo."
"Yeah, you are right. This is the time to shine. We can fight for this." Naging maaliwalas muli ang mukha ng dalaga sa magandang balita. Ito na ang panahon para mas lalo niyang patunayan na hindi siya manggagaya at mas lalo hindi magnanakaw ng gawa ng ibang tao para lang maging panalo.
"Tama 'yan, Kath. Tiwala sa sarili at lakas ng loob ang sandata," pagsang-ayon ni Arianne nang may karagdagang motibasyon para palakasin ang loob ni Katherine.
"For now, kailangan ko na paghandaan ang sarili ko." Kumuha ng damit ang dalaga sa aparador saka nagtungo sa banyo. "Teka, kailan nga pala ang contest?"
"Next week kaya mas makakapaghanda ka nang maayos. Ako na lang din pala magpapaalam kay lolo," wika ni Arianne.
"Sige, salamat Rian!" Ngumiti si Katherine sa kanyang pinsan bago niya isinara ang bathroom upang maligo. Kailangan niyang i-refresh ang sarili para makapaghanda.
SA KABILANG BANDA naman ay kasalukuyang kausap ni Avril ang isa sa kanyang mga tauhan. Nalaman niya kasing kasali din ang rivalry niyang si Katherine sa isang writing contest na gagawin next week. Hindi niya hahayaan ang babae na 'yon mahigitan siya ulit. Tanging siya lamang ang karapat-dapat na magaling na manunulat sa buong Pilipinas at wala ng iba.
"Anak, sino kausap mo?" tanong ng kanyang ina na si Melanie. "Bakit nakabusangot ka? Dapat nga eh masaya ka dahil unti-unti na natin siya matatalo at mapupunta na sa'yo ng nasa kanya?"
"Kausap ko si Bruno isa sa tauhan natin. Inutusan ko na maghanda na mga bata niya para pigilan si Katherine na 'yan!" wika ng dalaga nang inis sa kanyang mukha. "Sumali rin siya sa writing contest na gaganapin next week?"
"Ano?" gulat na gulat na sambit ni Melanie.
"Kaya, gumawa kaagad ako ng paraan para di siya makadalo." Nanatili pa rin kay Avril ang paghahamon kay Katherine. Ganoon siya kapag nadedehado lahat gagawin niya para makabawi at wala siyang pakialam kung may ibang tao man siya natatapakan.
"Ambisyosa talaga ang babaing 'yan! Lahat na lang ata kinukuha niya pati 'yong nararapat sa'tin?"
"Kaya nga Ma! Sa ngayon, hindi na siya magtatagumpay lalo na kukunin ko lahat sa kanya," pahayag ni Avril nang may pangagalaiting makuha lahat ng bagay na tinatamasa ni Katherine.
Si Avril ay bunsong anak nina Melanie at Gregorio Lhorin. Si Alicia Gail Lhorin ang panganay niyang kapatid na tumutulong din para maisaktuparan ang plano. Nagmula din siya sa mayaman na pamilya. Mechanical engineer ang kanyang samantala dating nurse ang ina ng dalaga. Nagkaroon ito ng violation sa dating hospital na pinagtatrabuhan noong dalaga pa kaya nawalan ito ng trabaho.
"Magtatagumpay tayo anak. Wala man ang lola mo dito, tiyak na matutuwa 'yon sa atin," aniya ng ginang na si Melanie.
Papunta na sana sila Katherine sa gaganaping writing contest nang may biglang humarang na kotse sa kanilang daraanan. Naalarma si Gabriel pati kasamahan nito kaya nagawa nilang niloko ang sasakyan subalit nagpaputok ng b***l ang mga armadong lalaki. Biglang nawala sa sarili Katherine sa narinig niyang 'yon.
"Kath, magpakatatag ka. Takpan mo lang mga tainga mo. Huwag mo papakinggan ang mga putok ng b***l. Sasali ka pa sa contest, remember?" Pagpapakalma sa kanya ni Arianne.
"Tama siya. Please!" Habang hawak ni Denzel ang pagkabilang pisngi ni Katherine. Napansin din iyon ni Gabriel dahilan muntikan na siyang mabaril ng mga kalaban.
"Mabuti pa lumabas na kayo habang nakikipagbarilan kami sa kanila. Baka, mahuli si Ma'am Katherine sa competition," suwestiyon sa kanila ni Patricio. "Kami na lang ang bahala ang importante makarating kaagad kayo."
Bago sila lumabas, pinalsakan ni Denzel ng headphone si Katherine at nilagyan niya ito ng musika upang di marinig ng dalaga ang mga putok ng b***l. Ngumiti ang binata saka niya inalalayan ang kaibigan na makalabas kasunod ni Arianne.
Habang patuloy silang tumakas ay nilapitan ni Gabriel ang mga ito. "Mauna na kayo, kami na ang bahala," wika niya nang may kalungkutan sa kanyang mga mata. "Mag-iingat kayo." Tumitig siya sa dalaga na may nakakabit na ng headphone. "Sige na umalis na kayo."
Masyadong marami ang kalaban kaya hirap silang makatakas. Napansin ni Katherine ang oras sa kanyang phone. Iyon na ang simula ng patimpalak. Tinulungan sila ni Yael na makalusot subalit masyadong mabibillis ang mga kalalakihan na nakasuot na itim na coat, bonnet at maskara. Tila mga gangster ang mga ito. Halos trenta minuto pa ang pamamalagi nila sa lugar bago nakatakas.
Sumakay sila ng bus subalit naabutan nila ang biglang pagsikip ng trapiko. Di mapakali si Katherine sa kanyang kinauupuan.
"Tiwala lang, Kath! Makakarating din tayo sa competition," pagbibigay motibasyon ni Arianne sa kanya.
Nang makarating na sila sa venue ng patimpalak, napansin na nilang nagsisilabasan na ang mga tao. Balak pa sana nilang pumasok sa loob subalit natigilan nang makasalubong sina Avril at ang ina nito na si Melanie.
"Oh, you're late!" wika ng dalaga nang may pang-iinis sa kanyang boses. "Bakit ngayon lang kayo dumating?" Nagawa pang tumawa ni Avril.
"Di ba sinabi sa inyo na alas-otso ng umaga ang oras ng competition?" dagdag pa ng ginang na si Melanie.
"Kung wala sanang humarang sa amin kanina, eh di sana nakapunta kami ng mas maaga!" direktang saad ni Katherine habang nagpipigil ng kanyang galit.
Kung walang nangyaring aberya, maaabutan niya ang kompetisyon na iyon at tiyak sana niyang matatalo si Avril.
"Oh! Kasalanan ba namin na hinarang kayo ng mga lalaki? Baka naman kasi may atraso kayo," muling pahayag ni Mrs. Lhorin.
Tinignan lamang ni Katherine nang may pang-uuyam ang mag-ina, "Kung wala rin sana nag-utos. Di ko nga alam kung bakit takot na takot sila na makasali ako sa competition na 'yon."
Dahil sa sinabi niya biglang nawala ang malapad na ngiti sa ina. Naibalik nila kaagad 'yon pero di na tulad ng kanina.
"Contest lang naman pero parang may dala akong delubyo na kapag sumali iigting kanilang mga panga at mangangawit mga dila," pahayag ni Katherine na may kasamang diin sa dulo.
Tinaasan ng kilay ni Arianne sina Avril at Melanie na sinasabing di nila susukan ang mga ito.
"Kami? Hahaha!" Natatawa lamang sabi ni Avril ngunit nagpupuyos na siya ng galit. "Bakit kami matatakot lalo na kung wala naman kaming tinatago at higit sa lahat kinatatakot?" Buong tiwala sa sarili pang tugon ng dalaga kay Katherine.
"Mabuti pa, Kath bumalik na lang tayo. Huwag na natin pag-aksayahan pa sila ng oras," bulong ni Denzel kay Katherine.
"Sana nga, kayang panindigan mga sinasabi niyo ngayon," huling sambit ni Katherine saka tinalikuran ang mag-iina.
"See you soon, Miss Katherine Grace Yuzon!" dinig ng dalaga na may pagdiin sa kanyang apelyido.
Hindi na niya binalak pang lingunin iyon at diretso na lamang sila sa paglalakad. Mga ilang sandali ay may biglang tumigil na sasakyan. Lumabas sila Gabriel mula sa kotse.
"Ano nangyare?" biglang tanong ni Alfred sa kanila.
"Di namin naabutan," sagot ni Arianne.
Kitang-kitang sa mukha ni Katherine ang pagkadismaya. Kaagad na lamang siya pumasok ng kotse. Nagtinginan na lamang din sila Denzel.
"Kumain na lang muna siguro tayo at magpalamig," suwestiyon niya.
Balak nanaman sana ni Gabriel na tumanggi subalit nang makita niya sa mukha ni Katherine ang dissapointment ay isinantabi na lamang niya 'yon.
"Kung gayon, let's go!" wika ni Yael at sabay-sabay silang pumasok sa sasakyan pati ang iba pang bodyguards na sa kabilang kotse.
"Are you alright?" tanong ni Denzel kay Katherine na nakatitig lamang siya sa bintana ng kotse.
"OK lang ako," maikling sagot ng dalaga na napipilitan lamang ng ngiti.
"Makukuha din natin ang hustisya." Hinawakan ni Denzel ang ibabaw ng ulo ni Katherine.
Napansin 'yon ni Gabriel dahilan para di siya mapalagay sa kanyang kinauupuan. "Ahm!" singit niya. "Saan niyo gusto pumunta? Di ko kayo pagbabawalan ngayon."
Gulat na napatingin si Arianne sa kanya at lumipat ang tingin nito kay Katherine at Denzel.
"Parang may napapansin akong kakaiba sa tatlong ito ah, hmm!" bulong niya sa sarili na may konting pagngiti sa kanyang mukha. "Ako kahit saan pero si Kath pa rin masusunod kung saan niya gusto," dugtong niya.
"Siguro sa mall na lang," suwestiyon na lang ni Denzel dahil alam niyang di iyon masasagot ni Katherine.
"OK!" maikling sagot ni Gabriel.
Naging tahimik na lang din sila hanggang sa makarating sa isang mall. Kumain sila isang kilalang fastfood chain at halos isang oras din sila tumambay doon. Naglakad-lakad sila at naglaro saglit. Pagkatapos, napagdesisyon nilang umuwi na ng mansion.
Sina Katherine at Denzel na lamang ang naiwan samantala nagsialisan muna ang iba nilang kasama.
"It will be alright, Kath!" saad ni Gabriel habang niyayakap ang dalaga. "If you need something, just text or call and I will respond immediately."
Bumitaw na ang dalaga mula sa kanyang pagkakayap sa binata. "Thank you, Denz. Minsan, naguguluhan ako kung ano na susunod na gagawin ko."
"Just relax for now and think about it in another day. Baka mamaya niya atakihin ka nanaman ng anxiety mo," pagpapaalala sa kanya ni Denzel dahilan para kumunot ang noo nito.
"How did you know that?" Nagtatakang-tanong ni Katherine sa kanyang kaibigan. Kahit minsan di pa niya sinasabi dito na may ganoon siyang kalagayan maliban lamang sa pagkakaroon niya ng phobia sa mga putok ng b***l at dugo.
"Sinabi kasi sa akin ng lolo mo dati," sagot lamang ng binata.
"Ok! Sorry, kung di ko na sinabi sa'yo. Ayaw ko lang maging burden pa sa ibang tao eh," paliwanag ni Katherine kay Denzel.
"Hindi ka naman pabigat sa'kin, Kath. I'm your friend and my responsibility to take care of your health." Napangiti naman ang dalaga sa salitang binitiwang ng binata sa kanya.
Natigilan ang kanilang usapan nang biglang sumingit sa kanila si Gabriel.
"Sige, Kath. Pumasok ka na sa loob at magpahinga ka na. See you next time na lang." Hinalikan sa pisngi ni Denzel si Katherine bago ito nagpaalam sa kanya at sumakay ng kotse.
Nang makaalis na ang kaibigan, bumalik na rin ang dalaga sa kanyang silid habang nakasunod sa kanya si Gabriel.
Huminga nang malalim si Katherine bago muling kausapin ang binatang bodyguard niya, "Sige na, pumanhik ka na rin sa kwarto."
"Hihintayin ko muna ikaw makapasok bago ako umalis." May otoridad na sambit ni Gabriel kay Katherine.
"Fine, I have to go. I'm so tired na para makipag-debate pa sa'yo." Pumasok na nga ang dalaga sa loob ng silid at medyo matamlay ang paglalakad nito.
Napagdesisyunan na rin ni Gabriel pumanhik sa kanyang kwarto upang makapagpahinga na rin.
SA KABILANG DAKO, tawang-tawa lamang ang mag-iina habang nagsi-celebrate sa gumana nilang plano.
"Cheers!" wika ni Melanie sa dalawang anak na sina Avril at Alicia.
"Two of you are excellent," sambit ni Alicia saka ininom ang alak na bagong salin pa lamang.
"Kami pa ba?" Buong tiwala sa sariling tugon ni Avril sa kanyang bunsong kapatid. "Kung nandito lang sana si lola, matutuwa siya."
"Kaya naman natin ito ginagawa para sa kanya di ba? Mabawi rin natin lahat na para sa kanya," muling saad ni Melanie. "Ako ang unang nakasaksi kung gaano nahirapan ang lola niyo."
"Pero sa ngayon, we need to chill and proceed to the next plan. Ewan ko na lang kung magkauga-uga pa ang bwisit na babaing 'yon kundi magpasikat," wika ni Avril.
"Kaya tamang uminom muna tayo to celebrate the first successful plan," sambit ni Melanie habang sinasalinan niya ng alak ang baso ni Avril.
"Cheers!" sigaw ni Alicia at sabay muli nilang nilagak ang champaigne sa mesa nang may kasamang pulutan.
Sabay-sabay silang tumawa habang iniisip ang nagawang plano nila na maudlot ang pagsali ni Katherine sa contest at kung gaano ito nadismaya. Gagawin lahat ng mag-inang Lhorin makaganti lang sa mga Yuzon at makuha ang para sa kanila.
Kasalukuyan namang nagtitipa si Arianne sa kanyang laptop ng kanyang password sa facegram. Naroon din sa tabi niya si Katherine at nakatutok sa phone nito. Malalim ang iniisip at 'yong dating ngiti na nakikita niya parati sa kanya ay napalitan ng lungkot.
"OK ka lang?" Napatanong tuloy siya buhat ng pag-alala sa kanyang pinsan.
Nilingon siya nito nang dahan-dahan, "Ayos lang. Naghahanap ako ng mga writing contest na pwedeng salihan ulit. Sinusubukan kong sumali pero parati akong nire-reject." Dinig na dinig ni Arianne ang malakas na buntong-hininga ni Katherine na tila napapagod na sa kakahanap ng mga sasalihang patimpalak.
"Makakahanap ka rin. Tiwala lang." Pagmo-motivate na lang niya rito at napatitig siya muli sa kanyang phone.
Mga ilang sandali pa ay natigilan si Arianne sa kanyang mga nababasa sa mga posts at comments. Nakita niya rin ang pag-upload ng litrato nila sa Facegram.
Nakaramdam siya ng pagkainis, "Impakta ang gumawa nito ah!" saad niya lamang sa isip dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang nararamdaman ni Katherine.
Hindi siya mapakali at sinubukan na rin niyang iwasan ang mga posts subalit mas tinamaan siya sa mga pagmumura at paghuhusga nito sa kanyang pinsan.
Nagtangis kanyang mga ngipin sa sobrang gigil sa mga ito, "Sobra na talaga kayo. Walang ginagawa na masama sa inyo si Katherine!" sambit niya sa kanyang isip. "Hays. Kung alam niyo lang."
Napansin ng kanyang katabi ang pagbabago ng expression ng kanyang mukha, "What's happening, Rian?"
Naglilipat ang tingin ni Arianne dahil di niya alam ang isasagot dito. Napalunok siya ng laway.
"Hey!" sambit pa ni Katherine sa kanya.
Kaya, wala siyang ginawa at ipinakita pa rin sa kanyang pinsan ang mga nabasa. Ayaw na niyang ilihim pa ito.
Inabot ni Arianne ang phone kay Katherine, "Naiinis ako sa mga posts and comments!"
Halos di rin makapagsalita ang dalaga sa kanyang mga nabasa. Natulala at napaluha dahilan para mabitawan ang phone ni Arianne.
"Sorry, Kath. Dapat sana hindi ko na lang ipapakita 'to sa'yo dahil ayaw ko nang masaktan ka pa," paliwanag ni Arianne sa kanya.
"Ayos lang, Rian," saad ni Katherine na tila walang nangyari. Sumandig siya sa pader at inangat ang kanyang ulo. "Sirang-sirang na ako sa mga tao. Di ko na alam kung paano pa ako haharap sa mga fans ko," naluluha pa ring sambit ni Katherine.
Inalalayan ni Arianne ito para mapahinahon kahit sandali, "Kung talagang loyalists man sila di nila 'yon pakikinggan dahil mas nanaig sa kanila ang tiwala nila sa'yo, Kath. Kahit anumang paninira 'yan, kung totoo at sincere sila sa'yo mas paniniwalaan ka nila na kahit walang anumang paliwanag galing sa'yo. Ganyan ang tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa'tin," payo niya pa sa kanyang pinsan kaya medyo gumaaan kahit papaano ang pakiramdam nito.
Ngumiti ng pilit si Katherine at pinunasan ang luha ng kanina pang tumutulo mula sa kanyang mga mata, "Salamat, Rian!"
Mga ilang sandali ay may biglang kumatok ng dalawang beses sa pintuan ng kwarto. Si Arianne na mismo ang nagbukas at bumungad sa kanya si Alfred.
"Oh, Kuya Fred!" sambit niya na may gulat sa kanyang mukha nang may paglilipat ng kanyang tingin kay Katherine.
"Si Ma'am Katherine?" tanong ng binata sa kanya.
"Nandito, bakit?" balik din na tanong ni Arianne kay Alfred.
"Pinatatawag siya ni Sir Rodelio sa office," direktang sabi ng binata sa kanya.
"Bakit?" singit at biglang tanong rin ni Katherine kay Alfred.
"May pag-uusapan daw kayong importante," sagot ng binata.
"Sige, pupunta na'ko," walang alinlangang tugon din ng dalaga sa kanyang assistant bodyguard.
"Sige po, Ma'am Katherine." Nagpaalam na ito kaagad sa kanila at muling sinarado ang pintuan.
"Teka, mag-ayos ka muna," mungkahi ni Arianne kay Katherine. "Magsuklay ka ng buho mo tapos maglagay ka ng pulbos sa mukha."
Limang minutong lumipas ay kaagad nang nakalabas ng silid si Katherine at nagtungo sa nasabing opisina. Huminga siya nang malalim bago muna kumatok.
"Come in!" Dinig niyang tugon ng kanyang lolo.
Wala siyang kaalam-alam na nakauwi na pala ito. Balak pa sana niyang tanungin si Kuya Fred niya subalit nakalimutan niya 'yon.
"Maupo ka." Kaagad lamang sumunod si Katherine at walang balak na magsalita kaagad.
Malalim din ang hinugot ni Mr. Rodelio bago magsalita at napansin kaagad iyon ng dalaga, "This. Tignan mo..."
Napitlag si Katherine sa kanyang nakita at halos di makatingin sa kanyang lolo.
"Hindi ko alam kung paano nangyari ito pero nais kong itanong kung bakit di mo sa'kin sinabi ang tungkol dito, Katherine?" Kitang-kitang sa mukha ng matandang lalaki ang pagkainis sa kanyang mga nababasa at pagtatampo dahil di kaagad sa kanya ipinaalam ng kanyang apo. Naglihim ito sa kanya.
"Kailan pa 'to ah?" muling tanong sa kanya. "Balita ko nga na sumali ka raw sa isang writing contest pero huli na kayong dumating dahil may mga lalaking humarang sa inyo."
"I'm sorry, Lo. Ayaw ko lang kasi madagdagan pa ang iniisip niyo kaya di ko kaagad sinabi," paliwanag ni Katherine nang nakayuko kanyang ulo. "Sasabihin ko naman po sana pero humahanap lamang ako ng tiyempo na kung kailan at paano ko sasabihin sa inyo."
Napabuga ng hangin si Mr. Rodelip sa kanyang narinig, "Eh di sana nabigyan na kaagad ito ng solusyon, Katherine kung sinabi mo kaagad."
"I'm sorry talaga, Lolo..." Naluluha pang saad ni Katherine.
Napahawak sa ulo ang matandang lalaki sa mga nangyayari sa kanyang apo, "OK, bukas na bukas kakausapin natin magiging abogado mo tungkol dito sa kaso."
Nanlaki ang mga mata ni Katherine, "Ayaw kong makulong, Lo!"
"Kaya nga kakausapin natin si Mrs. Abella tungkol sa isyu." Paglilinaw ni Mr. Rodelio kay Katherine. "Sinabi ko naman sa'yo di ba hangga't nabubuhay ako apo, I will do everything for you. Hindi kita hahayaan na makulong at patuloy na alipustahin ng iba dahil sa maling akala."
Nagawang patahanin ng matandang lalaki si Katherine, "We will fight for this apo. Trust me. Huwag mo nang i-pressure masyado ang sarili mo, ok? Dahil baka umatake nanaman ang anxiety mo at hindi natin maiaasikaso ang problema."
Matapos nilang mag-usap nang kanyang lolo ay kaagad siyang naglakad pabalik ng kanyang silid. Nakasalubong niya si Gabriel. Nakatitig lamang ito sa kanya. Sinamaan naman niya ng tingin ang binata. Hindo niya ito pinansin dahilan para magtaka ang lalaki.
"May problema ka ba sa'kin?" Sa halip na sagutin ay tinalikuran ni Katherine ang binata. Hinarangan siya nito sa kanyang daraanan. "Ano nanaman ba 'to, Miss Yuzon?"
"Sa tingin mo ano nga ba?" sumagot na rin ang dalaga.
"Hindi ko maintindihan." Naguguluhang pahayag ni Gabriel sa kanya.
"Sinumbong mo nanaman ako kay Lolo. Di ba sinabi ko naman sa inyo na hayaan ako na mismo magsabi sa kanya?" giit ni Katherine.
"Ano? Hindi kita sinumbong. Iyan ang totoo." Pag-amin ng binata sa dalaga. Wala naman siya talagang sinabi kay Mr. Rodelio. Pinilit niyang manahimik at hinayaan niyang si Katherine na lang mismo ang magsabi.
"Di ako naniniwala..." tinalikuran siya nito at nagmadaling pumasok ng silid nang di pa napapakinggan kanyang sunod na paliwanag.
Napasapo na lang ng noo si Gabriel at dahan-dahang naglakad papunta sa kanyang silid. Ewan niya ba sa sarili, kung ba't siya nagkakaganito ngayon. Halos di siya mapalagay nang magtalo sila ni Katherine na di tulad noon na ayos lang sa kanya.
Pagsapit ng gabi ay nagtungo ang binata sa isang terrace nang mansion matapos niyang kumain ng gabihan.
"Hey, nandito ka lang pala!" wika ni Yael kay Gabriel nang napansin niyang mag-isa lang ito at tila malayo ang iniisip. "Nagtalo nanaman ba kayo ni Ma'am Katherine?" Napansin din kasi ng binata noong binuksan niya ang pintuan ng kanilang kwarto. Hindi inaasahang nakita niya ang eksena na kung saan nagdidiskusyon sina Gabriel at Katherine.
"Akala niya kasi ako nagsumbong sa lolo niya tungkol doon sa isyu na nangyari noong mga nakaraang araw," paliwanag niya sa kanyang kapwa bodyguard din na tumabi rin sa kanya.
"Ah kaya pala, pero lilipas din 'yan. Alam naman natin na di biro kay Ma'am 'yong nangyari sa kanya kaya mas nanaig sa kanya ngayon 'yong init ng ulo di ba?" aniya ni Yael. "Mabait naman 'yan si Ma'am Katherine parehas ng mama niya."
Napatangu-tango na lang si Gabriel sa kanyang narinig. Sabay-sabay na rin silang dalawa naglakad pabalik ng kanilang mga silid para makapagpahinga.
Pagkaraan ng mga araw ay di pa rin nagpapansinan ang dalawa- Gabriel at Katherine dahilan para mapansin ito ni Mr. Rodelio.
Sa ngayon kumakain na rin sila ng dinner at kakarating lang din galing sa isang law office. Nakipag-usap sina Katherine at kanyang lolo sa kilala nilang abugado. Nabanggit nga ang tungkol sa isyung binibintang sa kanya. Kailangan lang talaga niya ng matibay na ebidensya para mapatunayang wala siyang ninakaw na anumang intellectual properties mula sa isang writer.
Naupo na rin ang dalaga kasabay ng kanyang lolo para kumain.
"May alitan ba kayong dalawa?" tanong ni Mr. Rodelio kina Gabriel at sa apo niyang si Katherine.
Napapansin niya kasing di nagkikibuan ang dalawa na dati nag-uusap pa mga ito.
Malayo na rin ang inuupuan ng dalaga mula sa binata na ito parati ang katabi niya sa pagkain.
Wala isa sa dalawa ang sumagot kaya naman muling nagsalita ang matandang lalaki, "Katherine?" pagbanggit muli sa pangalan ng kanyang apo.
"Ilang araw na lang birthday ko na at dapat magkabati na kayo," wika pa ng matandang Yuzon. "Huwag na huwag niyo ireregalo sa'kin 'yang alitan niyong dalawa ah baka makutusan ko kayo pareho." May halong pagbabanta niya sa mga ito subalit isang panakot niya lamang 'yon sa dalawa.
"Pasensya na po Sir Rodelio. Nagkaroon lang ng kaunting misunderstanding," si Gabriel na mismo ang sumagot.
"Misunderstanding, bakit?" tanong ni Mr. Rodelio sa kanila na kahit napapalibutan sila ng iba pa pang kasama.
Napatingin-tingin lamang si Arianne sa kanyang paligid at walang balak na magsalita na kahit alam niya ang buong kwento. Ganoon rin ang iba pa. Tahimik lamang na kumakain at wala balak na makialam pa sa di pagkakaunawaan nina Gabriel at Katherine.
Uminom muna ng tubig ang binata saka muling nagsalita, "Inaakala niya po kasi na ako raw po ang nagsumbong sa inyo tungkol doon sa isyu."
Inilahad na nga ng binata ang totoo kung bakit hanggang ngayon malayo na ang loob nila sa isa't isa ni Katherine.
Napabuntong hininga si Mr. Yuzon sa kanyang narinig, "Walang sinumbong sa akin si Mr. Bustoz, apo. Ni-report lang sa'kin 'yon ng secretary kong si Warren."
"Di ako naniniwala..." sagot ni Katherine.
"Totoo ang sinasabi ko apo," Pagpapatunay sa kanya ng matandang lalaki.
"Pasensya ka na, Lo pero di pa rin ako naniniwala na di siya." Pagtukoy ni Katherine kay Gabriel. "Dahil noon pa man loyal na siya sa inyo na kahit anong tungkol sa'kin ire-report niya pa rin sa'yo." Tumayo na ang dalaga matapos maubos na niya ang pagkain sa plato. "Magpapahinga na po ako."
Naglakad na ng mabilis ang dalaga palayo sa dining area habang tinatawag pa siya ng kanyang lolo.
"Katherine, di pa tayo tapos mag-usap. Bumalik ka rito!"
Napabuntong-hininga nanaman si Mr. Rodelio sa biglang inasal ng kanyang apo. "Napakatigas pa rin ng ulo niya."
"Kakausapin ko na lang ulit siya Sir," suwestiyon ni Gabriel sa kanya.
"Mabuti pa nga Mr. Bustoz. Kaya mo naman siguro suyuin siya di ba?"
Tumango lamang si Gabriel bilang tugon. Napatitig sa kanya si Arianne pati sina Alfred at Yael na kapwa may iniisip nanamang kalokohan.
Alas-diyes ng gabi ay katatapos pa lang kausapin ni Katherine si Denzel. Napansin ito ni Gabriel sa kabilang kwarto gamit ang CCTV camera. Ngayon, balak na niyang kausapin ito. Wala siyang pakialam kung magalit ulit si Katherine sa kanya atleast sinubukan niya itong kausapin nang masinsanan.
Huminga siya ng malalim bago may pinindot sa dingding ng kanyang kwarto. Nagulat lang di si Katherine nang biglang bumungad sa kanya si Gabriel.
"What are you doing here?" Gulat na na gulat ng tanong ng dalaga habang nanatili lamang pagtitinginan nila ng kanyang personal bodyguard.