Lumapit si Gabriel at umupo sa dulo ng kama ni Katherine. "Ano kailangan mo?" Tinarayan pa siya ng dalaga. Ilang segundo pa bago muling sinubukan ng binata na magsalita, "Gusto ko na sana makipagbati sa'yo. Di dahil sa gusto ng lolo kundi dahil sa pinagsamahan na rin natin." Tinawanan lamamg siya ni Katherine, "Pinagsamahan? Paano tayo nagkaroon ng pinagsamahan?" Napasapo nanaman ng noo si Gabriel sa ugali ng babaeng nasa harapan niya. "Wala nga ba?" tanong na lang niya sa dalaga. "Wala naman talaga eh!" Pagtanggi pa rin sa kanya nito. "Eh kahit wala, di man lang ba tayo magkakasundo?" pahayag ni Gabriel na pilit niyang maging maayos na sila ni Katherine. "Totoo naman kasi na hindi kita sinumbong dahil ayaw ko ng nagagalit ka pa sa'kin." May bahagi sa puso ng dalaga na dapat maniw

