CHAPTER SIXTEEN

2078 Words

PAGKAALIS ng mga bagong estudyante sa surfing ni Ryan na sina Millie at Celine ay siya naman ang sumalang sa panandaliang shower bago inaya si Vince na kumain muna bago sila umuwi ng bahay niya. Hindi kasi siya nakapagluto kanina at sa shop na siya kumain habang hinihintay ang dalawang babae para sa unang araw ng pagtuturo niya sa mga ito. Matapos maghabilin ng ilang bagay sa tauhan at ipatago ang surfing board niya ay magkapanabay na sila ni Vince na naglakad papunta sa paborito niyang karinderya. He didn’t even bother wearing a shirt and opted to wear just his aqua blue colored board shorts. “Tuloy ba ang alis mo next month? Hindi ka na ba talaga namin mapipigilan?” mayamaya ay tanong sa kaniya ni Vince. He chuckled. “Ang bilis talaga ng balita,” naiiling at sarkastikong wika niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD