EXCITING. Iyon ang akmang deskripsyon ng naramdaman ni Millie sa unang araw ng pag-aaral niya ng pagse-surf. Pinauna na muna niya si Celine na tutukan ni Ryan para sa pag-refresh ng basic knowledge nito sa surfing at palibhasa’y matagal din kasing hindi nakapag-surf ang pamangkin niya kaya medyo nangapa ulit ito sa balancing and lying sa surf board. Hindi rin naman nagtagal ay nakuha na ni Celine ang tiyempo sa pagbalanse. Hinayaan na ito ni Ryan nang dumating si Vince, ang ipinakilala ni Ryan na kaibigan daw nito na lifeguard rin sa hotel. Ito ngayon ang siyang nakaalalay sa pamangkin niya for safety and security na rin. At dahil wala siyang kaide-ideya sa pagse-surf kaya from the scratch talaga ang pagtuturong ginawa sa kaniya ni Ryan. Three hours and session nila araw-araw at napagkasu

