CHAPTER ONE

3187 Words
MILLIE looked at her reflection in the mirror and flashed a smile. It has been her habit to paint a playful grin on her face before going out of her room. That was the promise she made to her father before he passed away two months after losing her mother to lung cancer.  Sabi ng Tita Dulce niya, ang best friend ay doctor ng mommy niya, her dad suffered from a ’heartbroken syndrome’ two weeks after her mother had passed, which eventually lead to a more serious heart condition, and eventually, a heart attack. In a matter of two months, she lost her parents and became an orphan at the tender age of sixteen. And it happened just last year. Pinaglapat niya ang mga labi niya para pantayin ang pagkakalagay ng lip tint sa labi niya bago muling sinipat ang sarili. Iginuhit niya ang signature smile niya bago tuluyang lumabas ng silid niya habang sukbit ang itim na knapsack sa likod niya.  “Good morning, lolo,” bati niya kaagad sa abuelo niyang si Don Felipe de Cartajena habang kasalukuyan itong nagbabasa ng diyaryo at nakaupo sa upuang bakal na nasa gitna ng garden ng mansyon ng mga de Cartajena. Humalik siya sa pisngi nito bago siya umupo sa katapat nitong upuan samantalang kinuha naman ni Manang Lody ang bag na sukbit niya at inilagay sa mahabang upuan na naroon din sa garden.  Ibinaba ng abuelo niya ang tangan na diyaryo at saka ngumiti sa kaniya. “How’s my única nieta? You were already asleep when I came home last night, that’s why I didn’t wake you up,” malambing na pahayag nito habang hinahati ang hotdog na inihain ni Manang Lody rito bago iniabot sa kaniya at kinuha naman ang platong nasa tapat niya at ang hotdog na naroon naman ang hinati. “I’m good, lolo. Late na rin pong umuwi sina Pinky at Kuya Gani kagabi kaya po siguro nakatulog ako kaagad pag-alis nila,” tugon niya patungkol sa pinsan at best friend niya na nakatakdang ikasal dalawang linggo mula ngayon. Sumubo siya ng hotdog at pancake bago nginitian si Manang Lody pagkasalin nito ng fresh juice sa baso niya. Tumango-tango ang lolo niya habang ngumunguya bago ito uminom ng juice at muling nagsalita. “I met a young man that fits you, mi nieta,” imporma nito sa kaniya bago siya tinitigan nang makahulugan.  Matamis niya itong nginitian at saka nagpatuloy sa pagkain habang tumatango. As much as possible, she doesn’t want to discuss anything about her future arranged marriage just yet. Yes, she already knows that whether she likes it or not, it will still occur just like what happened to everyone else in her family, including her late parents… and the only question is when. She swallowed her food and heaved a sigh. Even when she was young, she was already aware that her destiny is to marry someone her grandfather will choose for the sake of their wealth and not because of love. Well, perhaps might happen after marriage just like how it was for her parents. Who knows, right? Well, she is okay with that. Who cares? As long as she will maintain her lifestyle and her liberty, she is fine with the arrangement. “I will arrange a date for you to meet him—” “Oh-oh, lolo, I’m sorry. I will be late na for my class,” putol niya sa sinasabi ng abuelo niya saka nagmamadaling tumayo at ininom ang fresh juice bago muling humalik dito. “Manang, my bag, please,” baling niya sa matandang katiwala na mabilis namang isinukbit sa balikat niya ang itim na knapsack. “Bye, ‘lo,” paalam niya at saka tumakbo palabas ng garden bago pa man ito makapagsalita. Wala nang nagawa ang matanda kundi ang humugot ng hininga at saka pahabol na nagpaalala sa kaniya nang mumuntikanan na siyang madapa sa pathway dahil sa pagmamadali. “Be careful, hija!” Nag-wave lang siya at saka ngumiti rito pagharap niya rito bago muling pumihit at nagpatuloy sa pagtakbo papalabas ng hardin. “Senyorita, dahan-dahan!” nanlalaki ang mga matang wika naman ni Mang Gaston na agad na tumayo mula sa pagkakasandal nito sa gilid ng puting kotse na nakatoka sa kaniya habang si Jason, ang personal bodyguard naman niya, ay nagtataka siyang tiningnan habang papalapit siya sa mga ito mula sa bungad ng garden na nilabasan niya. Atentibo rin nitong binuksan kaagad ang pintuan ng backseat ng sasakyan nang mahalata ang pagmamadali niya. “Let’s go, let’s go!” mabilis na yaya niya sa dalawa at saka kaagad na pumasok sa backseat ng kotse. Pagkasara ni Jason ng pintuan ay sumakay ito kaagad sa passenger seat. “Let’s go na, Mang Gaston!” apuhap niya kay Mang Gaston na pinasibad naman kaagad ang sasakyan nang tapikin niya ang likuran ng upuan nito. “Aba, eh, ‘di ba’t alas-otso pa ang pasok mo, senyorita?” nagtataka namang paniniguro ng matandang driver na tiningnan pa siya sa rear-view mirror.  “Yes, manong…” tugon at kumpirma niya bago kinuha ang bote ng tubig na ibinigay sa kaniya ni Jason. “Thanks,” aniya saka iyon ininom. Hapong-hapo talaga siya kaya habol pa rin niya ang paghinga niya. “O, eh, bakit ka nagmamadali?” nagugulumihanang tanong ng matanda sa kaniya. Itinirik niya ang mga mata niya saka pinunasan ang mukha at leeg niya nang bigyan naman siya ng tissue ni Jason. Binati pa niya ang ilang tauhan na noon ay kasalukuyang nagti-trim ng mga hedgerow na nasa dalawang bahagi ng rough road sa loob ng hacienda mula sa entrada. “Thanks,” sabi niya kay Jason nang iabot nito sa kaniya ang kahon ng tissue. Kumuha siya ng ilang piraso ng tissue at saka niya pinunasan ang noo at leeg niya. Muli niyang ibinigay kay Jason ang ginamit niyang tissue bago siya sumandal sa upuan at nakabusangot na nagpatuloy. “Grandpa finally found a match for me,” imporma niya sa dalawang lalaki bago niya pinagkrus ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib niya at saka ipinukol ang atensyon sa labas. Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki na bahagya na lang nagulat sa sinabi niya at pinili na lamang manahimik. Alam kasi ng mga ito ang sitwasyon niya… ng pamilya niya, pagdating sa usapin ng pag-aasawa, dahil na rin sa tagal ng pagsisilbi ni Mang Gaston sa pamilya de Cartajena, na sigurado siyang hindi na rin lingid kay Jason. Pagkaparada ni Manong Gaston ng sasakyan sa parking space nila sa Xavier Hills University ay kaagad na umibis ng sasakyan si Jason at pinagbuksan siya ng pintuan.  Akmang susunod ito sa kaniya nang tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “Kuya Jay, do you want Ms. Sandie to scream at us again? She clearly told you not to come with me to her class, remember?” pagpapaalala niya sa bodyguard niya ukol sa nangyari noong nakaraang linggo nang makita ng mataray na professor niya sa Modern Arts and Literature na nasa loob ng klase si Jason. Katakot-takot na sermon ang inabot nila ni Jason dahil doon at ang ending, pareho silang napalabas ng proferssor niya dahil hindi pumayag si Jason na iwan siya nito sa loob. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay isang linggo ring wala si Ms. Sandie dahil sa in-attend-an nitong conference at ngayon lang ulit makakapagturo. Humakbang palapit sa kaniya ang lalaki na 6’4” ang height at may matipunong katawan bago siya iginiyang muling maglakad.  “Ang sabi ng teacher mo, hindi ako puwede sa loob. Hindi naman niya sinabing hindi ako puwedeng magbantay sa labas, ‘di ba?” katwiran naman nito na walang kahit na anong bahid ng ngiti sa labi.  Jason was hired by her father after she lost her mother. Naging medyo paranoid na rin kasi ang daddy niya at gusto nitong makasigurado na palagi siyang may bantay ano mang oras. Jason is such an eye-candy. Guwapo talaga ito, as in! Nasa late thirties na ito at isang retired navy officer. Balo na ito at walang anak ayon sa kuwento ni Mang Gaston. Biro pa nga ng matandang driver niya ay tila tuod na nga raw ito dahil para daw walang pakiramdam kapag may mga babaeng interesado rito. Ngumuso siya at nagpakawala ng hininga. Hindi naman siya makakapangatwiran dito dahil alam niyang pinoprotektahan lang siya nito lalo na nang sugurin siya at sabunutan ng isang schoolmate niya at pinaratangan siya na mang-aagaw ng boyfriend ilang buwan na ang nakararaan. It turns out that it was not her, but one of her classmates. Kung hindi lang siya naawa sa nanay ng babae, ipapakulong talaga niya ang anak nito dahil nagkaroon siya ng gasgas sa braso at hita nang bumagsak sila pareho sa kalsada. Nagpasensya rin sa kaniya ang classmate niya dahil nadamay siya sa kalandian nito. “Don’t say that I didn’t warn you,” banta niya rito saka mabilis na nagmartsa patungo sa College of Arts building para sa first subject niya. And as expected, hindi nakaligtas sa mainit na mata ng professor niya si Jason nang makita ito sa hallway na nakasandal sa pader sa tapat ng classroom niya.  “I don’t care if your boss is the President of the Philippines. Here, in my class, I’m the boss. Kaya ‘pag sinabi kong walang istorbo sa klase ko, it means, ayoko ng may istorbo sa klase ko,” mataray na wika ng professor niya kay Jason na hindi man lang natinag sa sinabi ng babae. Mangani-ngani niyang puntahan ang dalawa ngunit pinigilan siya ni Pinky. Kilala kasing terror si Ms. Sandie at ayaw niyang maapektuhan ang grades niya dahil lang sa katigasan ng ulo ni Jason. “Do you wanna die? Look at Ms. Sandie’s face. Kulang na lang, eh, kainin niya si Kuya Jay, oh…” Nanlaki pareho ang nga mata nila sabay tingin ulit sa dalawa na tila ba nagtatagisan ng tingin. Ilan sa mga kaklase na rin nila ang sumilip sa pintuan para makiusyoso. “Do you also think so?” bulong niya sa kaibigan na tila ba nabasa ang nasa isip niya na tumango bago sila muling tumingin sa mga ito at sinabayan ito sa pagtango. “I think so too.”  Nangunot ang noo niya pagdaka’y isang makahulugang ngiti ang sumilay sa mga labi niya nang makita ang impit na ngiti ni Jason habang matamang nakatingin sa nagtataray na professor niya. “Sasama ako sa pagsa-shopping mo bukas!” pasya niya habang ang mga mata ay hindi naaalis sa professor at sa bodyguard niya. Tumaas ang kilay ni Pinky nang tingnan siya nito at saka umiling-iling. “Oh, no… no, no, no, no… I know that evil smile,” nagdududang sambit nito na tila ba alam na nito na may naglalaro na namang kalokohan sa isip niya. ”Ano na naman ‘yang kalokohang iniisip mo, ha?” Hinarap niya ito saka nginitian nang pagkatamis-tamis. “Don’t worry. At least, I don’t have to ask Kuya Gani to cover for me, bestie.” Pilya niyang itinaas-baba ang mga kilay niya saka ikinunot ang ilong dahil sa excitement. “Ako ang natatakot sa binabalak mo, bestie, eh,” alanganing wika ni Pinky na umiling-iling pa. “Leave it to me, bestie. This is the advantage of having such a good-looking bodyguard,” mayabang na sambit niya saka pinasingkit ang mga mata habang hindi pa rin nawawala ang pagkakangiti sa labi. “I’ll give Ms. Sandie an offer she can’t refuse…”  Bukod-tanging pagpapakawala ng hininga na lang ang naisagot ni Pinky sa kaniya bago nila muling tiningnan ang dalawa sa labas. That night, she informed her grandfather that she needed to meet her professor, on the other hand, she told Ms. Sandie that she needed to meet her with her lolo to discuss about Jason being outside her class, otherwise, she will no longer be allowed to attend her classes with Ms. Sandie. The next day, she threw a surprise date for Ms. Sandie and Jason, much more to their surprise. The plan was successful, and she left the two love birds alone after ensuring Jason that Pinky’s bodyguard will be with them while he is on a date. She and Pinky went through the shops inside the mall to find clothes that she will bring for Pinky’s wedding in Isla del Amor. Clothes that she liked to wear and not the ones that her grandfather wanted for her to wear. At least, kahit sa damit man lang ay siya naman ang masunod, katwiran niya. Ngunit naging panandalian lang ang saya niya nang pagbalik nila sa restaurant kung saan nila iniwan sina Ms. Sandie at Jason ay naabutan nilang naroon na ang lolo niya at tila ba naghihintay sa kaniya. Wala na rin doon si Ms. Sandie samantalang si Jason naman ay nakatayo at nakatungo sa harap ng lolo niya. Ang dalawang kamay nito ay magkasalikop at halatang hindi mapakali. “L-Lolo…” mahinang usal niya mula sa entrada ng restaurant na malapit sa kinauupuan ng matanda. Tila ba naulinigan nito ang boses niya at naramdaman ang presensya niya kaya bumaling ito sa kanila ni Pinky. With his clenched jaw and serious aura, she’s pretty much sure that she is in big trouble. “B-Bestie…” bulong sa kaniya ni Pinky habang kinakalabit ang braso niya. Lakas-loob siyang bumaling kay Pinky na noo’y tila nawalan ng kulay ang mukha sanhi ng takot dahil sa tila nakaambang pagsabog ng Mt. Mayon sa hitsura ni Don Felipe. “Bestie, mauna ka nang umuwi. I’ll have dinner with my lolo,” taboy niya rito saka niya ito pinanlakihan ng mata para bigyan ng babala na umalis na. “Are you sure, you’ll be fine?” nag-aalangan pang tanong nito. “Yes, don’t worry,” matapang na sagot niya kahit pa nga halos magwala ang puso niya sa rib cage niya sa sobrang kaba. Tumango-tango lang ang best friend niya at saka natatarantang lumapit sa matanda bago magalang na nagpaalam sa abuelo niya. “L-Lolo, I’ll go ahead,” mabilis na wika nito at saka nagmamadaling lumabas ng restaurant kasunod ang bodyguard nito. She swallowed a lump then walked towards her furious grandfather. Umupo siya sa katapat na upuan nito saka alanganing sinulyapan si Jason bago muling bumaling sa abuelo niya. “Lolo, this is all my fault. I—” “You’re fired,” putol ng matanda sa sinasabi niya habang nakatingin sa nakatungong si Jason. Nanlaki ang mga mata niya at saka kaagad na sumagot. “No, lolo! Don’t be like that! He didn’t know that—” “Leave!” malakas at mariin ang boses na wika ng lolo niya na alanganin namang sinunod ng lalaki. Tatayo sana siya para pigilin si Jason sa pag-alis nang biglang nagsalita ang lolo niya sa nagbabanta at nakatatakot na paraan. “You must learn your lesson, young lady. Every time you disobey me, someone else will pay, someone else will suffer…” seryosong pahayag nito at saka tumayo bago nagpatiuna nang lumabas ng restaurant at iniwan siyang nagpipigil ng galit at pag-iyak. Ni hindi na nga rin niya napuna ang mga staff at guests doon na hindi maiwasang tumingin sa gawi nila. Kinagat niya ang labi niya. Nagsisimula na ang lolo niya. He’s starting to manipulate her even more to the point that she might run away and break free… but how? Ngayon pa nga lang ay may alas na ito... ang gamitin ang ibang tao para hindi siya sumuway sa ano mang gustuhin nito. “Ma’am, halina kayo,” untag sa kaniya ng isa sa dalawang bodyguard ng lolo niya na hindi niya namalayang pumasok sa loob ng restaurant at lumapit sa kaniya. Alanganin naman siyang tumayo at nakatungong lumabas ng restaurant kasunod ito. She’s full of guilt and regret at that moment lalo na nang matanaw niya si Jason na nakasunod sa grupo ng lolo niya.   ***   PAGKAPASOK na pagkapasok ni Don Felipe sa loob ng opisina ay kaagad siyang nagtungo sa mahogany table niya at binuksan ang ikalawang drawer bago kinuha ang makapal na puting envelope na nasa pinakailalim ng drawer. Inihagis niya sa lamesa ang sobre na may lamang pera at saka umupo sa swivel chair bago hinarap si Jason na nakasunod sa kaniya at ngayon ay nakatayo na sa harap ng lamesa niya. “Don’t worry. Masusundan pa ‘yan kung mananatili ang loyalty mo sa akin habang dinidisiplina ko ang apo ko,” assurance niya sa lalaki. Malalim at mapanganib ang boses niya at kahit na sino ay magiging attentive sa uri ng pagkausap niya rito. Marahang dumukwang si Jason at saka isinilid sa bulsa ang sobre na hindi man lang tiningnan ang loob niyon bago marahang tumango at nagsalita. “Makaaasa po kayo, Don Felipe,” anang lalaki. Tumango-tango siya at saka umangat ang gilid ng labi niya bago nagpaalam ang lalaki sa kaniya. Marahan siyang sumandal sa swivel chair pagdaka’y ipinaikot iyon paharap sa glass wall ng opisina niya kung saan tanaw ang kalawakan ng hacienda. He tapped his fingers in the armchair while shaking his head with a slight of grimace written in his face. “Mi única nieta,” usal niya saka inalala ang pag-uusap nila ni Jason kanina. “Sundin mo kung ano man ang iutos ng apo ko but make sure that your guys will have their eyes on my única nieta at all times. Play by her rules but don’t ever neglect my granddaughter!” Iyon ang kabilin-bilinan niya sa lalaki na sinunod naman nito kanina. Bago pumayag si Jason sa ‘surprise date’ nito sa guro ni Millie na si Ms. Sandie ay sinigurado muna ng lalaki na nakasunod sa apo niya ang isang tauhan nito mula sa Security Agency na lingid sa kaalaman ng ibang tao ay pag-aari din ng lalaki. Palabas lang ang lahat ng nangyari kanina sa restaurant at sinigurado niyang magiging epektibo iyon para matuto si Millie ngayon pa lamang. Millie is starting to act out at mas maigi na habang maaga pa ay maputol na niya ang sungay na apo bago pa maging matigas ang ulo nito at maging sakit ng ulo niya. He’s been in contact with Millie’s professors ever since she went back to her classes after quitting because of her parent’s consecutive deaths. He wanted to make sure that Millie is on the right track and will not waste her precious time over something that is unbecoming of her. Luckily, Pinky took some of the same classes that Millie had to look after her best friend, which he truly appreciated. Nang tawagan siya kanina ni Ms. Sandie para kumpirmahin ang sinabi ni Millie na pag-imbita raw niya sa guro sa dahilang baka raw patigilin na niya si Millie sa pag-attend ng subject na Modern Arts and Literature dahil sa isyu ng pagbabantay rito ni Jason, nagkaroon na siya ng sapantaha na may binabalak gawin si Millie. Although he confirmed the same with Ms. Sandie, he didn’t show up and instead, he waited for Millie to execute her plan… which he took advantage of to start giving his beloved granddaughter a life lesson. And he is just getting started…  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD