CHAPTER TWO

1735 Words
KASALUKUYANG buhat ni Millie ang ilang piraso ng cute na aluminum na timba na pinintahan nina Isagani, ang pinakabata sa mga lalaking pinsan niya, at ni Pinky, ang best friend niya at nakatakdang mapangasawa ng Kuya Isagani niya. Nakasunod siya sa mga ito na kapwa may buhat ring timba na may iba’t ibang kulay na pastel colors at may painting na monogram ng initials ng pangalan ng dalawa. Iyon at ilang personalized beach items ang magsisilbing keepsake sa kasal ng mga ito na gaganapin sa Isla del Amor. “You do believe that you’re next in line, right?” tanong sa kaniya ni Isagani pagkatapos nilang ilapag sa likod ng itim nitong Ford F-150 pickup truck ang mga bitbit nila.   Ini-roll niya ang mga mata niya at saka nag-pout ng labi niya habang ito naman ay inakbayan ang nobya nang yumapos ito sa binata. Sumandal siya sasakyan nito bago nagpakawala ng hininga. “Paano ko naman malilimutan, Kuya, eh palagi ninyong ipinapaalala sa akin? I mean, I knew it since I was a child, so, reminding me every time we meet is just—” “Overwhelming?” Ito na ang tumapos sa sinasabi niya. Muli siyang bumuntong-hininga at tumango. “You’re lucky ‘cause both of you are really in love… but I don’t know what awaits me once lolo introduces me to that guy. I mean, we don’t know each other and the moment we meet, that’s when we will be introduced as engaged couple. I mean, I was never in a relationship, so I really don’t know what to expect, but what I am sure of is that, it’s going to be an awkward experience for both of us,” pahayag niya sa dalawa ng totoong saloobin niya. “Each and every marriage in our family were arranged but rest assured that lolo will not look for someone who will hurt you,” paliwanag naman ni Isagani saka tinapik ang balikat niya. “He’s gorgeous and looks like a decent one, bestie. Don’t worry, okay?” segunda naman ni Pinky. “Yeah, right.” She automatically chuckles nervously then opened the passenger door. “We have an early flight tomorrow. Much better if you could take a rest early tonight,” suhestyon niya kay Pinky saka inginuso na pumasok na ito sa sasakyan na mabilis naman nitong sinunod habang ang Kuya Isagani naman niya ay lumigoy at sumakay na sa may driver’s seat. “By the way, bring some of your delicious wine, all right?” pahabol ni Pinky nang ibaba nito ang salamin sa may passenger seat at inilungayngay ang mga braso roon habang nakakalumbaba sa kaniya. Tumango siya saka ito kinindatan. Pinky is a fan of her wine, rather, her lola’s wine. Since her mother got sick, mas naglagi na siya sa hacienda kung saan ang paboritong spot nila ng mommy niya, bukod sa ituktok ng kuwarto niya, ay ang vineyard at winery na minana niya sa namayapa niyang abuela na namesake din ng lugar. Ang Oliviera Vineyard and Winery. Pinag-aralan nila ng mommy niya ang original na paggawa at pagtimpla ng lola niya sa mga wine na ekslusibong sa kanila lang mabibili. Magpasahanggang ngayon, available pa rin ang ilan sa mga ginawang wine ng lola niya noong nabubuhay pa ito. Those were the premium wine of the OVW, and the most expensive ones too. “Of course! Anyway, Celine called and she said that she is coming over here tonight para sabay na kaming magpunta sa airport bukas,” imporma niya at tukoy sa nag-iisang pamangkin na babae na siyang panganay na anak naman ng panganay niyang pinsan na si Kuya Logan. “She just found out today?” natatawang sambit ni Pinky. Paano kasi ay ilang beses na nagreklamo si Celine dahil iginigiit ng daddy nito na sumabay ito sa mga matatanda na sa susunod na araw pa ang biyahe, imbis na kasabay nila nina Pinky at ng iba pang mga abay. Lingid sa kaalaman ng dalagita, naka-book na talaga ito sa flight kasama nila kinabukasan. “Kuya Logan really loves teasing her,” tumatangong kumpirma niya sa tanong ng kaibigan. “Anyway, off you go. See you at the airport,” taboy niya sa mga ito. “Kuya, take care, all right?” paalala niya pa sa pinsan niya na sumaludo lang at saka pinasibad ang sasakyan.   THE Isla del Amor Island in Aurora is a place where everyone would want to visit or live because of its beautiful and dream-like atmosphere. Masarap sa mata ang asul na dagat, sariwang hangin at tahimik na paligid. Hindi pa man sila nakakapag-explore sa kabuuan ng isla, nasigurado na niyang mala-paraiso ito na maituturing base na rin sa mga larawan at video na nakita niya online. However, looking at the view of the island in person is far better than watching it on videos or looking at it on photos. Pagkarating nila sa kaniya-kaniyang kuwarto nila sa Isla del Amor Yacht and Country Club Hotel, isang five-star hotel na sikat sa buong mundo dahil na rin sa rekomendasyon ng mga sikat at international na celebrities, politicians, at vloggers na nag-check in doon, ay tinanaw is nila kaagad ang beach na tila ba isang painting ang hitsura mula sa floor-to-ceiling glass wall ng kuwarto nila na natatabingan lang din ng baby blue valance top drape, a pair of white thicker curtain with gold flower designs and another pair of white sheer curtain. “O! M! G! We should definitely try that!” gitlang wika ni Celine nang lumabas ito sa may veranda ng ookupahin nilang kuwarto sa loob ng isang linggo. Silang dalawa ang magkasama sa kuwarto kahit pa nga dapat sana ay sila ni Pinky ang magkasama. It so happened kasi na nagprovide ng complimentary room ang hotel para sa bride and groom kaya doon mananatili si Pinky bago ang kasal nito kay Kuya Isagani niya habang ang pinsan naman niya ay sa mananatili naman sa kuwarto pa rin ng mga kabarkada nitong abay rin. Tumayo siya at tinabihan ang pamangkin sa may veranda bago tumingin sa dagat. Ang itinuturo ni Celine ay ang mga lalaking ekspertong nagse-surf at nakikipagkarera sa mga alon sa dagat. Ilang minuto rin siyang napatanga sa mga nagse-surf, partikular na sa isang lalaking ilang beses na nagpatiwa-tiwarik at parang magician at sirkero na hindi man lang nahuhulog sa tubig! “Hmm, I’ll pass,” kunwari ay walang interest na wika niya saka siya bumalik sa loob ng kuwarto at umupo sa kama. “Hmp! Ate, you should try new things. Hindi ka ba nabo-bore?” nakairap namang sambit ni Celine bago sumunod sa kaniya at nahiga naman sa kabilang kama. “Ah, hello! I’m a risk-taker, kung alam mo lang!” irap niya rin dito na sinundan niya ng pagtawa. “But of course, I have to be a role model to you, so…” “Yeah, right!” tumatawang wika rin nito bago bumangon at tumayo. “Let’s go and stroll, ate! You should take this chance na wala kang bantay. Lika na, dali!” yaya nito sa kaniya at saka siya pilit na hinila palabas ng guestroom. “And where do you think you’re going?” tanong naman agad sa kanila ni Kuya Isagani nang eksakto namang bumukas ang inookopang kuwarto nito pagtapat nila roon. “We’ll just stroll at the beach, Tito,” mabilis na sagot ni Celine at bago pa man sila mapigilan ni Isagani ay nahila na siya ni Celine patungo sa elevator. “We’re going stay her for over a week, Celine. Why the rush?” pagpapaalala niya sa pamangkin. “Ate, we don’t have to waste any precious time while we are here, okay?” sabi lang nito bago siya ulit hinila papalabas ng elevator nang bumaba at bumukas na iyon sa ground floor. Sinundan lang nila ang mga signage patungo sa beach area ng hotel. Paglabas na paglabas nila ng building ng hotel ay sumalubong sa kanila ang sariwa at medyo may kalamigang hangin. Kaagad siyang binitiwan ni Celine at nagmamadaling tumakbo patungo sa beach. “Hey, careful!” pahabol na paalala pa niya sa pamangkin at saka sumunod rito. Napatigil pa siya nang lumubog ang suot niyang sandals sa buhangin kaya tinanggal niya na lang iyon at walang sapin na naglakad sa pino at puting buhangin habang tangan sa magkabilang kamay ang sandals niya. “Looks like someone inherited my stubbornness,” natatawang bulong niya sa sarili habang sinusundan ng tingin si Celine na noon ay enjoy na enjoy sa pagtatampisaw sa mga alon sa dagat. Dahil nga abala siya sa pagtanaw sa pamangkin, hindi tuloy siya kaagad na nakailag sa bola na paparating sa gawi niya. Napabaling lang siya sa harapan niya nang marinig niya ang ilang pagsigaw ng mga nanonood ng beach volleyball. Awtomatiko siyang napapikit nang makita niyang malapit na ang bola sa kaniya at tila ba ang puntirya ay ang mukha pa talaga niya. Hindi na niya nagawa pang umilag dahil napangunahan siya kaagad ng takot. “Okay ka lang po, Ma’am?” mayamaya ay wika ng baritonong tinig sa harap niya. Nang imulat niya ang mga mata niya, pakiramdam niya ay may anghel na bumaba sa langit para protektahan siya. The man in front of her was tall, dark, and handsome that he took her breath away the moment she laid her eyes on him. Pakiramdam pa niya ay namamalik-mata siya o ‘di kaya ay nawalan ng malay at ngayon ay nananag-inip lang… until he frowned and leaned over, just an inch or two from her face. “Are you all right, Ma’am?” ulit nito sa tanong sa kaniya kanina bago iwinagayway ang isang kamay sa tapat ng mukha niya. Noon lang siya tila natauhan. Kaagad na umakyat ang dugo sa ulo niya at pinamulahanan siya ng mukha nang ma-realize niya na natameme siya sa harap ng lalaking noon lang niya nakilala. “Ahm… yes, yes. Of course!” aniya at saka nagmamadaling naglakad papalayo rito at sinundan ulit si Celine na nakita niyang abala pa rin sa pagtatampisaw sa may dalampasigan. Awtomatiko siyang napahawak sa tapat ng dibdib niya. “What was that!” anas niya habang pinapakiramdaman ang sarili. For the first time, nakaramdam siya ng ganoon. Sa unang pagkakataon ay sumikdo nang napakabilis ang dibdib niya at tila ba nawala siya sa sarili niya sa harap ng isang lalaki. And it’s not okay. Not at all!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD