CHAPTER THREE

1474 Words
KAAGAD na pinatay ni Ryan ang alarm clock nang umaalingawngaw iyon sa kabuuan ng bahay niya pagsapit ng alas kuwatro ng madaling araw. Nag-inat na muna siya ng dalawang braso niya at saka maagap na bumangon bago nag-stretching ng buong katawan habang ang tanging suot ay isang itim na boxer brief. Pagkatapos niyang mag-stretching ay tumalungko siya at hinihingal na kinuha ang isang malaking bote ng tubig na nangangalahati na ang laman mula sa gilild ng kama niya at saka iyon tinungga. Halos maubos na niya ang laman niyon bago iyon ipinatong sa bed side table niya saka niya kinuha ang cellphone niya na eksakto namang nag-ring nang kuhanin niya. “Hindi mo ba alam kung anong oras pa lang dito?” bungad-tanong kaagad niya sa kausap habang nagsusuot ng shorts at t-shirt bago siya naglakad patungo sa kusina. “Puwede ba, Ry? Siyempre, alam ko ang schedule mo, ‘no? Para tayong hindi nagsama,” sagot naman ng babae sa kabilang linya. “Yeah, fine,” aniya bago siya nagbuga ng hangin at ipinahalata sa kausap na naiinip na siya, pagdaka’y ipinatong niya ang cellphone niya sa ibabaw ng dining table at ini-on ang speaker phone. “Ano ba’ng kailangan mo, Laine?” tanong niya sa kausap bago siya bumaling sa may gilid ng lababo at saka nagsimulang magpakulo ng tubig sa electric water heater. “Dan proposed to me last night and I accepted it. We’re engaged. I just thought you should know,” mayamaya ay sabi ng babae. Nihimigan niya pa ito ng pag-alinlangan sa huling sinabi. He was caught off-guard na natigilan siya pansumandali sa pagkuha ng mug niya mula sa cabinet na nasa itaas ng lababo. Inalis muna niya ang bikig niya sa lalamunan nang tila siya nanumbalik sa huwisyo saka ipinagpatuloy ang ginagawa at sinagot ang dating kinakasama. “Laine, puwede ba? Matagal na tayong tapos. Nalimutan mo na ba? Limang taon na ang nakararaan magmula nang iwan mo ako kaya bakit naman ngayon ka pa talaga nag-alala sa mararamdaman ko?” mapait na sambit niya. Bagama’t matagal na ang nangyaring pang-iiwan sa kaniya ng dating live-in partner niya, may hatid pa rin iyong pait sa puso niya. Lalaine was his college sweetheart and he really thought that she was the one. But she fell out of love and left him with another man, Danny. The kid his Nana Matilda adopted. The kid he basically treated like his own brother. “I though that it would be better na ako ang magsabi sa iyon kesa malaman mo sa iba. After all, we used to—” “Laine, tapos na tayo. Kung ano man ang gawin mo sa buhay mo, wala na akong pakialam do’n. I just wish you and Dan well,” putol niya sa sinasabi nito saka walang gatol na nagpaalam. “Take care. Bye.” Umiiling-iling na nagsimula na siyang maglagay ng kape at asukal sa baso niya. Yes, he hated Lalaine five years ago but he already moved on. Natanggap na niya ang ginawa nito at ng itinuring niyang kapatid na si Danny. Bagama’t obvious na nagkaroon ng gap sa pagitan nila ni Danny, hindi iyon naging dahilan para kamuhian niya ito lalo na nang malaman niyang ginawa nito ang lahat para iwasan si Lalaine ngunit sa huli ay nahulog na rin ito sa patibong ng babae… and he gave in sa gustong mangyari ng babae. Danny tried to warn him but he trusted Lalaine. Iyon ang pagkakamali niya dahil kung nakinig lang siguro siya noon kay Danny, he might have lost the love of his life but Danny will remain by his side and his ally. Hindi mawawala ang tiwala niya sa lalaki na naguho nang nagtanan ito kasama si Lalaine. Nagpakawala siya nang malalim na hininga at saka iyon marahas na pinakawalan bago kinuha ang water heater pot at nagsalin ng bagong-subo na tubig sa mug niya. Saglit niyang iniwan ang tinimplang kape para maghilamos at nagsipilyo saka niya pinagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin na nasa ibabaw ng lababo sa loob ng maliit na banyo. He looked the same five years ago, mas tanned nga lang siya ngayon at mas muscular dahil sa trabaho niya. Pinunasan niya ang mukha at saka lumabas ng banyo bago binalikan ang tinimplang kape. Tangan ang mug ay binuksan niya ang pintuan sa kusina patungo sa likod-bahay. Agad na sumalubong sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin mula sa dalampasigan. Madilim pa sa paligid at naririnig pa rin niya ang paghuni ng mga kuliglig mula sa maliit na hardin sa likod-bahay niya. Naglakad siya patungo sa pinakagitna ng hardin pagdaka’y ipinatong niya ang tangan na mug sa ibabaw ng pabilog na lamesang kahoy na yari sa narra na naroon. Inihawak niya ang dalawang kamay niya sa kaniyang baywang pagkuwa’y humugot siya ng sariwang hangin at pinuno ang dibdib niya. Hinding-hindi talaga siya magsasawa sa pamumuhay na mayroon siya. Ang mamuhay sa tabing-dagat at maging malapit sa kalikasan na mula pagkabata ay kinamulatan na niya. Katulad ng tinitirhan niya ngayon, lumaki siya sa Batangas na ang bahay nila ay nakatayo sa tabing-dagat. Nang pumanaw ang mommy niya ay minabuti niyang manatili sa kapatid ng paternal grandfather niya na si Nana Matilda na ang bahay ay literal na nasa paanan ng bundok at malayo sa kabihasnan. Umupo muna siya sa isa sa dalawang upuang kahoy na yari din sa narra at ang nagsisilbing paa ay kahoy rin na inukit sa korteng gulong. Mayamaya’y kinuha niya ang mug, hinipan ang lamang kape at saka iyon hinigop. Kahit papaano ay nagdulot iyon ng init sa noo’y nagsisimula nang manlamig na katawan niya. Pagkaubos ng kape ay bumalik siya sa loob ng bahay at nagbihis ng pang-jogging. Inilagay na rin niya sa tainga niya ang wireless buds at isinuot ang running shoes bago nagsimulang mag-jogging sa tabing-dagat. May mangilan-ngilan na ring tumatakbo sa bahaging iyon at ang iba naman ay lumalangoy sa mababaw na bahagi ng dagat. Makaraan ang halos kalahating oras ay narating na niya ang dulong bahagi ng dalampasigan sa bahaging iyon ng beach kaya pumihit na siya pabalik sa pinanggalingan niya. Eksaktong kakapalaot naman ng mga mangingisda na kadarating lang mula sa panghuhuli at ngayon ay nagsisimula nang paligiran ng mga taong nakaabang para sa mga sariwang huli. Tulad ng iba ay nakipagsiksikan din siya patungo sa malaking bangka at nakiusyoso sa mga nakabumbon na lamang-dagat at kalaunan ay binigyan siya ng isang kilong iba’t ibang lamang-dagat kahit pa nga willing naman siyang magbayad, palibahasa’y kasangga niya ang mga mangingisda roon dahil sa programa niyang libreng pagtuturo ng surfing sa mga bata sa komunidad na iyon. Malapad ang ngiting bumalik siya sa pagdya-jogging ngunit kaagad rin iyong nabura nang maratnan niya ang isang pamilyar na mukha na nakaabang sa entrada ng hardin sa likod-bahay niya. Huli na rin naman kung pipihit siya pabalik at iiwas dahil nakita na siya nito kaagad. Pagdating sa maliit na gate at pagtigil niya sa mismong tapat ng bisita ay inalis niya ang suot niyang wireless buds bago habol ang hiningang tinanong ito nang walang paligoy-ligoy. “Anong ginagawa n’yo rito sa ganitong oras?” kunot ang noong tanong niya rito. Nabanaag niya ang lungkot sa mukha nito mula sa liwanag na noon ay unti-unti nang kumakalat sa paligid. “Why did you change your number?” imbis na sagutin ang tanong niya ay tanong nito sa kaniya. Umiwas siya ng tingin dito at saka binuksan ang maliit na gate at pumasok doon habang nakasunod naman sa kaniya ang kausap niya. “Wala na ang daddy mo, Ryan. Hindi ka na niya nahintay pa,” lahad nito na nakapagpatigil sa paghakbang niya. Salubong ang mga kilay na binalingan niya ito at tiim ang bagang niya na nilapitan ang lalaki na noon ay namumula na ang mata sa pagluha. “What did you just say?” mahina ngunit mapanganib na tanong niya rito. Humugot muna ng hininga ang lalaki saka mabigat ang loob na inulit ang sinabi. “W-Wala na ang daddy mo,” anito saka kinagat ang pang-ibabang labi. Pakiramdam niya ay tumigil ang mundo niya sa narinig at pansamantala siyang nawala sa sarili. Napaupo siya sa upuang kahoy at saka sunod-sunod na napalunok habang nakatingin sa kawalan. “He should not die yet. Not yet…” anas niya bago niya mariing ikinuyom ang mga kamay niya. “Hindi pa ako nakakaganti sa kaniya, eh. Bakit… bakit…” nagsisikip ang dibdib na sambit niya at hindi maituloy ang kung ano ang dapat sabihin at isipin. He hated his father for what he did to him and his mother. But now, he hated himself more for abandoning his father and ignoring his pleas when he was trying to reach out to him. Ngayon, paano na ang mga balak niyang paghihiganti rito? As much as he hated him, he never wanted him dead. Never.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD