PAGKAALIS ng unexpected niyang bisita ay nagbabad siya sa shower at doon naglabas ng sari-sari niyang nararamdaman. Minabuti niya ring pumasok na lang nang maaga sa hotel para malipat ang atensyon niya sa trabaho.
Saglit siyang sumulyap sa paanan niya nang may tumapik sa binti niya habang nakaupo siya sa lifeguard tower at nagmamasid sa mga lumalangoy sa beach gamit ang binoculars.
“Mamayang hapon pa ang shift mo, ah? Ba’t ‘andito ka?” gulat na tanong sa kaniya ng kasamahang lifeguard na si Vince na noon ay nakatingala sa kaniya at nagtatakang nakatingin sa kaniya.
Ibinalik niya ang pagmamasid sa mga beach goers saka sumagot.
“Akala ko morning shift ako, eh,” kaila niya.
Inayos nito ang pagkakasuot ng cap at saka siya muling tinapik sa binti ulit.
“Umuwi ka na muna. Ako na riyan,” anito.
Nagpatianod naman siya at bumaba mula sa tower bago ibinigay rito ang binoculars na tangan.
“Ang daming guests ngayon, ah,” komento niya habang papaakyat ang lalaki sa tower.
“Dumating na yata ‘yong mag-o-open day dito na galing Maynila,” tugon nito.
Tumango-tango siya.
“Tutal, wala naman akong gagawin sa bahay, dito na lang muna ako,” aniya bago tinapik sa binti ang kasamahan nang umupo na ito sa tower.
“Sigurado ka?” tanong nito bagama’t hindi naman iyon ang unang pagkakataon na ginawa niya iyon lalo na at wala siyang schedule para magturo ng surfing sa mga estudyante niya sa labas ng hotel. Kaya naman kaysa mainip sa bahay ay gawain na niyang pumasok nang maaga kung afternoon shift siya o ‘di kaya ay mag-extend ng duty kung morning shift naman siya. Bagay na maging ang kasamahan niya ay ginagawa dahil karamihan sa kanila ay hindi tubong taga-Isla del Amor at wala roong ang pamilya kaya imbis na magliwaliw sa isla ay ini-enjoy na lang nila sa pag-extend ng trabaho sa hotel. Enjoy rin naman kasi.
Nag-okay sign siya rito bago niya kinuha ang lifeguard gear niya na nasa gilid ng lifeguard tower pagdaka’y kinuha naman niya ang rescue board na nakasandal sa likurang bahagi ng tower. Sumaludo pa siya rito at saka binagtas ang beach patungo sa kanang bahagi ng tower kung saan mas maraming lumalangoy dahil mas malapit iyon sa pinaka-main building ng Isla del Amor Yacht and Country Club.
Tatlo ang lifeguard tower sa beach ng hotel at for obvious reason, ang gitnang bahagi ang priority nila na dapat ay palaging may naka-duty. Pero kapag marami silang guests, pre-requisite nila na dapat ay may nakaantabay na lifeguards sa tatlong tower at tatlong support na karaniwan ay nagroronda sa dalampasigan habang sukbit ang lifebuoy o rescue tube.
As expected, nag-duty rin ang Recreational Manager nila na dating lifeguard at swimming instructor sa hotel at ex-Philippine Navy officer na si Joaquin Amante o mas kilala sa tawag na Boss King sa hotel. Tulad ni Vince, nagulat rin ito nang maratnan siya sa ibaba ng tower. At tulad rin ng idinahilan niya kay Vince, sinabi niyang akala niya ay pang-umaga siya para hindi na ito mag-usisa pa.
“I was about to call you and Sandra later, anyway. Kita mo ang buhos ng tao ngayon dito sa beach?” umiiling-iling na sambit nito habang papaakyat sa tower at tukoy nito sa isa sa dalawang female lifeguards nila.
“Na-excite siguro, Boss King, dahil sa ganda ng beach,” komento niya.
“Baka nga,” pagsang-ayon nito bago nito itinapat sa mata ang binoculars para magmasid sa beach. “Mas dadami pa ang guests mamaya since may dumating na namang dalawang yate at expected na ilang sasakyan mula sa airport ang darating mayamaya,” imporma pa nito.
Tumango lang siya at saka bumaling sa beach.
Tila naman nagdilang-anghel si Boss King at makalipas nga ang mahigit dalawang oras ay full-packed na ang beach. Hindi lang si Sandra ang tinawagan nila kundi ang buong Recreation Team para mag-double shift sa araw na iyon.
Dalawang ulit na ring siyang nagpabalik-balik sa dagat dahil may ilang guests ang nadala ng alon sa mas malalim na bahagi ng dagat nang bigla na lamang umalon nang malakas. He surfed on the deeper part of the sea and rescued two children. After a while, he rescued a couple. The husband tried to rescue his wife but because of the sudden rush of strong waves, both of them were caught off-guard and were actually brought away from the shore.
“Wow! That was two in a row, Ry!” sambit ni Boss King matapos nitong magbigay ng first aid sa mag-asawa, na sa awa ng Diyos ay parehong ayos naman, physically.
As pre-requisite, ipinadala pa rin nila ang mga ito sa ospital for further check-up and observation katulad ng dalawang bata na sinagip niya kanina na okay rin naman nang iaahon niya.
Though extremely rare, they would like to prevent any case of dry drowning or secondary drowning which both could occur after swimming or after near-drowning experiences. Dry drowning often occurs when the patient inhaled water and causes muscle spasm in the airway that blocks the airflow. The Secondary Drowning, however, is inhaling the water straight to the lungs which sometimes irritates the lungs that could cause pulmonary edema (fluid in lungs) and could lead to difficulty in breathing.
Nagpakawala siya ng hininga at saka nagpameywang bago itinuon ulit ang atensyon sa beach. This is what they are scared of. In a split second, kung hindi kaagad napansin ni Boss King ang mag-asawa na dinala ng alon papalayo sa dalamapasigan at patungo sa mas malalim na bahagi ng dagat, hindi rin niya ito mapupuna dahil nga sa dami ng tao na noon ay lumalangoy na sa beach. At palibhasa nga ay nasa baba siya, mahirap para sa kaniya ang makita ang mga guests na nasa malayong parte ng dagat.
Pagbalik ng pool and beach attendant na sumama sa paghatid sa rescue and medical team ay nagpaalam siya kay Boss King na magbe-break muna. Kasalukuyan niyang binabagtas ang daan pabalik ng hotel nang mahagip ng tainga niya ang pagsigaw ng ilang nanonood ng beach volleyball at awtomatikong napakunot ang noo niya nang makita niya ang babaeng tinutumbok ng mga mata ng nanonood na noon ay makakasalubong niya. For sure, it was his instinct to run towards this unsuspecting girl who was about to get hit by a volleyball ball. Nakita pa niya kung paanong nanlaki ang mga mata nito at tila natulos sa kinatatayuan nang makita nito ang bola na papalapit na rito. Saktong pagtapat niya sa harap nito ay tumama naman sa likod niya ang bola. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang mariing pagkakapikit ng mata ng babae na marahil ay bunga ng pagkabigla at takot.
“Okay ka lang po, Ma’am?” nag-aalalang tanong niya rito matapos ibalik ang bola sa mga naglalaro. Nag-angat ito ng tingin pagkarinig sa tanong niya ngunit sa halip na sumagot ay tumitig lang ito sa kaniya. Titig na titig na hindi niya alam kung dahil ba namamalik-mata lang ito o naumid na ang dila sanhi ng takot kanina. “Are you all right, Ma’am?” ulit niya sa tanong niya dahil inisip niyang baka hindi ito nakakaintindi ng tagalog. Sa tindig at hitsura nito, mukhang mayaman ang babae at baka nga foreigner ito. Iwinagayway niya ang isang kamay niya sa tapat ng mukha nito habang mataman itong tinitingnan.
Makailang ulit itong kumurap-kurap na tila ba natauhan, pagdaka’y namumula ang mukhang sumagot sa tanong niya.
“Ahm… yes, yes. Of course!” tugon nito bago mabilis na nagpatuloy sa paglalakad papalayo sa kaniya.
Siya naman ang napakunot ang noo habang nakasunod ng tingin sa papalayong babae na noon ay tinutumbok ang beach.
“She looked familiar…” bulong niya sa sarili habang nakatanaw pa rin sa babae na noon ay lumapit sa isang teenager na babae na nagtatampisaw sa dagat.
Nagpakawala na lang siya ng hininga at saka umiling-iling. Hindi niya ikakailang maganda ang babae pero baka kung nagsanga na minsan ang landas nila at nagkakilala sila, imposibleng hindi niya matandaan ang pangalan nito.
Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa hotel ngunit bago siya makatuntong sa semento ay muli niyang nilingon ang babae na noon ay huling-huli niyang nakatingin din sa kaniya. Mabilis siyang umiwas ng tingin at saka nagmamadaling pumasok sa recreation office na nasa gilid ng hotel.
Masyadong maraming pangyayari sa kaniya sa araw na iyon at wala siyang oras para isipin pa kung saan niya nakita ang babae. After all, baka umalis din kaagad ang babae at hindi na niya makitang muli. Guests in their hotel, unless regular guests, come and go as they please. He’d rather focus on his future plans than waste his time over a woman.