CHAPTER FIVE

1736 Words
BEING in the island, Millie felt somewhat carefree and pretty much independent from his authoritative grandfather. Walang bumubuntot sa kaniya na bodyguard. Walang eagle eye na palagi na ay binabantayan ang bawat kilos niya. For what it’s worth, her bodyguard, particularly Jason, really went above and beyond to protect her. And in fairness to him, he made sure that she will still have the normal life as a college student before that mishap with her schoolmate happened. “Enjoying your freedom, ate, huh?” untag sa kaniya ni Celine. Kasalukuyan silang naglalakad sa dalampasigan bitbit ang kani-kaniyang beach bag habang naghahanap ng bakanteng beach lounge chair at beach umbrella. Both of them were wearing two-piece bikinis underneath their white sarongs. Hindi tulad kahapon, mas kakaunti lang ang tao ngayon sa beach. Palibhasa ay may event pala kahapon kaya naman hindi magmakayaw ang buhos ng tao sa beach. “Well, obvious ba?” natatawang sagot niya sa pamangkin. “Oh, there!” Itinuro niya ang nakita niyang bakanteng magkatabing lounges at saka nagpatiuna nang naglakad patungo roon dahil baka may makauna pa sa kanila. Maganda rin ang puwesto dahil malapit na sa dagat kaya maganda ang view at walang harang. “By the way, is your fiancé coming here as well?” mayamaya ay usisa ni Celine sa kaniya habang kapwa nila inilalatag ang towel na naroon sa lounge. Nangunot naman ang noo niya na bumaling sa dalagita. “What do you mean?” Umupo na siya sa lounge at saka kinuha mula sa bag niya ang sunscreen lotion niya pagdaka’y ibinaba niya ang bag niya sa buhanginan sa pagitan ng mga lounges nila ni Celine. “Well…” Umupo na rin si Celine sa lounge paharap sa kaniya bago ngumuso. “Tito Gani talked to my dad earlier on the phone while you and Ate Pinky went to the loo and he mentioned about your fiancé and asked dad if he is sure that he is really coming…” anito bago siya tiningnan sa nagtatakang paraan. “I thought, you knew.” “I don’t even know his name, Celine. How much more his schedules?” sarkastikong banat niya. Isang bahagi ng isip niya ay naiinis at nagmamaktol dahil as much as possible kasi ay gusto niyang i-enjoy nang todo ang pananatili sa isla dahil sigurado siyang pagbalik nila ng Maynila, her grandfather will finally introduce them in public as engaged couple. Eh, kung pupunta rito ang ponsyo pilato na ‘yon, paano pa niya mananamnam ang maikling kalayaan niya? Malamang sa malamang ay magiging guwardiyado na naman siya. Tumayo siya at tumabi sa pamangkin bago niya sinimulang lagyan ng lotion ang likod nito habang patuloy itong nagsasalaysay. “Are you really okay with this, ate? I mean, Tito Gani got lucky ‘cause Ate Pinky’s family have been friends with our family and they were childhood sweethearts. Pero ikaw… you never even had a boyfriend and now, magpapakasal ka sa taong ‘di mo kilala? My God!” Celine exclaimed. “As if I had a choice,” tugon niya na sinundan niya ng buntong-hininga bago pinaharap ang pamangkin at ibinigay ang lotion dito para siya naman ang lagyan nito ng sunscreen sa likod. “My life was pretty much planned even before I was born,” mapait na sambit niya, bagay na totoo naman. “Well, you know, it got me thinking… what if, suddenly you meet someone unexpectedly? Someone who will make your heart flutter? Someone who will really catch your eye and make you stunned?” mayamaya ay sambit nito bago tinapik ang balikat niya para humarap na siya rito. She was caught off-guard. Paano’y iyon na iyon ang naramdaman niya kahapon sa estrangherong lalaki na nagligtas sa kaniya mula sa pagtama ng bola mismo sana sa mukha niya. “Hey, ate, are you all right?” nagtatakang pukaw at tanong nito sa kaniya habang iwinawasiwas ang palad sa harap ng mukha niya. “Sorry, I was just—” “Excuse me, Ma’am. I’m John and I will be your waiter for today. Do you want to order any refreshments, fruits, or snacks?” singit ng isang waiter na nakapang-beach attire. Nakaputing cap ito, asul na t-shirt, at puting board shorts na pawang may tatak ng logo at pangalan ng hotel. “Oh, that would be great!” sambit naman ni Celine matapos magpahid ng sunscreen lotion sa braso at harapan nito. Umupo ito nang maayos habang siya naman ay lumipat sa kabilang lounge at nagpatuloy sa pagpapahid ng lotion sa katawan niya. “What would you like to have, ate?” tanong ni Celine sa kanya habang ang atensyon ay nasa menu na ibinigay ng waiter dito. “Do you have Blue Hawaii Tropical cocktail?” sa halip ay tanong niya sa waiter. “Yes, ma’am…” tugon nito saka alanganing nagpatuloy. “But for you, ma’am, we will serve you a non-alcoholic Blue Hawaiian mocktail. We will replace the coconut rum with normal coconut juice and instead of the traditional Blue Curaçao, we will replace it with non-alcoholic Monin Blue Curaçao syrup,” paliwanag ng lalaki. “And why is that?” nakataas ang kilay na tanong niya rito. “Because we don’t serve alcoholic drinks to our guests who are below eighteen years old,” magalang na katwiran nito. “I had it yesterday, ate. It’s delish!” singit naman ni Celine. “I’ll have a Shirley Temple,” dugtong nito. “Okay, Ma’am,” tugon ng waiter sa order ni Celine. Hindi na siya nangatwiran pa dahil baka nga mamaya ay nasabihan na ito ng Kuya Isagani niya kaya nalaman na wala pa siyang eighteen. Kung sa katawan lang din naman kasi ang pag-uusapan, hindi aakalain ng mga makakakita sa kaniya na she’s just only seventeen. “And club sandwich with lots of bacon,” dagdag pa ng pamangkin niya bago iniabot sa kaniya ang menu. “Hmm… I’ll have that Blue Hawaiian mocktail and ahm…” she said while flipping on the pages. “For snacks, I’ll order Summer Fruit Salad, Seasoned Oyster Crackers, and Tuscan Herb, Hummus, Prosciutto and Goat Cheese Pinwheels,” aniya saka isinarado ang menu at ibinigay sa waiter. “Okay, Ma’am. I will repeat your order. One Shirley Temple and a club sandwich with more bacon for you, Ma’am,” anito kay Celine bago bumaling sa kaniya. “And for you, Ma’am, one Blue Hawaiian Mocktail, Summer Fruit Salad, Seasoned Oyster Crackers and Tuscan Herb  Hummus, Prosciutto and Goat Cheese Pinwheels.” “Correct,” kumpirma nila ni Celine sa order nila. “Anything else, Ma’am?” bago tumayo ay tanong ulit ng waiter sa kanila. “That would be all for now. Thanks,” tugon niya. Tumango lang ang waiter na si John bago tumayo at nagpaalam na sa kanila para maihanda ang in-order nila. “I’ll go and swim for a while, ate,” paalam ni Celine sa kaniya at saka nagmamadaling tumakbo patungo sa dagat pagtango niya. Papahiga na sana siya sa lounge nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa bag niya at sinagot ang tawag ng lolo niya. “Hi, Lolo,” bati niya sa abuelo. “Hello! Kumusta na ang única nieta ko?” bati ng matanda sa kaniya. “Well, I’m doing good, Lolo. Thank you. I love it here, and so, Celine,” balita niya rito. Marinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya bago ito nagsalita ulit. “How about Isagani and Pinky? Nagustuhan ba nila riyan?” usisa naman nito patungkol sa pinsan at best friend niya. Ang abuelo niya kasi ang nag-recommend kina Kuya Isagani niya ng Isla del Amor Yacht and Country Club nang pumunta roon ang matanda para sa isang conference noong nakaraang taon. Sa una ay mas gusto pa rin ng dalawa na sa Palawan isagawa ang kasal ng mga ito ngunit nagbago ang isip ng mga ito nang igiit ng abuelo niya na bisitahin ang lugar. Pinky fell in love with the place instantly. Dapat nga sana ay kasama siya noong nagpunta ang dalawa roon pero nagkataon naman na nagkasakit siya kaya hindi siya naging third wheel ng dalawa tulad ng palaging papel niya sa tuwing lumalabas silang tatlo. Tumayo siya sa kinauupuan at saka ibinaba ang Rayban na kanina ay nakapatong sa ulo niya at maayos iyong isinuot para tanawin si Celine na nagtatampisaw na sa dagat. “Of course, they do, ‘Lo. The hotel even gave them a complimentary room during their stay here,” sabi pa niya saka kinawayan si Celine nang kumaway ito sa kaniya at saka siya naglakad papalapit sa pampang. “Celine is in the beach now, ‘Lo,” imporma niya rito. “Who else is with you?” pagdaka’y tanong nito. “Just the two of us, ‘Lo,” tugon niya. “Just watch over your niece, all right?” paalala na lang nito sa kaniya. “Of course, I’ll take care of her, ‘Lo. Don’t worry,” natatawang sagot naman niya sa abuelo. Alam naman nito na pagdating sa mga pamangkin niya, hindi siya pasaway. As much as possible ay gusto niyang maging role model sa mga ito. “Are there any lifeguards on duty now?” pagkuwa’y tanong nito. Noon niya iginala ang mata sa paligid bago siya tumingala nang mapansin niyang nakatayo pala siya malapit sa may lifeguard tower. Agad na nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang lalaking kasalukuyang nakaupo roon at matamang nakamasid sa dagat. That was the man who saved her from getting hit by a volleyball ball yesterday. The man who made her freeze for a moment! “Hello? Hija?” untag sa kaniya ng abuelo niya kaya siya muling nagbaba ng tingin at bumalik sa kinauupuan niya. “Ahm, yes, ‘Lo,” kumpirma niya habang pakiramdam niya ay tila tinatambol ang dibdib niya sa lakas ng pagtibok niyon. “I’ve got to go, ‘Lo. Pupuntahan ko lang si Celine,” paalam niya sa abuelo at saka pinatay ang tawag nang magpaalam na rin ito sa kaniya. Huminga siya nang malalim at saka nagtatakang pinakiramdaman ang sarili habang ang mata ay nakatingin sa nakatalikod na lalaki. ‘What’s wrong with me? What’s wrong with my heart?’ tanong niya sa isip niya habang wala sa sariling dinala ang kamay niya sa tapat ng kaniyang dibdib para pakiramdaman ang pagtibok ng sariling puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD