MILLIE, the whole entourage, and the engaged couple—Isagani and Pinky—have been busy rehearsing for the wedding the whole afternoon. After the rehearsal, they went over to The Atlantis, the hotel’s restaurant located over the infinity pool and by the sea side which is serving fresh sea food and grills.
“Where are you going?” palihim na tanong sa kaniya ni Isagani nang maabutan siya nitong naglalakad sa hallway. Balak sana niyang manood ng band performance na nakatakdang isagawa sa may beach front ng hotel. She loves music, ‘yon nga lang, hindi siya biniyayaan ng talento sa pagkanta o pagtugtog man lamang kahit pa nga nagbayad pa ang magulang niya para sa piano lesson niya noong bata pa lamang siya.
“I’ll watch the band, kuya,” tugon niya bago ngumiti nang matamis sa pinsan niya na noon ay umayos ng pagkakatayo bago humalukipkip sa harap niya.
“Nope. You need to go back to your room and—” tanggi nito na agad na naputol bago siya mabilis na kinabig paakbay. “Lolo!” gilalas na tawag nito sa abuelo pagkakita sa matanda na papalapit sa kanila.
“Lolo?” aniya naman, puno ng pagtataka kung bakit naroon ang abuelo. Ang pagkakaalam kasi niya at pagkakasabi nito sa kaniya at ni Isagani ay bukas pa ng tanghali ang dating nito kasama ang mga anak nito at ilan pang mga bisita. “What is he doing here, kuya?” pabulong na tanong niya sa pinsan kahit pa nga nakapinta ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa paparating na matanda na noon ay malapad ang pagkakangiti sa kanila ni Isagani at kasunod ang bodyguard nito at isang bellman na may sulong na mga gamit nito. “Wow! Look at that!” anas niya pagkakita sa mga kahon ng regalong nasa baggage trolley.
Imbis na sagutin ang sinabi niya ay iginiya siya ni Isagani na humakbang at salubungin ang abuelo nila.
“Wow! I thought you’ll be coming tomorrow, Lolo?” magiliw na tanong ni Isagani sa abuelo pagkaalis nito ng akbay sa kaniya at paglapit nito sa lolo nila.
Gumanti ng yakap si Felipe sa apo bago sumagot habang yakap pa rin si Isagani.
“I supposed to come early to watch your rehearsal but there were some problems at the airport before our departure,” paliwanag nito saka tinapik-tapik ang apo. “How do you find the place, hijo?” usisa nito pagkakalas ng yakap kay Isagani.
“It’s perfect, Lolo, just as how we expect it to be,” positibong sagot ni Isagani.
Tumango-tango ang matanda bago bumaling sa kaniya.
“How about you, hjja? Are you having fun so far?” tanong naman sa kaniya ng abuelo niya.
“So much, Lolo!” diretsang sagot naman niya bago yumakap sa matanda.
“By the way, why are you here in the hallway? Nasaan si Celine?” pagdaka’y usisa nito patungkol sa pamangkin niya.
“Ah, she’s about to go to Pinky’s room, Lolo,” singit na sagot ni Isagani.
“Oh, is that so? Well then, sabay na tayo. I brought these gifts for her,” tila walang pagdududa namang yaya sa kaniya ng lolo nila. “How about you?” usisa naman nito kay Isagani.
“I just went there, Lolo. I was actually heading to my room when I saw Millie here,” sagot ni Isagani, bagay na totoo naman. Pagkakain ng dinner ay inihatid na nito ang nobya sa kuwarto nito.
Napa-exhale na lang siya at palihim na napailing sa ginawi ng pinsan. Halata kasi na may itinatago ito dahil sa pagka-defensive. Minsan, hindi talaga ito marunong magsinungaling kaya madaling mahuli, eh.
“Then, let’s go, Lolo. Sobrang nakakapagod ang rehearsal kanina so, I’m sure na gusto na ring magpahinga ni Pinky, Lolo,” singit niya bago pa man makapansin nang kakaiba ang lolo nila. Pinandilatan pa niya si Isagani nang igiya niya ang abuelo patungo sa kuwartong kinaroroonan ng bride.
“Let’s go then,” pagsang-ayon naman nito bago tinanggap ang kamay niya nang iangkla niya iyon sa braso nito saka sila magkapanabay na naglakad habang si Isagani, ang bodyguard ng lolo niya, at ang bellman ay pawang sumunod naman sa kanila.
Ilang katok ang ginawa nila bago nagbukas ng pinto si Pinky na noon ay nagulat nang mapagbuksan si Don Felipe na kasama nila.
“Lolo?” tila hindi pa makapaniwalang sambit nito saka nagtatakang nagpasalit-salit ang tingin sa kanila ni Isagani.
“Hello, hija,” bati ni Don Felipe sa hindi kaagad nakamaang na dalaga. Humakbang papasok ang matanda at niyakap si Pinky habang sila naman ay sumunod na rin ng pasok sa silid nito. “These are all for you, hija,” wika nito patungkol sa mga regalong noon ay isa-isa nang ibinaba ng bellman. Ang bodyguard naman ng lolo niya ay kinuha ang dalawang luggage na naroon din sa trolley.
“Wow, Lolo! You shouldn’t have to,” nahihiyang sambit ni Pinky pagkakalas nito ng yakap kay Don Felipe.
“Oh, it’s nothing,” balewalang wika ng matanda. “Do you want to tell her something, hija?” baling ng matanda sa kaniya patungkol sa dahilan ng pagpunta niya sa silid ng matalik na kaibigan.
“Ah, actually, I just wanted to borrow a swimsuit,” mabilis ang isip na dahilan niya bago pinandilatan si Pinky. “The blue one. The one I told you earlier.”
“Ah, okay, wait,” pagsakay naman ng best friend niya sa pakulo niya bago nagmamadaling kinalkal ang cabinet at iniabot sa kaniya ang one-piece na swimsuit.
“I know that you’re tired, hija. Hindi na kami magtatagal. See you tomorrow at breakfast, all right?” Tinapik nito ang balikat ni Pinky bago bumaling sa kanila ni Isagani. “Let’s go,” yaya na nito sa kanila palabas.
“Bye,” paalam niya sa kaibigan bago niya ito binulungan ng ‘thank you’ pagkayakap niya rito bago sumunod sa lolo niya papalabas ng silid ni Pinky.
“See you tomorrow, baby. Pahinga ka na,” pahabol pa ni Isagani saka hinalikan sa labi ang nobya bago tuluyang sumunod sa kanila.
Imbis na dumiretso siya pabalik sa silid nila ni Celine ay napilitan tuloy siyang ihatid na muna ang abuelo sa tutuluyan nitong silid kasama ang bodyguard nito at ang Kuya Isagani niya. She was actually expecting him to just throw them out and tell them to meet tomorrow morning instead, but he asked them to go with him at the seaside and walk by the beach.
Mula sa nilalabasan nila ay tanaw niya ang umpukan ng mga tao sa may seaside na nanonood ng performance ng banda roon sa may stage. Walang-kibuan silang tatlo habang binabaybay ang kahabaan ng beach habang ang bodyguard naman ng lolo niya ay matamang nakasunod sa kanila.
Makalipas ang ilang sandali ay tumigil sa paglalakad ang lolo niya malapit sa may lifeguard tower, ang lugar kung saan sila nagtambay ni Celine kaninang umaga. Tumikhim muna ang matanda at saka nag-umpisang magsalita. Her heart was pounding like crazy dahil sigurado siyang may kinalaman sa kaniya ang sasabihin nito sa kanila.
“As you are all aware of,” umpisa ni Don Felipe na seryoso silang tiningnan ni Isagani. He means business by the way he looked at them and based on the tone of his voice. Ito ang pagkakataon na alam niyang wala silang dapat gawin kundi pakinggan ang mga sasabihin nito. “I already found a husband for Millie,” dugtong nito. Tama nga ang hinala niya.
Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang napalunok. Kahit pa nga alam na naman niya iyon at alam niyang nakatakda siyang ikasal sa lalaking ni hindi pa niya nakikita at nakikilala, hindi pa rin siya ready na malapit na talagang mangyari ang bagay na iyon sa buhay niya. Ang makilala ang lalaking nakatakdang mapangasawa niya at makasama habambuhay ay tila hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya.
“And I believe, he’s already here in the island to finally meet you. He came here before all of us did,” lahad ng lolo niya na ikinagulat niyang talaga maging ni Isagani na napatingin pa sa kaniya sa nagtatakang paraan.
“What?” magkapanabay na wika nito sa kanila na tila ba hindi naman nila talaga dapat ikagulat ang mga sinabi nito ngayon-ngayon lang. At ano ang ini-expect nito na maramdaman nila? Matuwa dahil sa pangso-sorpresa nito sa kanila? Una ay bigla na lamang dumating ang abuela nila nang maaga at walang pasabi tapos heto at ina-announce sa kanila na nandito ang lalaking mapapangasawa niya?
“Well… we were just… surprised,” dahilan ng Kuya Isagani niya. Bahagya pa siya nitong siniko kaya siya tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.
Okay, sa palagay niya nga ay posibleng pumunta ang lalaki kasabay ng mga matatanda. Ang lakas naman ng loob niyon na nauna pa talaga itong pumunta roon kahit wala pa ang abuelo niya na magpapakasal sa kanilang dalawa!
Nagkibit-balikat ito habang amused na nakatingin sa kanilang magpinsan.
“He usually comes here for vacation and he practically do pretty much whatever he wanted to do here at the resort as he used to be a long-staying guest here, I believe,” paliwanag ng lolo niya bago iginala ang mga mata sa paligid saka napangiti. “Oh, there he is,” anito bago kinawayan ang papalapit na lalaki.
Ganoon na lamang ang gulat niya at tila ba tumigil ang pagtibok ng puso niya nang mamataan ang lalaking noon ay papalapit sa kanila. He swallowed a big lump as she set her eyes on the man who has a perfectly-carved body and who was walking towards them like a ramp model!
Nag-alis siya ng bikig sa lalamunan dahil pakiramdam niya ay bigla iyon nanuyo habang tila binabayo ang dibdib niya sa sobrang kaba… at saya? Eh, paano ba naman, the man who is approaching them and now looking at her as well is the man who’s been causing her heart to go ballistic, jump, and beat like crazy! The man she remembered running towards the waves the moment she looked at the seaside by their room, the one who saved her from that volleyball, and the man who made his heart skipped a moment and awaken the butterflies in her stomach this morning!