‘CALM down, Millie! Calm down!’ paulit-ulit na saway ng isip ni Millie sa sarili niya habang hindi magkamayaw ang dibdib niya sa pagtibok at ang mga mata niya ay hindi mapagkit sa pagkurap at pagtitog aa lalaing noon ay papalapit sa gawi nila.
Humakbang pasulong si Don Felipe habang ang Kuya Isagani naman niya ay nakakunot ang noo na nakatitig sa kaniya.
“Are you all right, Millie?” pagdaka’y pauntag na tanong nito sa kaniya nang mapuna siguro nito ang reaksyon niya. Iginiya rin siya nito na sumunod sa abuelo nila papalapit sa lalaking nakatakda niyang mapangasawa.
Walang-kibo siyang nagpatianod at tumango. Lalo pang tila nagrambulan ang mga paroparo sa sikmura niya nang mahuli ng lalaki ang mga mata niyang nakatitig dito.
‘Sh*t! How can he be so attractive under the moonlight?’ tila habang na bulong ng isip niya.
Papalapit na ang lolo niya nang papalapit dito habang ang mga mata naman nito ay nakipaghinang sa kaniya pansumandali bago ngumiti. Awtomatikong tila nagputulan ang fireworks sa sistema niya dahil sa ginawing iyon ng lalaki. Lalo na siyang hindi makahinuha!
She swallowed a lump and heaved a deep sigh nang tuluyan nang magkatapatan ang lolo niya at ang lalaki. Nagmamadali siyang naglakad kaagapay ang nagtataka niyang pinsan habang kita niyang tumigil ang lalaki sa tapat ng lolo niya at saglit na nag-bow at nakangiting kinausap ang lolo niya.
She immediately frowned when the man continued walking away from his grandfather and stopped walking again to greet her and Isagani.
“Good evening, Sir, Ma’am,” bati nito sa kanila bago nagpatuloy sa paglalakad.
Nagtataka niya itong tinitigan—mula ulo hanggang paa—at noon niya lang napagtanto kung bakit sila nito binati ng ganoon at kung bakit ilang beses na silang nagkatagpo sa beach. It was not because he was a long-staying guest in the hotel just like he thought he would be as he mistaken him to be her ‘fiancé’, but because he was a staff there judging by the shorts he’s wearing with the logo and name of the hotel in it.
“Millie,” muling pukaw ni Kuya Isagani niya sa kaniya nang lumingon pa talaga siya para sundan niya ng tingin ang papalayong lalaki.
Nagpakawala siya nang malalim na hininga. She was frustrated and disappointed. At one point, she was excited because there was definitely something with that man that she kept on bumping unto him since the day they arrived at the hotel. Plus, the fact that she is unknowingly attracted to him for some reason… oh well, yeah, because he is such an eye-candy! That face, those eyes, that body! D*mn!
Tila naman nagbalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang pagtikihim ng lolo niya pagkatigil nila ng Kuya Isagani niya sa tabi nito.
“Ram, meet my única nieta, Hermelinda Oliviera de Cartajena,” pakilala ng lolo niya sa kaniya sa lalaking ngayon ay kaharap na nila.
Napilitan naman siyang ngumiti kahit pa nga alanganin sa lalaking ngayon ay naka-extend na ang kamay sa harap niya.
“Finally, we meet, Millie,” nakangiting wika nito bago hinalikan ang likod ng palad niya nang makikipagkamay sana siya rito. “I'm Ramon Mariano Castañeda,” pakilala naman nito sa sarili niya pagkaangat nito ng ulo at pagsalubong sa mga mata niya.
“Castañeda?” kunot ang noong bulong niya na naisatinig pala niya saka niya nilingon ang abuelo na naroon ay malapad ang pagkakangiti sa kanilang dalawa at kakikitaan ng satisfaction.
“Yes. He is the only son of Senator Ramon Castañeda. The senator as well as owner and CEO of Castañeda Real Estate Company,” pagkumpirma ng lolo niya sa iniisip niya.
Awtomatiko niyang inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya saka siya napabaling sa lolo at pinsan niya at binigyan ang mga ito ng pagtutol na tingin.
Muli namang nag-alis ng bikig sa lalamunan ang lolo niya upang alisin ang tensyon na nagsisimula nang mamuo sa pagitan nila.
“Hi, I’m Isagani. Millie’s older cousin,” pakilala naman ng Kuya Isagani niya sa sarili kay Ram upang kahit papaano ay mabaling dito ang atensyon ni Ram na noon ay awkward na nakatingin sa kaniya.
Sa loob ng halos kalahating oras ay nagpatianod na lang siya sa tila agos ng konbersasyon ng tatlong lalaki habang binabaybay nila ang kahabaan ng dalampasigan. Gusto nga sana niyang sabihin sa mga ito na gusto niyang manood ng pagtugtog ng banda na kasalukuyang naroon ngunit binigyan siya ng nagbabantang tingin ng Kuya Isagani niya kanina.
“Ram here has a collection of Renaissance paintings in Cebu, hija,” imporma ng lolo niya sa kaniya nang pabalik na sila sa loob ng hotel. Nag-aya kasi si Ram na ipagpatuloy ang pagkukuwentuhan sa lobby ng hotel.
Isang matipid na ngiti lang ang itinugon niya at hindi na nagkomento pa.
Ramon Mariano Castañeda is as tall as her cousin, Kuya Isagani. He’s thin and not as fit as his cousin though. Ram actually has a lighter complexion than her and now that they are inside, she could see that he is well-groomed. And when she says well-groomed, she meant that his eyebrows were neatly plucked or shaved, his face is pampered regularly with facial and his hair is also well-taken care of based on how shiny it is.
“Ahm, Lolo, can I excuse myself? I’m actually feeling a bit tired because of the rehearsal earlier,” dahilan niya bago pa man sila gumiya sa may lobby.
“I’ll send her to her room, Lolo. I also have to do some errands for the pre-wedding dinner tomorrow,” kaagad namang volunteer ni Kuya Isagani niya. Sigurado siyang gumawa lang din ito bg dahilan para makawala sa awkward na sitwasyon. Hindi kasi ito masyadong friendly at palakibo lalo na sa mga bagong kakilala pa lang.
“Well…” alanganin pa muna itong tumingin kay Ram.
“It’s okay, Felipe. Let them rest, after all, we need to catch up,” pahintulot naman ni Ram na matamis na ngumiti sa kaniya habang tumatango-tango.
Nagpakawala ng hininga ang lolo niya at saka tumango na rin.
“Well then, see you tomorrow morning at breakfast. You should all come down by eight in the morning,” pagsang-ayon na rin ni Don Felipe.
“Excuse us,” mabilis niyang paalam bago pa man magbago ang isip ng lolo niya at saka nagpatiuna nang lumakad patungo sa may elevator.
“I can’t believe that lolo is doing this!” kaagad na reklamo niya kay Kuya Isagani niya nang ihatid na siya nito at hilahin niya ito papasok sa kuwarto niya.
“Why? What’s wrong and what do you mean?” nagugulumihanang tanong ni Kuya Isagani niya.
She took a deep breath to at least calm herself down then crossed her arms above her chest.
“Did you already forget? That company tried to buy part of the hacienda, especially the vineyard of lola the paglalahad niya sa pinsan niya na lalong ikinakunot ng noo nito. Napailing na lang siya. Mukhang wala ngang alam ang pinsan niya sa nangyari noon. “They even tried to talk to my parents to convince lolo to sell the vineyard, to which, my mom strongly disagreed. That was lola’s and my mom wanted to keep it and the winery to the next generation. And guess what they did to my mom…” Hanggang ngayon ay inis na inis pa rin siya sa tuwing maaalala ang nangyaring iyon sa hacienda. She was young but she remembered it all like it only happened yesterday!
Umiling si Kuya Isagani niya habang hinihintay ang susunod na sasabihin niya.
“They removed all her art exhibits all over the province and even in Manila,” lahad niya na lalong ikinalalim ng gitla sa noo ng pinsan niya.
“Wait! How did you know all of that when you are still a kid? I remember that when we had to went over the hacienda and get two of your mom’s paintings,” anito sa nagtatakang paraan.
“I was barely a teenager,” pagtatama niya. “I heard my parents talking about it and keeping it from lolo. They don’t wanna burden lolo ‘cause he had a business relationship with the Castañedas even before,” paliwanag niya.
Nagbuga ng hangin si Kuya Isagani niya at saka nagpamaywang habang nakatutok ang mata sa kawalan.
“So, what’s your plan? Do you wanna stop your engagement with him?” usisa ng pinsan niya pagkatapos ng makailang segundo na pagmumuni-muni.
“I hate their family,” nakabusangot na wika niya saka siya sumalampak sa kama.
“Look, it is his parents, not him, who did that to your mom. I mean, mukha naman siyang mabait and have a mind of his own—”
“Kuya, apple doesn’t fall far from a tree. Besides, what if they are doing this to get what they wanted years ago? What if this is their chance to get the vineyard once and for all?” nag-aalalang katwiran niya, bagay na naisip rin siguro ni Kuya Isagani niya dahil medyo natigilan ito.
“You do know that Lolo will not let you disagree with his decision with such claim. I mean, it is not reasonable enough to—”
“Then I will give him a reason to stop my marriage with a Castañeda once and for all!” matigas na sambit niya.
“Stop that non-sense, Millie! Are you crazy!” saway naman kaagad sa kaniya ng pinsan.
“Yes, I am. Besides, I don’t wanna get married with someone I barely knew, much more to someone I’m not in love with!” protesta at katwiran niya bago siya tumayo at naglakad patungo sa may veranda. “I’ll run away if I must!” bulong pa niya habang nakatanaw sa beach. And for the fifth time, she found herself staring at the very man she adored the first time she laid her eyes on him… the man with a killer smile and a killer body, who, for some reason, looked up at her before walking away again.