CHAPTER EIGHT

1650 Words
NANATILING nakatayo si Millie sa harap ng glass door ng veranda at nakatitig sa kawalan kahit pa nga ilang minute na ring nakalabas ng silid si Kuya Isagani niya. Nagpakawala siya ng hininga at saka muntik nang mapahiyaw nang bigla na lamang dumungaw sa glass door si Celine mula sa labas! “Bulaga!” tudyo pa nito na itinaas pa ang dalawang palad sa tabi ng mga pisngi nito saka iyon sinundan ng pagtawa. “Oh, sh*t!” Halos mapalundag sa gulat si Millie sa ginawa ng pamangkin niya at awtomatiko niyang nadala ang kamay sa dibdib niya sa labis na pagkagitla. Tawa nang tawa namang pumasok sa silid si Celine at saka muling isinarado ang pintuan. “Ouch! Ouch!” daing agad nito nang pagkapasaok na pagkapasok nito ay piningot niya ang tainga nito s ainis niya at iginiya ito patungo sa inookopang kama nito. “What were you thinking, huh? I almost had a heart attack!” reklamo niya  sa pamangkin na pagkaalis niya ng pagkakapingot sa tainga nito ay binirahan nito ng tayo at layo sa kaniya bago tumawa nang tumawa. “You should look at your face, ate. You looked so funny!” hagikhik nito habang hawak pa ang tiyan. Pinangunutan niya ito ng hininga at gigil tinaasan ng kilay bago ito mataray na tinanong. “And what the hell are you doing outside, Celine Oliviera?” kastigo niya rito. Umayo ito sa pagtayo at unti-unti hinamig ang sarili para tumigil sa pagtawa bagama’t nakangisi pa rin bago ito lumapit sa kaniya. “I thought lolo was with you when you opened the door, so, I sneaked out for a bit before he scolds me,” katwiran nito. She couldn’t agree more when she scanned what Celine was wearing—a white with sunflower design two-piece swim suit that she just covered with a see-through white cover up that is mid-thigh length. “Yeah. Definitely!” sang-ayon niya saka ito muling tinaasan ng kilay pagtaas niya ng tingin dito. “And where do plan of going with that swimwear, huh?” usisa niya. Halata kasing may binabalak ang pamangkin lalo at ito na ang huling araw na makakapaglamyerda ito sa hotel dahil bukas ay darating na ang magulang nito at tiyak na hindi ito papayagan ng mga ito na magsuot ng masyadong revealing na damit. “Where else? I’m gonna go over the pool—” “Alone?” nakakunot ang noong putol niya sa sinasabi nito. “You know very well that I’m cool with you wearing whatever you want because I know the feeling of being suppressed, but, Celine, I will not tolerate the sneaking out alone just because you wanted to have fun. You should have told me your plans so I could have asked the girls to accompany you,” sita niya rito bago siya nagpakawala ng hininga. “Get changed. Lolo might come here,” babala niya kahit pa nga malamang sa hindi ang pagpunta ng abuelo roon. Nahalata niya rin kasi na pagod na rin ito mula sa biyahe at kung may gusto man itong pag-usapan patungkol sa kaniya at sa inirereto nito sa kaniya ay baka ipagpabukas na lamang nito iyon. “Oh, geez! Why is he even here now? I thought all of them are coming tomorrow before lunch?” inis na sambit ni Celine habang kumukuha sa cabinet ng pamalit na damit. Humugot siya nang malalim na hininga bago humiga sa kama niya. “I met my fiancé. Apparently, he’s been here for days and—” pahayag niya na agad nitong pinutol nang nandidilat itong nagsalita habang papalapit sa kama niya. “No way! He was here?” hindi makapaniwalang tanong ni Celine sa kaniya bago nito pinarolyo ang mga mata nang tumango siya bilang kumpirmasyon. Umupo pa ito sa tabi niya bago siya niyugyog. “My God, ate. Don’t tell me that he was spying on you!” hula nito, bagay na naisip na rin niya kanina nang sabihin ng lolo niya na naroon na ang lalaki sa isla ilang araw na mula ngayon. “Perhaps,” pakli niya saka siya muling bumangon paupo at muling nagbuga ng hangin galing sa kaniyang dibdib. “He’s quite good looking, tall and so freaking white like Edward Cullen white!” “Whoah! Really?” napangangang sambit nito sabay takip ng kamay sa bibig habang mas nanlaki pa ang mga mata. “And he’s from which family? What is his name? How old is he?” sunod-sunod na tanong ni Celine. “His name is Ram and he is Senator Ramon Castañeda’s only child and the lone heir to the Castañeda Real Estate Company,” imporma niya. “Oh, my! You are so freaking lucky! I know him, ate! His mother was a teacher there and he is an alumnus of our school. He regularly visits there with his parents whenever there’s school occasion,” pahayag ni Celine na kakikitaan ng paghanga sa pamilya ng mga Castañeda. Lalo tuloy siyang nainis. Paano’y ngayon pa lang, sigurado na siyang magaling magbalat-kayo ang mga ito dahil nga nasa politika ang daddy nito at natural lang na umakto ang mga ito ng kaiga-igaya para walang masabi ang mga tao laban kay Senator Ramon Castañeda. But she has no plan of changing her way of thinking towards the family who badly treated her mother. She is one hundred percent sure that there is a reason why they agreed Ram to arranged his marriage with him. Of course, there is an obvious ulterior motive that perhaps, his grandfather doesn’t even know or aware of since her parents never told Don Felipe about what the Castañeda did. “I don’t like him, Celine. I don’t wanna get involved with their family, much more to that man,” bulong niya bago siya nagpakawala ng hininga at binirahan niya ng tayo pagdaka’y humakbang patungo sa banyo. She needs to release her anger and she needs to thinks straight. A cold shower will do good to her body and mind… hopefully.   ***   HABANG nagbibihis matapos ang shift niya ay hindi maiwasan ni Ryan ang magtaka. Ilang beses na kasing nagtatagpo ang landas nila ng babae na nakita niya kanina sa beach na may mga kasamang isang matandang lalaki at isang lalaki na ilang taon lang siguro ang tanda rito. Ito rin ang babae na muntik nang matamaan ng bola kahapon ng umaga. He had seen her around the beach and the hotel at sa tuwinang nagtatagpo ang mga mata nila ay palagi nalang itong tila ba natutulala na para bang nangingilala. At ang nakapagtataka ay maging siya ay nag-iisip na nakita niya na rin ang babae dati ngunit hindi lang niya matukoy kung kailan at saan. Her face was so familiar to him that every time he’s free, he couldn’t help himself not to think of her or where he could possibly meet her. Napukaw lang ang paglalayag ng isip niya nang biglang mag-ring ang phone niya. He has been trying to ignore the phone calls since yesterday. “Uy, sagutin mo na kaya ‘yan. Kanina pa ring nang ring ‘yan, ah,” untag ng isang kasamahan niya na kasama niyang nagbibihis sa locker. He was about to ignore the call but he mistakenly answered it. Wala na siyang nagawa kundi kausapin ang nasa kabilang linya. “Yes?” malamig pa sa yelong bungad niya sa kausap. “Ryan, bukas na ang huling lamay ng daddy mo. Baka naman—” salubungin kaagad ng kausap niya. Nasa tono nito nito pagsusumamo at pakiusap. “Do whatever you want just don’t lay him beside my mom’s grave,” malamig pa ring wika niya bago sana ibaba na ang tawag nang matigilan siya sa sumunod na sinabi nito. “Doon siya nakatakdang ilibing, Ryan. Iyon ang isa sa huling kahilingan niya bukod sa makita kang muli,” pahayag ng kausap niya. Nagpakawala siya nang pagak na tawa bago iiling-iling n nagpakawala ng hininga kasabay ng pagsarado niyang pinto ng locker niya. Labas na siya ng locker at nang masiguradong walang ibang tao na malapit sa kaniya habang binabaybay niya ang hallway papalabas ng staff entrance ay saka siya nagsalita. “Bilib na din talaga ako sa kaniya, eh, ‘no! Hanggang sa kabilang-buhay, sarili pa rin niya ang inisip niya,” disappointed na sambit niya habang tiim ang mga bagang niya. “How about me? Paano naman ako? Paano naman ang gusto ko? Nanay ko ang nakalibing doon! Wala ba akong karapatang humindi?” bagama’t mahina at mariin na pahayag niya. “Nakausap na namin ang abogado ng pamilya ninyo. Tinatawagan ka rin niya kanina pero hindi ka sumasagot—” wika naman ng nasa kabilang linya. “Save it. Tama na! Bahala ka na. I’ll transfer my mom’s remains then!” “Ryan—” anas nito. “Huwag mo na ako ulit kokontakin! Ikaw… Ikaw ang dahilan kung bakit lumaki akong hati ang atensyon ni daddy! Ikaw ang dahilan kung bakit kami iniwan ni daddy! Inagaw mo ang tatay ko sa akin, bakla!” galit na galit na wika niya saka ito bababaan sana ng tawag nang sumagot ito. “Kami na ng daddy mo nang umeksena ang nanay mo. Huwag mong ipamukha sa akin na ako ang nang-agaw dahil naanakan lang ng daddy mo ang nanay mo. Ako… ako ang nauna at ako ang mahal ng tatay mo… sa ayaw at sa gusto mo!” ganting sigaw nito bago siya binabaan ng telepono. Awtomatiko siyang napatigil sa paglalakad saka kunot-noong napatingin sa tangan na telepono. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa telepono at nagtiim ng bagang. Pakiramdam niya ay nanlalamig ang buong katawan niya at hindi mapakali ang dibdib niya sa pagtibok. All this time, ang itinanim sa kaniya ng mommy niya ay galit para sa ama. Paano kung totoo ang isiniwalat ni Christian, ang kinilala niyang kalaguyo ng daddy niya mula noon magpasahanggang ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD