IGINUGOL ni Millie ang buong maghapon niya sa opisina. Na-excite siya sa nalaman na susubukan ni Mang Jener na magtanim at bunuhay ng Merlot grapes kaya naman kinuha niya ang mga wine diary ng Lola Oliviera niya at saka hinanap ang Merlot wine na nasa pagitan ng chocolate at fruitcake ang lasa. Ayon kasi kay Mang Jener, iyon ang paborito ng Lola Oliviera niya and then an idea popped out from her head. She suggested na gawing highlight ang new version ng Merlot wine pero ayon pa rin sa instruction ng Lola niya. Binawi rin niya niya idea na ‘yon dahil nga ayon kay Mang Jener ay bihirang-bihirang mabuhay ang Merlot sa Pilipinas bagama’t posible naman lalo na kung magaling ang mag-aalaga at maganda ang cultivation ng lupa, idagdag pa ang direct sunlight na kailangan nito para lumabas ang aroma

