PAGKATAPOS kumain ng pananghalian kasama ang mga tauhan sa vineyard at winery ay himalang tumawag sa kaniya ang asawang si Ram. Kasalukuyan silang nasa staff room ng vineyard kung saan mayroong maliit na mga lamesa para dining at maliit ding kusina para lutuan ng pagkain. Mayroon ding dalawang kuwarto doon para pahingahan ng mga trabahador. “You left early this morning,” sabi nito nang sagutin niya ang phone. “Yup. I had to meet a client from Manila first thing in the morning,” aniya. Ikinipit niya sa pagitan ng tainga at leeg niya ang phone at saka siya naghugas ng kamay. “Kumain ka na?” tanong nito. Naririnig niya sa kabilang linya ang malamang musika. “Yup. Ikaw?” tugon niya. Muli niyang hinawakan ang phone niya matapos niyang magpunas ng kamay saka siya minuwestrahan ang mga tau

