KULANG na lang ay lumabas ang puso ni Millie mula sa rib cage niya habang papalapit sila ni Celine sa rent-a-board shop kung saan kasalukuyang nakatayo si Ryan kausap ang isang lalaki na sa kasingtangkad rin nito. She swallowed a dry lump and took a deep breath. Pakiramdam niya ay nahihibang na talaga siya. Kagabi ay hindi siya nakatulog nang maayos dahil inokopa ng binata ang diwa niya magdamag. Ngayon naman ay heto siya at tila ba sinusuntok ang dibdib sa lakas ng t***k niyon pagkakita pa lang dito. At por Diyos por santo, matapos ng nangyari kagabi ay tila ba mas sumidhi pa ang pagkagusto niya sa binata. And it is really atypical of her to be like this interested with man who doesn’t seem interested at her, though, there have been moments that he caught Ryan glancing at her… but in a

