AWTOMATIKONG kumunot ang noo ni Ryan habang kasalukuyang nasa may gilid ng stage at naghahanda sa pagpe-perform. Hindi rin niya mawari kung bakit sa dami ng tao sa loob ng plaza ay talagang naagaw pa ng pansin niya ang babaeng nakaupo sa isang bench malapit sa gilid ng stage kung saan naroroon ang banda nila at nahihintay sa cue ng stage director para sa pag-akyat ng grupo nila sa stage. Saka pa lang siya nakamaang nang biglang agawin ni Vince ang atensyon niya. Pati ang malalakas na pagtawag ng mga nanonood sa pangalan ng grupo nila ay tila hindi na niya naulinigan dahil mas malakas pa ang pagkabog ng dibdib niya kaysa sa chanting na ginagawa ng mga local fans nila. “Let’s all welcome, The Baywatcher!” pakilala ng host sa grupo nila bago sila isa-isang umakyat sa stage. Bitbit ang kan

