HINDI nga nagkamali si Millie ng kaniyang sapantaha. Nasa sasakyan pa lang sila ng hotel car na sinasakyan nila ay tanaw na nila ang ragasa ng tao sa maliwanag na parte ng lugar na sa tingin niya ay ang plaza. Katapat niyon ay ang isang ‘di kalakihang simbahan at isang gusali na dalawang palapag na wari niya ay ang munisipyo. “Wow! Ang daming tao! Is it always like this here whenever there’s an event?” Celine exclaimed, asking the driver. “Kada tatlong taon po ay dito isinasagawa ang Battle of the Band, Ma’am. Kaya po fully-booked din po ang hotel at mga paupahan ngayon dahil sa contest na ‘yan bukod pa sa peak season na rin po ang summer ngayon,” tugon ng driver. “Aha!” tumatango-tangong anas niya habang nakatingin sa harap bago siniko si Celine at inginuso ang pinto sa gawi nito saka

