HINDI na alam ni Ryan kung pang-ilang baso na ang naiinom niyang alak. Ang tanging alam niya, kahit papaano ay nababawasan nang kaunti ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang puso. Kahit papaano ay nagiging manhid ang pakiramdam niya bagama’t alam niyang kinabukasan, matinding hangover lang naman ang mahihita niya sa paglalasing niyang iyon. Muli sana niyang tutunggain ang alak na kakasalin lang niya nang pigilan ni Divine ang kamay niya na nakahawak sa baso. “That’s enough. Lasing na lasing ka na,” anito saka umupo sa katabi niyang upuan. Kumunot ang noo niya at saka iwinaksi ang pagkakahawak nito sa kaniya at itinuloy ang pag-inom sa alak. “Why are you here?” seryosong tanong niya rito pagkalapag niya ng baso sa bar. Sumandal siya sa bar stool at ipinihit iyon paharap sa dalaga

