“YOU’RE staying in Manila for a week?” magkasalubong ang kilay na tanong ni Millie sa asawang si Ram nang pagpasok niya sa silid nila at paglapit dito ay iyon kaagad ang sinabi sa kaniya ng lalaki habang nasa harap ito ng laptop. Kadarating lang nito at hindi pa nga nakakapagpalit ng damit habang siya naman ay kadarating lang din galing sa winery. Naunahan pa siya nitong makauwi ng mansyon dahil tumulong pa siya sa pagpe-prepare at pagkakahon ng mga wine na nakatakdang pick-up-in bukas ng isang buyer niya na mula pa sa Maynila. Isang linggo’t mahigit na mula nang umuwi sila sa hacienda galing sa honeymoon nila. Magkasundo naman sila ni Ram at hindi ito nag-i-impose na may mangyari sa kanilang dalawa magpasahanggang ngayon, bagay na ikinatutuwa niya dahil patunay iyon na nirerespeto nit

