CHAPTER THIRTY

1242 Words

PAPALABAS na ng mansyon si Millie nang matanaw niyang papabalik na ang lolo niya kasama ang mga bisita nito. Kaagad siyang pumihit at bumalik sa loob at nagpasyang dumaan sa likod-bahay patungo sa vineyard. “O, magmimirindal ka na ba?” gulat na tanong sa kaniya ni Manang Rosa pagkabungad niya sa kusina. “Busog pa ako, Manang Rosa. I’ll go to the vineyard,” nakabusangot na sabi niya at saka napasamyo sa niluluto ng matanda. “What are you cooking?” tanong niya bago lumapit sa kalan at tiningnan ang niluluto nito. “Ginataang bilo-bilo,” nakangiting sambit  nito habang patuloy sa paghalo ng niluluto. “Señorita, bagong pitas ang langka at kamote na isinahog ni nanay diyan,” mula sa labas ay dagdag ni Lily habang bitbit ang ilang piraso ng bagong pitas na gulay mula sa hardin. “Really?” na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD