AFTER two years… Pagkalabas ng PICC at pagkuha ng mga litrato kasama ang mga daring kaklase at professors ay nilapitan na ni Millie ang abuelo na nakangiting nag-aabang sa kaniya. She just graduated but she knows that her degree is not that important to her grandfather. Her love for arts has nothing to do with business nor being a housewife. “Congratulations, única nieta,” salubong na bati ng matanda sa kaniya nang halikan niya ito sa pisngi at saka ito niyakap nang mahigpit. “Thank you, lolo,” tugon niya pag-alpas niya sa yakap nito. “Congrats, Millie,” mula sa likuran niya ay bati sa kaniya ni Ram. “Oh, you came,” maang niyang sambit at saka nakangiting kinuha mula rito ang isang pumpon ng bulaklak bago tinanggap ang paghalik nito sa pisngi niya. “Of course!” sambit naman ni

