Amari's POV - "I know you. Ikaw ang babaeng dinala ko kanina sa clinic. Dahil bigla nalang hinimatay. Kumusta ang pakiramdam mo? Medyo madungis ka kasi kaya hindi kita namumukhaan agad. Dalawang beses ko lang kasing nakita ang larawan nyong dalawa." ang sabi agad ni Harold pagkatapos nya akong titigan. Sya pala ang lalaking nagdala sa akin sa clinic. Mabuti nalang at hindi ako pinabayaan ng panginoon dahil isang mabuting tao ang nakapulot sa akin. Nakaupo na kami sa upuan na gawa sa kawayan. Magkatabi kaming dalawa ni Saskia habang nakaupo naman sa kabila si Harold. "Nahimatay ka kanina?" nabaling ang atensyon ni Saskia sa akin. Bumulatay sa mga mata nya ang matinding pagkaalala sa akin. "Don't worry, okay na ako ngayon." ngumiti ako kay Saskia para mabawasan ang pagkaalala nya sa a

