Amari's POV ---- Nagising na naman ako sa isang hindi pamilyar na lugar. "It's okay. You'll be fine. Dinala ka lang ng isang lalaki dito sa clinic ko. Nawalan ka daw kasi ng malay sa daan." ani sa akin ng babae na kasama ko dito sa kwarto. "Nawalan po ng malay?" kunot- noo na tanong ko dito. Napaupo narin ako sa kama. "Oo." sagot nito. "Hindi ko masabi kung bakit ka nawalan ng malay. Gutom kaba? Pagod ka ba? O may ibang dahilan pa? Alam mo naman na nag- iisang clinic lang itong klinika ko dito sa atin at kulang pa sa mga kagamitan." Ito pala ang nag- iisang private clinic sa lugar namin. Ngayon palang kasi ako nakapasok dito kaya hindi pamilyar sa akin ang hitsura ng loob. "Oo nga pala. May mga itatanong muna ako sayo bago ka umalis. At kung tugma ang mga sagot mo sa inakala ko, bak

