SBD4: Pakikiusap!

1706 Words
Amari's POV Ayon sa naririnig ko mananatili ng dalawang buwan si senyorito Russell sa hacienda. At ikinabahala ko ito ng sobra. Ano ang gagawin ko sa loob ng dalawang buwan? Saan ako kukuha ng pera para gamitin sa mga gastusin sa paaralan. Hindi naman pwede na aasa lang ako kay Saskia sa loob ng dalawang buwan. Kaya kahit binalaan na ako ni Manang Belen, sinunod ko parin ang kagustuhan ko na kausapin si senyorito Russell. Bawal muna akong pumasok sa hacienda hangga't nandito pa ang senyorito. Ewan ko kung ano ang nagawa kong kasalanan o kung anong meron sa akin, at nagkaroon agad ng allergy ang senyorito sa akin. "Amari, anong ginagawa mo dito? Diba, bawal ka dito." kunot- noo na tanong ni Mang Gustin akin. Sya ang head ng security sa hacienda. "Manong Gustin, pwede po bang pumasok? Gusto ko lang makausap si Senyorito Russell." nagsumamo ang titig ko dito. "Pasensya na. Gusto man kitang papasukin pero ako ang malilintikan sayo. Baka ako na naman ang matanggal sa trabaho. Alam mo naman na kailangan ko ng trabaho. Dalawa ang pinapaaral ko sa kolehiyo." Hindi ko nalang pinilit si Mang Gustin. Alam ko naman kasi ang ugali ni Donya Guardia. Ayaw ko namang mawalan ng trabaho si Mang Gustin dahil sa akin. Kaya umupo nalang ako sa isang gilid. Umaasa na sana lumabas si senyorito Russell at nang makausap ko naman sya kahit sandali lang. Inabutan na ako ng tanghali sa paghihintay. Napakainit na ng panahon at medyo naramdaman ko narin ang gutom. Hindi pa naman ako kumakain ng agahan kanina kasi kinain ng pusa ni tiyang ang ulam na iniwan ni Saskia para sa akin. Mas mahal pa naman ng tiyang ko ang pusa nito kaysa sa akin na pamangkin nito. "Naku bata ka, umuwi kana sa inyo.Tanghali na. Ang init pa ng panahon. Ako na ang naaawa sayo." "Hayaan nyo lang ako dito manong. Kailangan ko lang talagang makausap ang senyorito dahil pag hindi ko sya makakausap baka matigil ako sa pag- aaral ko. Gets nyo naman siguro ang naramdaman ko. Ayaw mong matigil ang anak mo sa pag- aaral. Parang ganun lang din. Ayaw kong matigil ako sa pag- aaral ko." "Bahala ka nga dyan, bata ka!" napailing- iling nalang si Mang Gustin habang nakatingin sa akin. Kaya ko naman magtiis, pag ang kapalit nito ay mabalik ako sa trabaho. Ayaw ko lang kasi na wala akong trabaho sa loob ng dalawang buwan. Malaki ang mawawala sa akin. Ang laki na nang ini- invest ko sa pag- aaral ko. Sayang lang kung mauwi sa lahat ang lahat. Kaya kailangan ko talagang makausap si senyorito Russell. Pag mabigyan lang ako ng pangalawang pagkakataon at napakiusapan ko si senyorito Russell, kahit sulyap, hindi ko gagawin dito. Mas mahalaga parin ang pag- aaral ko. Tiniis ko ang init ng panahon pati na ang gutom, makausap ko lang si senyorito Russell. Lihim akong nanalangin na sana lumabas si senyorito Russell kahit saglit lang na dininig ng panginoon. Nakita ko kasi ang kotse ni senyorito Russell na palabas ng gate. Agad akong nabuhayan ng loob. Mabilis akong tumayo para salubungin si senyorito Russell. Wala akong pakialam sa pawisan na super haggard kong mukha. Binabalewala ko rin ang gutom na naramdaman ko kaya lumakas ako ng kunti. "Senyorito Russell, please, buksan mo ang bintana ng kotse mo. Gusto lang talaga kitang makausap kahit sandali lang. Gumaan ang pakiramdam ko nang binuksan nya ang bintana ng kotse. "What do you want?" "Senyorito, gusto ko lang humingi ng tawad sa nangyari kahapon. Sana patawarin mo ako at hayaan mo na akong bumalik sa trabaho ko. Please naman, kailangan ko lang talaga ng pera. Kailangan ko ng trabaho." pagmamakaawa ko kay senyorito Russell. Sana hindi sya kasing tigas ng Lola nya. "Wala akong pakialam." aniya at agad nyang sinara ang bintana ng kotse nya nya. Muntikan pa akong naipit, mabuti nalang at alerto akong nakaalis agad. Pero dahilan naman ito para matumba ako. Hindi ko kasi napansin ang malaking bato at natamaan ito ng paa ko. Agad naman pinatakbo ni senyorito Russell ang kotse nya. Napaubo ako dahil sa usok na lumabas dito. Napahiyaw din ako sa sakit ng paa ko, hindi ako halos makatayo. Sobrang pananakit ng paa ko. "Naku bata ka, tulungan na kita." agad naman akong tinulungan na makatayo ni manong Gustin. Nahihirapan ako sa paglakad dahil sa sobrang pananakit ng paa ko. Sa tulong ni Manong Gustin, nakaabot din ako sa inupuan ko kanina. Nang nakaupo na ako muli, sinurvery ko ang paa ko. Tama nga ako, nasugatan ako ng bato. Hindi man gaanong malaki ang sugat ko pero dumudugo ito. Napalingon ako sa gilid ko. Maraming hagonoy sa lugar namin kaya umaasa ako na may makita ako na kahit isa dito. Napangiti ako nang may nakita nga ako. Kahit masakit parin ang sugat ko, pinilit kong makatayo para kumuha ng dahon ng hagonoy. Pagkatapos kong gamutin ang sugat ko, bigla nalang nag- init ang bawat sulok ng mga mata ko, hanggang sa naramdaman ko nalang ang pamamasa ng mga ito. Napaiyak ako. Hindi dahil sa sakit na naramdaman ko kundi dahil sa naawa ako sa sarili ko. Pero, kaya ko pa naman. Hindi ako susuko. Hindi ako susuko at alam kong makakausap ko rin si senyorito Russell. Dahil sa biscuit na ibinigay ni Mang Gustin sa akin kaya naibsan kahit papaano ang gutom na naramdaman ko, kaya napagpasyahan ko na hintayin si senyorito Russell. Kahit gabi na, nasa labas parin ako ng gate at hinihintay ko parin si Senyorito Russell. Binabalewala ko ang katotohanan na pinagpyestahan na ako ng mga lamok. Magsasawa din ang mga ito sa akin. Wala naman silang makukuhang dugo sa akin kasi sa tingin ko, nauubusan na ako ng dugo sa paghihintay kay senyorito Russell. Nabuhayan na naman ako ng loob nang nakita ko ang kotse ni senyorito Russell. Tulad ng ginawa ko kanina, humarang na naman ako dito. Muntikan na akong masagasaan, mabuti nalang mabilis na naihinto ni senyorito Russell ang kotse nya. "Ano ba? Ikaw na naman." galit na sambit ng senyorito. Lumabas ito mula sa kotse nito. "Ano ba ang kailangan mo at kanina mo pa ako ginugulo?" "Makikiusap sana ako senyorito, wag mo naman ako tanggalin sa trabaho ko. Kailangan ko lang kasi ng trabaho. Kailangan ko ng pera para sa pag- aaral ko." Madiin syang tumitig sa akin. Galit ang nababasa ko sa mga mata nya. "I really don't care. Ano naman sa akin kung makapag- aral ka at hindi? Dapat ginawa mong mabuti ang trabaho mo. Kailangan mo pala nito." aniya at pumasok sya muli sa kotse nya. Pinaharurot nya agad ang kotse pagkapasok. nya diro. Muntikan na naman akong mahagip nito, mabuti nalang at mabilis akong napatakbo sa gilid. Wala akong nagawa kundi ang mapaiyak nalang. Sa lahat ng hirap na pinagdaanan ko ngayong araw na to, wala man lamang akong napala. Bakit ba kay dali lang tapakan ng mga mayaman ang dignidad namin ng mga mahihirap? Hindi ko mapigilan na itanong ko sa sarili ito. Alam kong wala nang mangyayari sa plano ko kaya napagpasyahan kong umuwi nalang. Habang naglalakad ako, wala naman tigil sa pagtulo ang luha ko. Masakit na nga ang sugat at tiyan ko, pati pa puso ko. Tama nga ang sinabi nila, masama ang ugali ni senyorito Russell. Kung ano iyong ikina- perpekto ng mukha nito, ganun naman kapangit ang ugali. Napatigil ako sa paglakad nang may nakasalubong ako na dalawang lalaki. Sa hitsura ng mga ito, halatang lasing ang mga ito. Napatayo lang ako sa gilid, umaasa na hindi nila ako mapapansin. Aminado akong natatakot ako. Madilim kasi ang lugar at walang ibang tao. Ngayon ko palang naranasan ang umuwi sa amin na mag- isa na gabing- gabi. Sa tingin ko, alas nuwebe na ngayon ng gabi. Kung alam ko lang na wala akong mapapala sa paghihintay ko kay senyorito Russell, sana hindi ko nalang sya hinintay. Ito pa yata ang dahilan kaya mapahamak ako. "Wow pare, tignan mo maganda." nakangising sambit ng isa nang makita ako nito na nakatayo sa gilid. Napalingon naman sa akin ang isa. "Oo nga." sambit din ng isa at ngumisi pa ang mga ito. Takot ako pero hindi ko iyon dapat ipahalata sa kanila. "Hindi ako tao, wag kayong lumapit sa akin. Isa akong engkanto." tangi kong nasambit. Hindi ako nagpapatawa, talagang takot na takot ako sa dalawa. "Engkanto daw pare." ani ng isa, nagtawanan ang mga ito. "Akala ko ba nakakatakot ang mga engkanto. Kung kasing ganda mo naman miss ang mga engkanto, sa engkanto nalang kami, wag na sa tao." Mas lalo pa silang lumapit sa akin. Inihanda ko na ang sarili ko. Wag lang silang magkamali at talagang magagamit ko sa kanila ang kunting alam ko sa martial arts. Hindi paman sila tuluyan nakalapit sa akin ay mabilis akong kumaripas ng takbo. Wala talaga akong alam sa martial arts. Pinaniwala ko lang ang sarili ko na may alam ako. Takbo ako ng takbo, palingon- lingon, siniguro ko na hindi nakasunod sa akin ang dalawa. Sa gitnang bahagi ng daan ako dumaan kasi masyadong nakakatakot ang gilid. Ang dilim na kasi ng buong paligid at baka hindi engkanto ang makasalubong ko kundi mga ligaw na kaluluwa. At dahil sa palingon- lingon ako kaya hindi ko napansin ang kotseng pasalubong sa akin. Nang bumisina naman ito, huli na dahil natumba na ako sa pagkabigla. Liwanag na mula sa ilaw ng kotse ang sumisilaw sa paningin ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. Ito na yata ang katapusan ko. Pero, hindi ko naman naramdaman na parang may tumama sa payat kong katawan. Kaya, ibinuka ko ang mga mata ko.Liwanang parin ang sumalubong sa mga ito. God! Nasa langit na ba ako? Pero, bakit hindi anghel ang nakita kong lumabas mula sa kotse? Bakit isang demonyo na parang anghel ang mukha. Si senyorito Russell kasi ang nakita kong lumabas mula sa kotse. Chance ko na ito para makausap sya ng maayos. At mapakiusapan ko sya tungkol sa trabaho ko sa hacienda. Kaya, bago pa man sya tuluyang nakalapit sa akin, umakto agad ako na nawalan ng malay. Hindi naman siguro nya iiwan ang nabangga nya na nakahandusay sa lupa at walang malay. Maliban nalang kung kasing itim ng puwit ng kaldero namin ang budhi nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD