SBD3: Unang encounter!

1638 Words
Amari's POV Kasalukuyan akong naglilinis ng swimming pool. Mahilig daw kasing mag- swimming ang apo ni Donya Guardia, kaya inutusan ako ni Manang Belen na linisan ito. Nung isang araw pa daw dumating ang apo ni Donya Guardia. Every weekends lang ako nandito kaya hindi ko nakita ang pagdating ng nag- iisang apo ng Donya na si Senyorito Russell. At aaminin ko, na- e- excite ako na makita sa personal ang crush ko. Gamit ang pool cleaning net, kinuha ko ang ilang dahon na nasa pool. Hindi talaga maiwasan na magkaroon ng dahon ang pool, marami kasing puno sa paligid. Sinadyang ilagay dito ang pool para hindi masyadong maabutan ng araw at komportableng maligo kahit pa tirik na tirik ang araw. Masyado akong busy sa ginagawa ko. Habang naglilinis ako, pakanta- kanta din ako. Isa ito sa madalas kong ginagawa para hindi ko masyadong maramdaman ang pagod sa pagtatrabaho. Napasigaw ako kalaunan nang may biglang umahon sa harapan ko. "Hey! Quiet. Ayaw ko nang maingay." boses ng lalaking kakaahon lamang. Natahimik naman ako pero sobrang panlalaki naman ng mga mata ko nang napagtanto ko na ang lalaking kaharap ko ngayon ay ang lalaking madalas kong pinagmamasdan sa larawan na nakasabit sa pasilyo papunta sa kwarto ni Donya Guardia. Hindi nya ako pinapansin. Ni sulyap ay hindi nya ginawa sa akin pero ako naninigas ako habang sinusundan sya ng tingin na lumangoy na naman sa pool. Gusto kong ibaling sa ibang direksyon ang mga mata ko pero hindi ko magawa. "Hey, can you get me a snack." humarap sya sa akin. Alam kong may sinabi sya pero hindi ko masyadong narinig. Sobrang lakas naman kasi ng t*bok ng puso ko. "H- Ha! A- Ano po?" "I said, get me a snack." medyo naiirita nyang sambit. Ewan ko kung ano ang nangyari sa akin. Para akong biglang napatanga sa kanya. Ang guapo naman kasi nya at ngayon lang ako nakakita ng isang lalaki na tulad nya. Guapo at may magandang katawan. Susundin ko na sana ang sinabi nya, pero bigla nyang hinawakan ang kabilang dulo ng pool net na hawak ko, saka nya hinila ito. Nabigla ako sa ginawa nya kaya hindi ko napaghandaan ang pagkahulog ko sa pool. Kumaway- kaway ako dahil hindi ako marunong lumangoy. "I hate stupid." aniya. Halatang banas na banas ang mukha nya. Umalis sya sa pool nang hindi mo man lang ako tinulungan. Patuloy ako sa pagkaway- kaway at paghingi ng tulong pero wala syang pakialam sa akin. Isinuot nya ang roba nya, saka nya hinarap ang cellphone nya. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Naging blurred na ang paningin ko at hindi ko na halos maibuka ang bibig ko. Nasa cellphone parin ang pokus ni senyorito Russell at hindi man lamang nya pinansin ang paghingi ko ng saklolo, hanggang sa tuluyan akong lumubog. Ito na yata ang katapusan ko. ------- Nagising ako sa isang kwarto at nakahiga sa kama. Kunot- noo akong inalala ang nangyari. Napatulo ang luha ko nang maalala na muntikan na akong malunod kanina dahil sa kagagawan ni senyorito Russell. Tapos hindi man lamang ako tinulungan nito. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at si Manang Belen ang pumasok. "Mabuti naman at nagising kana. Sa susunod, mag- ingat ka sa pool, hindi ka naman pala marunong lumangoy. Mabuti nalang nandun ang senyorito para iligtas ka." Kunot- noo akong nakatingin kay Manang Belen. May dala syang isang baso at inilapag nya ito sa side table. "Inumin mo muna itong gatas mo bago ka lumabas dito sa kwarto. Pinatawag ka ni Donya Guardia at galit na galit iyon sa nangyari sayo." Hindi ko na masyadong pinansin ang sinabi ni Manang Belen, nakapokus ako sa sinabi nya na iniligtas ako ni senyorito Russell. "Si s- senyorito R- Russell ang nagligtas sa akin?" paniniguro ko sa narinig ko kanina. "Oo. At wag kang kiligin dyan." Hindi ko mapigilan at bahagya akong napangiti. Buong akala ko, tuluyan na akong pinabayaan ni senyorito Russell pero sya din naman pala ang nagligtas sa akin sa bandang huli. Utang ko parin sa kanya ang buhay ko kahit pa sya naman talaga ang dahilan ng muntikan kong pagkalunod. "Manang Belen, nandyan pa ba si senyorito Russell? Gusto ko kasing magpasalamat sa kanya." "Hindi si senyorito Russell ang kailangan mong harapin muna, kundi si Donya Guardia. Goodluck sayo, alam mo naman ang donya." Malupit nga si Donya Guardia, pero hindi naman siguro ito magagalit sa akin dahil sa nangyari.Nadisgrasya lang naman ako. Kahit nanghihina pa ako, pagkatapos kong inumin ang gatas na inihanda ni Manang Belen, tumayo din ako at napagpasyahan puntahan si Donya Guardia. Pinilit kong maging malakas. Hindi ako dapat magpadala sa pagod at panghihina ng katawan ko. Kaharap ko na ngayon si Donya Guardia. Tulad ng sabi ni Manang Belen, mukhang masama ang mood nito. "Bakit ka nahulog sa pool kanina? Alam mong ayaw na ayaw ko sa mga taong tanga. At dahil sa nangyari sayo, na hindi mo ginawa ng maayos ang trabaho mo kaya wala kang sasahurin sa araw na ito." "Ano po? Naku, maawa naman kayo Donya Guardia. Maraming gastusin sa paaralan." pagmamakaawa ko dito. Sayang ang sasahurin ko sa araw na ito, malaking tulong na iyon sa akin. "Wala akong pakialam. Bakit ka ba kasi nag- aaral? Inaasahan mo ba na makakaahon ka sa hirap dahil sa nag- aaral ka ng mabuti? Ipinanganak kang mahirap at mamamatay ka rin mahirap. Ewan ko kung bakit nagpapakahirap ka pa sa pag- aaral, wala naman mangyayari sa buhay mo. Pagkatapos mong mag- aral ng high school, katulong lang din naman ang bagsak mo. Dahil kailangan ng college degree ang mga magagandang trabaho. Kaya mo ba ang tuition sa kolehiyo?" Aminado ako na nasaktan ako sa narinig mula sa kanya. Hindi ko naman pinangarap ang yumaman, ang gusto ko lang ay magkaroon ng magandang trabaho balang araw. Para matupad din namin ni Saskia ang mga pangarap namin kahit papaano. "Maawa naman kayo sa akin Donya Guardia, kailangan ko talaga ang pera ngayon. Pangako, pagbubutihan ko na po ang trabaho ko." kasalanan ko naman. Kung bakit ba kasi napatulala pa ako nang makita kanina si Senyorito Russell. Malamig ang titig nya sa akin. Wala man lamang akong nakikitang awa sa mga mata nya. Gusto ko nang maiyak. Naalala ko kasi ang paglaanan ko sa sahod ko ngayon. May project kami at ngayong linggo na ito ang deadline. Hindi ko nagawa agad ito dahil sa wala akong pera. Kaya inaasahan ko talaga ang sahod ko ngayon at bukas. "Wala akong pakialam. Mas mabuti nang hindi ka makapasa kasi wala naman din mangyayari sayo." talagang nawalan na ako ng pag- asa na makumbinse sya sa sinabi nya. Hindi ko napigilan at tuluyang napatulo ang luha ko. Saan na ako maghahanap ng pera nito? Alam kong walang pera ang kakambal ko. Ang kita nito ay sakto lang sa pang- araw- araw namin. "Galit din sayo ang apo ko. He hates stupid at ayaw ka na nyang makita dito bukas. Kailangan kitang tanggalin sa trabaho mo pansamantala. Bumalik ka nalang dito kung bumalik na si Russell sa Manila. Ayaw ka nyang makita dito sa loob ng mansyon." Mas lalo akong napaiyak sa narinig. Hindi ko napigilan at napaluhod ako sa harapan ni Donya Guardia. "Donya Gurdia, please wag po. Maawa po kayo sa akin. Pangako, hinding- hindi ako magpapakita kay senyorito Russell habang nandito ako sa mansyon. Kailangan ko po ng trabaho. Please naman po." mangiyak- ngiyak kong sambit. "Wag mo akong iyakan. Hindi ako naaawa sa mga tulad mong tanga. Yan ang napagdesisyunan ko. Bumalik ka nalang dito pag nakaalis na si Russell. Mahigpit nyang sinabi sa akin kanina bago sya umalis na ayaw na nyang makita ang pagmumukha mo dito." Wala akong nagawa kundi ang umiyak habang nakasunod ng tingin kay Donya Guardia na iniwan ako. Ano na ang gagawin ko? Ano na ang pang- allowance ko? Saan ako kukuha ng pera para panggastos sa pag- aaral ko? Ang hirap talaga pag ipinanganak na mahirap. Hindi ko talaga mapigilan ang isipin minsan na sana mayaman nalang ako. Ang simple kong pangarap na makapagtapos sa pag- aaral kahit sa high school lang, ang hirap abutin dahil mahirap lang ako at wala pang mga magulang, tapos ang iba, ginawa lang nilang laro ang pag- aaral. Ginawa lang nilang biro ang isa sa mga pangarap ko. "Okay kalang. Wag ka nang umiyak." alo sa akin ni Manang Belen. Habang tumutulong kasi ako sa kanya ngayon sa paglalaba ng mga bed sheet, wala parin tigil sa pagtulo ang luha ko. "Ano ang gagawin ko manang? Kailangan ko pa naman ng pera." "Ano ba kasi ang nangyari at galit na galit sayo si senyorito Russell? Kahit iniligtas ka nya kanina pero alam ko talagang galit sya. Gusto ko lang sabihin sayo na magka- ugali ang mag- lola." Pinunasan ko ang luha ko. At na- e- kwento ko kay Manang ang nangyari kanina. Na si senyorito Russell naman talaga ang dahilan ng muntikan kong pagkalunod. "Noon palang, binabalaan na kita. Hindi mabait si senyorito Russell, puro pangit ang ugali ng mga nagpalaki sa kanya. Kung pangit ang ugali ng lola nya, double naman sa pagiging demonya ang mommy nya. Kung ano ang puno, sya ang bunga." Tumahimik lang ako sa sinabi ni Manang Belen. Bakit ba kasi ako naging tanga kanina? Pag bibigyan ako ng isa pang pagkakataon, kahit sulyap ay ayaw ko nang gawin kay senyorito Russell. Kahit sulyap pala dito ay hindi pwede. "Kakausapin ko si Senyorito Russell. Makikiusap ako sa kanya na wag naman akong tanggalin sa trabaho. Manang, paano na ang pag- aaral ko? Kahit nga, masama minsan ang pakiramdam ko, pumapasok parin ako sa trabaho ko dito sa hacienda dahil sayang yong isang sahod ko." Wala naman sigurong masama kung makikiusap ako kay senyorito Russell. May puso naman siguro ito kahit papaano sa tulad kong mahirap at nagsusumikap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD