SBD2: The Beginning!

1641 Words
She's back as a Billionaire's Daughter (Start for this chapter are The Past) - Amari's POV Ilang sulok sa lupa, may kubling nalulumbay? Mga sanay sa isang kahig, isang tukang pamumuhay Isang lingon sa langit, nais magbagong-buhay Sa ating mga palad nakasalalay ang ating bukas - Unti-unting mararating, kalangitan at bituin Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning Hawak ngayo'y tibay ng damdamin Bukas naman sa 'king paggising, kapiling ko'y pangarap na bituin - Madamdamin kong inawit ang awitin na syang naglalarawan sa gusto kong mangyari sa buhay ko. Balang araw na tulad sa kantang inawit ko, maaabot ko rin ang pinangarap kong bituin. Matutupad ko rin ang mga pangarap ko. Ako si Amari, ulilang lubos na kami ng kakambal kong si Saskia, mahigit isang taon na ang nakakalipas. Sabay na namatay ang mga magulang namin ni Saski sa isang aksidente at naiwan kami sa pangangalaga ng tiyang namin na ipinaglihi sa sama ng loob dahil sa sobrang kasungitan. Menor de edad pa kaming dalawa ni Saskia, 16 years old kaya kailangan namin ang tiyang namin kahit hindi naman nya kami inaalagaan ng kakambal ko. Nasa Grade 11 na ako at nag- aaral ako sa lungsod, habang ang kakambal ko naman si Saskia ay tumigil sa pag- aaral dahil mas pinili nya ang magtatrabaho para pangtustos namin sa pang- araw- araw. Nagtitinda sya ngayon ng mga kakanin. Sabi nya sa akin, sa aming dalawa, ako naman daw ang matalino kaya ako na ang magpatuloy sa pag- aaral. Pag weekend naman ay nasa haciendang Aragon ako para tumulong doon at nang magkapera naman ako. - Unti-unting mararating, kalangitan at bituin Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning Hawak ngayo'y tibay ng damdamin Bukas naman sa 'king paggising, kapiling ko'y pangarap na bituin - Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos kong kumanta. "Kapatid ko yan! kapatid ko!" Ito ang proud na sigaw ng kapatid ko na mas lalong nagpalakas ng self- confident ko. Parehong namin lakas ni Saskia ang isa't- isa. Meron akong magandang boses, isa ito sa kaibahan naming dalawa ni Saskia. Hindi kasi sya marunong kumanta. Ginagamit ko naman ang talentong ito para magkapera at dagdag sa mga gastusin ko sa paaralan. Pag makatapos na ako, ako na naman ang magtatrabaho para sa aming dalawa ni Saskia at sya na naman ang papaaralin ko. Nang ini- announce na ako ang nanalo sa contest, halos lumundag ang kapatid ko sa sobrang saya. Ako din dahil may pandagdag na naman ako sa ipon ko para makapagtapos ako kahit high school lang. ------ Weekend na naman at nandito na naman ako sa hacienda ng mga Aragon. Si Donya Guardia, sya ang nagma- manage ng hacienda. Isa sya sa tatlong anak ng namayapa nyang mga magulang. Sa pagkakaalam, may lahing Chinese ang mga Aragon pero mas mapapansin ang dugong espanyol ng mga ito. Sa mga naririnig ko, ayon narin sa kwentong- kwento ng lugar namin, si Donya Guardia nalang daw ang nag- iisang buhay sa kanyang mga kapatid. Hindi daw nag- aasawa ang Donya para manatili ang apelyido nito pero nagkaroon ito ng anak na lalaki. Namatay din ang anak nito kaya ang tangi nalang daw kapamilya nito ay ang nag- iisang apo nito na nasa syudad naninirahan dahil isinama ng ina nito. Malaki ang haciendang Aragon, at export ito ng iba't- ibang klase ng mga prutas, tulad nalang ng mangga, santol, lanzones at iba pa. Pero mas sikat ang hacienda sa kapehan nito, may mga produkto na gawa nito na mismong mga tauhan ng hacienda ang gumagawa. Isang napakayaman angkan ang mga Aragon. Pinakamarangyan pamilya dito sa probinsya namin. Masasabi na bilyonaryo ang mga ito, dahil hindi lang naman ang hacienda ang negosyo ng mga ito, sa pagkakaalam ko meron din silang real estate business. Papunta na ako sa kwarto ni Donya Guardia, may dala akong isang tray kung saan nakalagay ang mga pagkain nya at maintenance na bitamina. Napahinto ako sandali at napatingin na naman ako sa larawan na nakasabit sa pader. Mula pa nung unang dinala ako dito ng ina ko, sampung taon gulang palang ako, talagang hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa malaking portrait na nasa hallway papunta sa kwarto ng Donya. Isang teenager ang nasa larawan, hindi ito pinalitan kaya sa tingin ko, 20 years old na ngayon ang nag- iisang apo ni Donya Guardia. Hindi ko pa ito nakikita sa personal pero talagang humahanga na ako sa hitsura nito. Sa pagkakaalam ko, nasa Manila nakatira ang apo ni Donya Guardia. Hindi ko pa ito nakikita na pumunta dito sa hacienda. Pag malaman ko naman na pumunta ito sa hacienda, lagi naman akong wala na para bang ayaw talaga ng pagkakataon na makita ko sa personal ang lalaking hinahangaan ko. "Hoy, ano pang ginagawa mo dito?" muntikan na akong napapitlag nang marinig ang boses ni Manang Belen, ang mayordoma ng bahay. Mabuti nalang at hindi ko nabitawan ang dala ko. "Manang naman." reklamo ko dito. "Ikaw kasi, titig na titig ka na naman sa larawan ni Senyorito Russell. Sinabi ko naman sayo na kung crush mo si Senyorito, uncrush mo na yan, para din naman yan sa ikabubuti mo." "Wala naman akong crush sa senyorito manang. Sadyang nakasanayan ko lang na mapatingin sa mukha nya pag dadaan ako dito." depensya ko sa sarili ko. "O sige, pumunta ka na sa kwarto ng donya. Alam mo naman ang ugali nung. Alam mong ayaw nung pinaghihintay." Agad naman akong tumalima sa sinabi ni Manang Belen. Istrikta nga si Donya Guardia, pero magaling ito sa pangangalakad ng hacienda. Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ng donya, pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Manang Belen sa akin. Wag ko na raw pangarapin si Senyorito Russell, galing daw ito sa lahi ng mga Chinese at hindi pa man daw ito isinilang, may napili na ang mga magulang nito para maging asawa nito. Isang tradisyon ng pamilya nito na hindi pwedeng putulin, kailangang sundin para sa pamilya. Bilang nag- iisang apo at tagapagmana, kailangan sundin ng senyorito ang isang kasunduan na sinunod ng pamilya nito sa bawat henerasyon. Ang isang tulad ko raw na mahirap ay walang karapatan para pangarapin ang isang Russell Aragon, at kahit mayaman pa ako, hindi din kami pwedeng dalawa. Dahil may isang babae na raw na napili ang pamilya nito para maging asawa nito. Ayon nga sa usap- usapan, tsismis lang sa lugar namin, may lalaki daw nagugustuhan ang kapatid ni Donya Guardia, ayaw ng mag- asawang Aragon sa boyfriend ng anak kaya pilit na pinaghihiwalay ng mag- asawa ang dalawa. Magtatanan na sana ang dalawa pero nawala ang lalaki, ayon sa tsismis, may inutusan daw ang mag- asawang Aragon para patayin ang kasintahan ng anak nila at inilibing daw ang katawan nito sa isang tagong lugar dito sa hacienda. Ang anak naman na babae ay nagpapakamatay daw at nagdadalang tao ito. Pero tsismis lang ito at walang basehan. Ang tsismis na ito ang isa sa mga dahilan kaya lagi akong sinasabihan ni Manang Belen na wag ko nang pangarapin ang senyorito dahil baka mapahamak lang ako. Hindi naman ako umaasa na maging kami ng senyorito, wala naman mawawala sa akin kung crush ko lang ito. Isang lihim lang naman na paghanga. "Anong oras na Mari, I told you, 1 minute late is still a late. Wala pa rin yong pinagkaiba sa isang oras na late." salubong agad ni Donya Guardia sa akin. Malakas at bata pa sya tignan sa edad nyang early 70's. At talagang masyado syang istrikto sa oras. "Pasensya na donya Guardia, medyo nata----" "Napakakupad mo talaga. Ikakaltas ko ito sa sweldo mo." Hindi na ako nabigla, talagang mahilig syang kaltasan ang sweldo naming mga tauhan nya pag hindi nya nagugustuhan ang trabaho namin. Ang sweldo kong limang daan pesos sa dalawang araw ay minsan 350- 400 nalang, dahil bawat makita nyang pagkakamali ay kinakaltasan nya ng 50 pesos ang sweldo ko. Wala din akong magagawa, mas mabuti na to kaysa sa wala akong sasahurin. Kaya ko naman pagkasyahin ang 300 sa isang linggo pag hindi na kasali ang mga project sa school. Minsan, hindi na ako kumakain ng snack, nagbabaon nalang ako ng maraming kanin para makatipid ako. Libre narin minsan ang ulam namin pag araw ng Sabado at Linggo, ayaw kasi ni Donya Guardia na nagsasayang ng pagkain, at hindi naman maiwasan na may tira- tira kaya ipinapadala nya sa amin ang mga natitirang pagkain. Hindi naman sya madamot kahit papaano. Inilapad ko ang tray na dala sa mesa. At inayos ko ang mga pagkain nya. Gusto nya na lagi syang dinadalhan ng pagkain sa kwarto nya pag umaga. Pag lunch at hapunan, sa dining na sya kumakain. "Mari, gusto kong sabihin mo sa mga kasambahay na pumunta sa may sala, labing limang minuto mula ngayon. May mahalaga akong sasabihin. " Opo, Donya Guardia. " Pagkatapos ko itong sabihin, lumabas na ako sa kwarto nya. Ayaw nyang magtagal ako sa kwarto nya. Agad ko naman sinabi sa mga kasambahay ang inutos ni Donya Guardia sa akin. Kaya pagkatapos lang ng kinse minuto ay nasa may sala na ang lahat ng kasambahay. Kinse minuto talaga dahil pag mahuli, kaltas sweldo na naman. Pag masyado naman maaga, kaltas sweldo parin. "Makinig kayong lahat." napatingin kami kay Donya Guardia na kabababa lang ng hagdanan. "Sa susunod na linggo, pupunta dito ang nag- iisa kong apo na si Russell. At mananatili muna sya dito sa hacienda. Gusto kong pagsilbihan nyo sya ng maayos. Hindi mahilig sa mga Chinese food ang apo ko dahil mas gusto nya ang taste ng mga espanyol na pagkain. Gusto ko rin na linisin nyo ang buong bahay at palitan lahat ng kurtina. Gusto kong magawa nyo itong lahat sa araw na to." Sa lahat ng sinasabi ni Donya Guardia, isa lang ang pumapasok sa isip ko. Pupunta sa hacienda ang apo nya na lagi kong pinagmamasdan sa portrait, makikita ko na ito sa personal. Excited na yata ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD