SBD1: Introduction

1365 Words
She's Back as a Billionaire's Daughter (Introduction) Warning: Romance Suspense ang genre nito. Know the genre of the story first, kasi magkaiba ng taste ng tao. If you don't like the genre then this is not for you. Dahil sinabi ko na ang genre, expect nyo na siguro na may mystery and mahirap ang pagdaanan ng mga character bago ang happy ending. Salamat sa mga magbabasa in advance! ---- "Tulong! Tulungan nyo ako dito! Maawa kayo sa akin, palabasin nyo ako dito. Russell, please, palabasin mo ako dito. P- Palabasin nyo ako dito! T- Tulong!" umiiyak na sambit ng isang habang walang tigil nyang mahinang binayo ng suntok ang pinto ng bodega kung sana sya nakakulong. Sobrang nanghina na sya, hilong- hilo na sya. Naging blurred lahat sa paligid. Nanakit din ang puson nya. Humahagulhol syang napayuko, at napakunot- noo sya nang may nakita sya na mantsa ng mga dugo sa sahig. Napatingin sya sa hita nya at nasigaw sya nang nakita ang maraming dugo na dumaloy dito. Sumisigaw sya sa sobrang sakit pero walang tumutulong sa kanya. Hinang- hina narin sya at tuluyan na ngang nagdilim ang paningin nya. Napabalikwas sya ng bangon. Napaginipan na naman nya ang bangungot na yon sa buhay nya. She tried her best to forget those nightmare but she failed. Paano ba naman nya makakalimutan ang mga iyon kung iyon ang pinakamasakit na parte ng kanyang nakaraan? Nakaraan na dapat na sana nyang ibaon sa limot pero hindi nya magawa sapagkat uhaw ang puso nya. Uhaw sa hustisya na laging sinisigaw nito. Tumayo sya at lumapit sya sa mini- ref nya dito sa loob ng kwarto nya. Kumuha sya ng bottled water at ininom ito. Pero hindi man lamang gumaan ang pakiramdam nya. Nahihirapan parin sya sa paghinga, kaya nasapo nya ang dibdib. She inhaled and exhaled hanggang sa naging pantay na ang paghinga nya. Sa wakas, kumalma narin ang pakiramdam nya. Napatingin sya sa side table at sumalubong sa paningin nya ang isang magazine. Cover dito ang mukha ng dalawang tao na syang dahilan sa matinding bangungot na naranasan nya. Ang dalawang tao na gusto nyang gantihan. Naikuyom nya ang kamao at nanlilisik ang mga mata nya habang nakatingin sa magazine. Pagsisisihan nyo ang ginawa nyo sa akin. Luluhod kayo sa harapan ko. Magmamakaawa sa kapatawaran ko. Pero hindi ko kayo patatawarin dahil walang kapatawaran ang ginawa nyo sa akin. Wawasakin ko kayo. Kung nasa langit kayo, hihilahin ko kayo sa impyerno." ----- It's already 8 am, at handang- handa na si Safarra. Ilang araw na ang nakakalipas mula nang nakabalik sya dito sa Pilipinas. At pupunta sya ngayon sa isa sa pinakamalaking mall ng bansa para sa plano nyang magbukas ng boutique doon. Plano nyang ibenta ang mga sarili nyang desinyo sa boutique nya. She is Safarra Amari Montreal, she is a fashion designer who graduated from one of the best fashion school ni Paris. She graduated with a flying color. Bagama't baguhan sa larangan ng fashion dahil fresh graduate palang sya pero nakagawa na talaga sya ng pangalan sa fashion industry at may ilan na talagang nakakilala sa kanya kahit pa masyadong lihim ang kanyang pagkatao. When she came back here in Philippines, a lot asked, who is Safarra Montreal? The lost princess of the Montreal is already found. Pero mas pinili nyang itago muna ang tunay na pagkatao nya. For one important reason. For one very important reason. She is staying in a luxurious penthouse na regalo ng mga magulang nya sa kanya. She is now living the life of a queen. Multi- billionaire ang pamilya nya. She is the only daughter of the richest family in the country, the Montreal. She is also the youngest and she has 6 famous brothers. She's now living the life of a queen. A life that she never thought will be hers. Sapagkat isang kayod isang tuka lamang syang nung. Lumaki sya sa hirap. Lahat ng unos na dumating ay sabay nilang hinarap ng inakala nyang kapatid at kakambal na si Saskia. Buong buhay nila wala silang ibang hangad kundi ang umangat ng kunti ang buhay nila. Matayog ang pangarap nilang dalawa ni Saskia pero may mga tao talaga na hihila sa kanila pababa. Lingid sa kaalaman ng kakambal nya, meron syang napakasakit na karanasan mula sa mga taong basura ang tingin sa kanya. Inapakan ng mga ito ang buo nyang pagkatao. Nawalan sya at nagdusa. Pero, kung kailan, akala nya tuluyan na syang malugmok sa lupa, isang katotohanan ang inihain sa harapan nilang dalawa ni Saskia. Isang katotohanan na babago sa buhay nilang dalawa. Sya pala si Safarra Montreal, ang nawawalang anak na babae ng isang napakayaman angkang Montreal. At tuluyan nabago ang takbo ng buhay nilang dalawa ni Saskia. And now, she's back as a billionaire's daughter. Nasa may boutique sya, nakaupo dito sa may lobby, at nakatingin sa isang magazine. Nandito din sa magazine na 'to ang mga taong gusto nyang gantihan. "What are you planning now?" tanong ni Saskia sa kanya. Kaharap pala nya ito. Maganda at masaya na ang buhay ni Saskia. She is a perfume chemist, and she is her brother Savino's wife. Malaki na nga tiyan nito sa pangalawang pagbubuntis nito. Napaangat ang mukha nya dito. Kitang- kita nya ang kuryusidad sa mga mata nito. "What do you mean?" kunot- noo sya. "You know what I mean Amari. You are a Montreal. Nanalaytay sa dugo mo ang pagiging isang Montreal. Alam kong hindi ka uupo nalang at tatahimik. Alam kong pinaghandaan mo ang araw ng paniningil mo." Napangiti sya. Kilalang- kilala nga sya nito. "Makikipaglaro lang ako ng apoy sandali." Ang tangi nyang nasagot. Talaga naman apoy ang lalaruin nya. Sya ang apoy na tutupok sa masayang pagsasama ng dalawang tao na pinagbuklod sa isang kasal. "Please Amari, kung ano man ang iniisip mo, kalimutan mo na yan." nagsumamo ang titig nito sa kanya, nag- alala ito sa kanya. She saw it in her eyes. "Napagdaanan ko narin ang maghiganti at alam kong hindi ito nagdulot ng maganda sa lahat ng pagkakataon. You can burn them with your fire, pero paano kung pati ikaw ay madamay sa apoy na sinabi mo. Paano kung pati ikaw ay tupukin din ng sarili mong apoy. Please, kalimutan mo na ang mga taong yan. You already have a good life. Wag mong sirain muli ito dahil sa galit mo sa mga taong yan." "And what do you want me to do?" napatayo sya at buhay na buhay na naman ang malaking pagkasuklam sa puso nya. "Isa bang malaking kasalanan kung gusto ko lang humingi ng hustisya sa ginawa nila sa akin. Hustisya na hindi ko nakamtan dahil sa mahirap lang ako." naikuyom nya ang kamao. "Ikinulong nila ako. Hindi na sila naawa sa akin. Sa ginawa nila, nawalan ako, nawala ang kakambal sana ni Messy." Hindi na nya napigilan at napatulo na ang luha nya. Ito ay dahil sa pinaghalong sakit at matinding galit. Sa halos pitong taon na pananatili nya sa ibang bansa, kailanman, hindi nawala sa isip nya ang masakit na nakaraan. Walang nakakaalam pero halos gabi- gabi syang binangungot. Hindi naman siguro sya masisisi kung sa pagbabalik nya, isa sa plano nyang gawin ay ang gumanti. Ginamit ng mga tao na yon ang pera para apakan ang pagkatao nya, walang masama kung gagamitin din nya ang pera para sa paghihiganti nya. "Anong sabi mo?" napatayo narin si Saskia. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang bagay na yan? Bakit?" "Dahil ayaw kong madamay ka pa. Dahil ayaw kong masaktan ka rin pag malaman mo ang mga nangyayari sa akin." pinunasan na naman nya ang luha at nanlilisik ang mga mata nya na nakatingin sa magazine na kanina hawak nya, saka sya napatingin muli sa mga mata ni Saskia. "Ngayon mo sabihin sa akin. Sabihin mo sa akin, wala ba akong karapatan gumanti? Gaganti ako, Saskia. Gaganti ako." madiin nyang sambit. Napatulo ang luha ni Saskia habang nakatingin sa kanya. Kitang- kita nya ang paglatay ng awa sa mga mata nito. Awa na para sa kanya. She is Safarra Amari Montreal. She's back as a billionaire's daughter. And she's back for revenge too. (Please read the author's note bago magpatuloy para magkaintindihan tayo.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD